CUMC UMYF

CUMC UMYF Crossroads United Methodist Church
To know Christ and to make Him known!

𝐆𝐢𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝, 𝐒𝐚𝐯𝐞 𝐋𝐢𝐯𝐞𝐬! 💉🩸"Do good and share what you have, for such sacrifices are pleasing to God." 💗- Hebrews 13:16 S...
19/11/2025

𝐆𝐢𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝, 𝐒𝐚𝐯𝐞 𝐋𝐢𝐯𝐞𝐬! 💉🩸

"Do good and share what you have, for such sacrifices are pleasing to God." 💗

- Hebrews 13:16

Sabi nga "Love one another" may iba't ibang paraan para ipakita ito, pero p'wede bang... pahingi naman ng blood na pina-pump ng heart mo? 😅💗

Bilang isang hakbang upang makatulong sa mga taong nangangailangan lalo sa usaping pangkalusugan, bukas ang simbahang Crossroads United Methodist Church sa nga nagnanais mag-donate ng dugo sa Philippine Blood Center. Magaganap ito sa Nobyembre 29, 2025 sa oras na 8:30 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon. Inaanyayahan namin ang mga interesadong mag-donate na dumalo, nang sa gayon ay mai-share natin sa iba ang love natin sa kanila!

Patuloy nating ipakita sa iba ang ating pagmamahal; mga simpleng pagtulong na nagmumula sa puso! Nawa katukin ang ating puso upang makiisa sa gawaing makapagsasalba ng buhay ng iba. Kitakits po! 💗✨

Sa may mga katanungan, maaari pong makipag-ugnayan sa aming page. 😊

Matagumpay na naisagawa ang 𝑺𝒕𝒖𝒅𝒆𝒏𝒕𝒔' 𝑹𝒆𝒄𝒆𝒑𝒕𝒊𝒐𝒏 𝟐𝟎𝟐𝟓: 𝑯𝒊𝒓𝒂𝒚𝒂 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒘𝒂𝒓𝒊 noong July 27, 2025 na may layuning ang kanilang m...
16/08/2025

Matagumpay na naisagawa ang 𝑺𝒕𝒖𝒅𝒆𝒏𝒕𝒔' 𝑹𝒆𝒄𝒆𝒑𝒕𝒊𝒐𝒏 𝟐𝟎𝟐𝟓: 𝑯𝒊𝒓𝒂𝒚𝒂 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒘𝒂𝒓𝒊 noong July 27, 2025 na may layuning ang kanilang mga 'Sana mangyari' ay tunay na mangyari dahil sa tiwala, tiyaga, at higit sa lahat, ang pananampalataya kay Hesu-kristo! Nakamit din ang layunin nitong magtanim ng kaalaman sa mga estudyante tungkol kay Hesus at kung paano siya kikilos sa buhay ng bawat isa para sa taong pampanuruan 2025-2026. ✨

Sa tulong ng mga manggagawa ng simbahan at maging ng mga kabataan, naging masaya at puno ng aral na babaunin ng mga mag-aaral sa kanilang pagtapak sa kani-kanilang mga paaralan ang araw na ito! 💗

Naging makabuluhan ang talakayan na pinangunahan ni 𝑺𝒊𝒔. 𝑱𝒆𝒖𝒏𝒆𝒆𝒛𝒆 𝑷𝒆ñ𝒂𝒇𝒍𝒐𝒓 patungkol sa walang kapantay na pagmamahal ng ating Panginoon at sa magandang plano Niya para sa mga estudyanteng patuloy na nangangarap 🤍.

