Nuestro Padre Jesus Nazareno "Batang Eleven"

Nuestro Padre Jesus Nazareno "Batang Eleven" Kapatirang itinatag ng mga taga 11th Avenue Grace Park Kalookan Alay sa Mahal na P**ng Nuestro Padre

Ang mahiwagang storya ng pagpapakita ng Our Lady of the Rosary/Our Lady of Fatima sa tatlong bata sa Fátima, Portugal, a...
13/05/2020

Ang mahiwagang storya ng pagpapakita ng Our Lady of the Rosary/Our Lady of Fatima sa tatlong bata sa Fátima, Portugal, ay nangyari sa mismong araw na ito, ilang taon na ang nakalilipas. Sinabing nagpakita raw ang aparisyon ni Maria sa tatlong batang pauwi mula sa pag-aalaga ng kawan ng tupa. Ipinahayag din ng Birhen sa isa sa mga batang nagngangalang Lucia, na magpapakita ito muli sa kanila sa ika-13 na araw pagkatapos ng anim na buwan. Pagkatapos kumalat ng nasabing istorya, marami ang dumadayo sa Fátima upang masaksihan ang nasabing aparisyon.

Marami rin ang hindi naniniwala ngunit pagkatapos ng anim na buwan, Oktubre 13, nasa 70,000 katao ang nag-abang sa muling paglitaw ng aparisyon. Nagpakita nga muli ang aparisyon ng Mahal na Ina, ngunit sa tatlong bata lamang. Nagpakilala siya bilang "Our Lady of the Rosary" at sinabing magtayo raw ng kapilya sa lugar kung saan siya nakita. Inunahan niya rin ang pagtatapos ng World War I, sinabing malapit na raw maging payapa muli ang lahat, at itinaas ang kanyang kamay patungo sa araw. Ang lahat ng mga tumingala ay nasaksihan ang 'pagsasayaw' umano ng araw at tinawag nila itong mirakulo.

Ngayong ika-13 ng Mayo, sabay-sabay nating ipagdiwang ang ika-103 na taon simula noong unang nagpakita ang Birhen ng Fatima. Matagal na panahon na ang nakalilipas ngunit ang mga panawagan ng Mahal na Birheng Maria para sa pagbabalik-loob, pagsisisi ng mga kasalanan at pagtatalaga ng sarili sa kanyang kalinis-linisang puso ay kinakailangan pa rin sa panahon natin ngayon. Kaya ngayon araw ding ito, itatalaga natin ang ating buong bansa sa kanya.




13/05/2020
Traditional Latin Mass at National Shrine of Our Lady of Fatima wayback 2007.Presided by +Msgr. Moises Andrade.Credits t...
13/05/2020

Traditional Latin Mass at National Shrine of Our Lady of Fatima wayback 2007.

Presided by +Msgr. Moises Andrade.

Credits to Mr. John Mark Germino.

WEDNESDAY DEVOTION:Nobena sa Karangalan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo.Halina't muli nyo kaming samahan na mag novena...
13/05/2020

WEDNESDAY DEVOTION:
Nobena sa Karangalan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo.

Halina't muli nyo kaming samahan na mag novena para sa karangalan ng Mahal na Ina.

--------------------------------------------------------------------

Pambungad na Awit: Immaculate Mother
LINK: (http://www.youtube.com/watch?v=azcGD1Bv5_0)

Inang sakdal linis Kami ay ihingi
Sa Diyos Ama namin; Awang minimithi.

Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria

Bayang tinubua'y ipinagdarasal at kapayapaan nitong sanlibutan.

Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Pari:
Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Lahat:
Amen.

Pari :

Mga kapatid, bilang mga anak ng ating Banal na Ina ay nagtipon-tipon tayo sa harap ng kanyang mapaghimalang larawan upang parangalan siya at humingi ng lahat ng ating kailangan.

Pari :

Dahil sa tayo ay di karapat-dapat na mga anak, humingi muna tayo sa Diyos ng awa at patawad.

Lahat:

Mahabaging Ama, sinugo mo sa lupa ang Iyong Banal na Anak Upang tubusin at iligtas kami sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay, at upang bigyan kami ng bagong buhay. Sa pamamagitan nito ginawa Mo kaming Iyong mga anak upang magmahalan kami tulad ng pagmamahal ni Kristo sa amin. Anong limit naming malimutan ang dakila naming karangalang ito. Nagkasala kami sa aming mga kapatid; nagkasala kami sa Iyo.

Mahabaging Ama, patawarin Mo kami. Tapat naming pinagsisisihan ang aming mga kasalanan. Kahabagan Mo kami, maawaing Ama. Lagi nawa kaming mabuhay bilang matapat mong mga anak.

Awitin natin ang "Birheng Maria, Tala sa Umaga"
LINK: (http://www.youtube.com/watch?v=kqMAcr6lc2s)

Birheng Maria, Tala sa Umaga.
Noon pa man ay itinangi ka,
Sa 'yong liwanag ang takdan lulupig,
Kay Satanas, tao'y ililigtas.

Iyong tunghan kaming nanambitan.
At ang lupang iyon tinapakan.
Tulong mo'y ilawit sa'min, Maria.
Ngayon at sa aming kamatayan.

Ang kalinisan mo'y iginagalang:
Naming mahina't makasalanan.
Awa ng Diyos ang aming kahilingan.
Birhen Maria kami'y tulungan.

Iyong tunghan kaming nanambitan.
At ang lupang iyon tinapakan.
Tulong mo'y ilawit sa'min, Maria.
Ngayon at sa aming kamatayan.

Panalangin sa Novena

Mahal na Ina ng Laging Saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Hesus upang maging Ina namin. Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga ina. Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalung-lalo na ang biyayang ito …

(tumigil at sabihin ang iyong mga hangarin).

Noon ikaw ay nasa lupa, minamahal na Ina, ikaw ay buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak. Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-Amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang Mahiwagang Kalooban. Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay. Kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin.

Pinakakamahal na Ina, bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin, at tinutugon Niya ang lahat ang aming mga panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus tulad ng iyong Banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ay tiyak na makakabahagi rin ng Kanyang muling pagkabuhay. Pinakamamahal na Ina, habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba.

Mahal na mahal mo sila; tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila. Samantalang idinadalangin namin ang aming mga adhikain at mga adhikain ng lahat ng naririto ngayon. mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo, aming Ina, tulungan mo kaming makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga may sakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, magpahilom ng sugat ng mga pusong wasak, magpagaan ng tinitiis ng mga inaapi, at turuan ng katarungan ang mga sa kanila'y nang-aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya. Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't-isa. Buong tiwala naming isinasalalay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan.

Amen.

Panalangin Para sa Tahanan

Ina ng Laging Saklolo, pinili ka naming Reyna ng aming tahanan. Hinihiling naming pagpalain mo ang aming pamilya sa pamamagitan ng iyong matimyas na pagmamahal. Mahigpit nawang bigkisin ng Sakramento ng Kasal ang mga mag-asawa upang lagi silang maging tapat at mapagmahal sa isa't-isa tulad ng pagmamahal ni Kristo sa Santa Iglesia. Hinihiling naming pagpalain mo ang lahat ng mga magulang.

Mahalin nawa nila ang mga anak na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila. Nawa’y lagi silang maging huwaran ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng kanilang tunay na buhay-Kristiyano. Tulungan mong palakihin at arugain ang kanilang mga anak na may pagmamahal at takot sa Diyos. Pagpalain mo ang mga bata upang kanilang mahalin, igalang at sundin ang kanilang ama at ina. Sa iyong magiliw napagpapala tangi naming ipinagkakatiwala ang mga kabataan ngayon. Bigyan mo kaming lahat ng pagpapahalaga sa aming pananagutan nang matupad namin ang aming tungkulin na gawing pugad ng kapayapaan, ang aming tahanan tulad ng iyong tahanan sa Nasaret. Ikaw ang aming huwaran. Tulungan mo kami upang sa araw-araw ay lalong magningas, ang dalisay naming pagmamahal sa Diyos at kapwa, nang sa gayo'y maligayang maghari ang katarungan at kapayapaan sa buong sangkatauhan.

Amen.