Hindi rin naman magiging matagumpay ito kung wala ang mga estudyanteng tumugon sa tawag ng ating Panginoon. Maging biyaya nawa ang bawat isa sa iba at magpagamit upang makapagbigay rin ng pag-asa sa mas marami pang kabataan! 🤍

Kitakits sa mga susunod pang aktibidad, Kabataan! ✨ Hindi nawa matapos dito ang ating tungkulin bilang mga estudyanteng kristyano! 😉

✍️: Aimie(ECSA)
📸: Nat (ICRD)

Pangarap na clear mind 💭 , peaceful school year 💆🏫, at maliwanag na daan sa hinaharap tungo sa pangarap? 🙋 Ipagkatiwala ...
14/07/2025

Pangarap na clear mind 💭 , peaceful school year 💆🏫, at maliwanag na daan sa hinaharap tungo sa pangarap? 🙋 Ipagkatiwala mo na kay Lord 'yan, Mare!

Ikaw, ano ba ang mga 𝐇𝐢𝐫𝐚𝐲𝐚 mo? Maging doctor? Lawyer? Teacher? Businessman? Influencer? Artist? Artista? ARTISTA?! ARTISTAHIN YAAAAAARN?! O baka naman simple lang, ang maitawid ang araw-araw na klase sa loob ng apat na sulok ng klasrum? We feel you!

Minsan ka na bang nagsabi ng 𝐇𝐢𝐫𝐚𝐲𝐚 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐫𝐚𝐰𝐢 (𝐬𝐚𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢)? Huwag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa. Dahil pati kami ay nananalangin na 𝐬𝐚𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢 ang iyong mga hangarin sa buhay. Mula sa pinakasimple mong panalangin hanggang sa pinakamalaki mong mga hingil. ✨🌻

Mula sa Crossroads United Methodist Church tungo sa inyo--mga kabataan! Iniimbitahan namin kayo na dumalo sa student reception event na may layuning bigyang pag-asa ang lahat ng mga nangangarap na tumuloy sa kabila ng mga hamon bilang estudyante nang may panalangin, tiwala, tiyaga, malinaw na layunin, at higit sa lahat, ang matatag na pananampalataya sa Salita ng Diyos.

Sa pagpasok ng bagong Academic Year 2025-2026📝, paano ka kikilos sa iyong paaralan bilang isang kristiyanong metodista? Ating ihanda ang ating puso at isipan sa isang makabuluhang talakayan na may temang 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬' 𝐑𝐞𝐜𝐞𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧 na magaganap sa linggo July 27, 2025 sa ganap na 𝟐:𝟎𝟎 ng hapon sa 𝐂𝐫𝐨𝐬𝐬𝐫𝐨𝐚𝐝𝐬 𝐔𝐧𝐢𝐭𝐞𝐝 𝐌𝐞𝐭𝐡𝐨𝐝𝐢𝐬𝐭 𝐂𝐡𝐮𝐫𝐜𝐡.

Ihanda ang mga sarili sa linggong puno ng saya at mensaheng nagmumula sa ating Panginoon! Attend ka ha? Kitakits muli, Youth! 😉✨💫

𝐊𝐚𝐰𝐢𝐤𝐚𝐚𝐧 𝟏𝟗:𝟐𝟏 "𝐀𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨'𝐲 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐢𝐢𝐬𝐢𝐩,𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐤, 𝐧𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐨𝐨𝐛𝐚𝐧 𝐝𝐢𝐧 𝐧𝐢 𝐘𝐚𝐡𝐰𝐞𝐡 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐢𝐠."

🌄: Nat (ICRD)
✍️: Aimie (ECSA)

With the elections over, we're glad to officially announce our newly elected officers and department heads for the 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞...
16/06/2025

With the elections over, we're glad to officially announce our newly elected officers and department heads for the 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐘𝐞𝐚𝐫 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟐𝟓-𝟐𝟎𝟐𝟔!

Congratulations, CUMC Youth!

𝑺𝒊 𝑲𝒓𝒊𝒔𝒕𝒐 𝑯𝒊𝒈𝒊𝒕 𝒔𝒂 𝑳𝒂𝒉𝒂𝒕!☝️

🧑‍💻: Nat (ICRD)

Si Kristo Higit sa Lahat!
07/06/2025

Si Kristo Higit sa Lahat!

09/04/2025

Address

690 A. Mabini St. Sangandaan CUMC Caloocan City
Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CUMC UMYF posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to CUMC UMYF:

Share