Mga Kahilingan sa Ating Ina ng Laging Saklolo

Santa Maria

IPANALANGIN MO KAMI

Santang Birhen na ipinaglihing walang kasalanan

IPANALANGIN MO KAMI

Aming Ina ng Laging Saklolo

IPANALANGIN MO KAMI

Kaming makasalan ay tumatawag sa iyo

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang mapuno kami ng Espiritu Santo at maging mga magigiting na saksi sa pagmamahal ni Kristo sa tao.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang katulad mo, ay unti-unti kaming matulad sa aming mahal na Panginoon.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang kami'y maging mapagpaumanhin at mapagkumbaba katulad ng inyong Anak na si Jesus.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang kami'y matakot na lubusang masira ang pakikipagkaibigan ng Diyos sa amin dahil sa ayaw naming pagsisihang kasalanan

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang lagi naming sikaping matamo ang awa at patawad ng Diyos sa Sakramento ng Kumpisal.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang maunawaan namin na kami‘y tinuturuan ng Diyos sa pamamagitan ng mga pangyayari sa araw-araw na pamumuhay…

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang manalangin kami araw-araw na may pagmamahal at patitiwala, lalo na sa mga sandali ng tukso.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang maunawaan namin ang halaga ng sama-samang pagsamba sa Diyos sa Eukaristiya

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang patuloy na mag- alab ang aming pag-ibig kay Kristo at sa kapwa sa pamamagitan ng malimit na pagtanggap ng Banal na Komunyon.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang igalang namin ang aming katawan bilang mga templo ng Espiritu Santo.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang magsikap kaming maging tunay na mga Kristiyano sa pamamagitan ng mapagmahal at pagmamalasakit sa iba.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang ipahayag namin ang dangal ng trabaho sa pamamagitan ng katapatan sa aming mga gawain.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang buong puso naming patawarin ang mga nakagawa sa amin ng masama.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang maunawaan namin ang kasamaan ng paghahangad sa sariling kapakanan na makapipinsala sa iba.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang tumulong kami na ipamahagi ang kayamanan ng mundong ito alinsunod sa katarungan.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang gamitin namin ang aming mga kakayahan para sa ikabubuti ng iba…

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang tanggapin namin ang aming pananagutan sa lipunan ayon sa diwa ng tunay na paglilingkod…

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang idalangin namin na patnubayan at patatagin ng Espiritu Santo ang loob ng Santo Papa, ng mga obispo at mga pari…

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang pagkalooban kami ng Panginoon ng maraming mga kabataan na may hilig na magpari, mag-ermano at magmadre…

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang matulungan naming kilalanin at mahalin si Kristo ng mga hindi pa nakakakilala sa kanya.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang maunawaan namin na sa gitna ng aming mga tagumpay, kami ay nangangailang pa rin ng tulong ng Diyos.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang sa kamatayan ay maging handa kaming pumasok sa tahanan ng aming Ama sa langit.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang mamatay kaming kaibigan ni Kristo at ng aming kapwa.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang pagdating ng kamatayan sa aming mga minamahal sa buhay kami sana'y aliwin ng aming pag-asa sa Panginoong muling nabuhay.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

Upang idalangin namin na ang mga yumao ay makinabang agad sa muling pagkabuhay ng iyong Anak.

MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI

( tahimik nating idalangin ang ating mga hangarin)

LAHAT:

Sta. Maria, tulungan mo kami sa aming pangangailangan, ipanalangin mo ang bayan ng Diyos, maranasan nawa ng lahat ang iyong walang hanggang saklolo.

PARI :

Panginoon, ibinigay mo sa amin si Maria upang maging Ina namin na laging handang dumamay sa amin.

Loobin mo nawa na dumulog kami sa kanya sa lahat ng aming pangangailangan.

LAHAT :

Amen.

Pag-aalay ng Sarili sa Ating Ina ng Laging Saklolo
(Tuwing Unang Miyerkules ng Buwan)

Kanilis-linisang Birhen Maria, Ina ng Diyos at Ina ng Santa Iglesia, ikaw ay amin ding Ina na laging handang sumaklolo sa amin. Taglay ang mga pusong lipos ng pag-ibig sa iyo iniaalay namin ang aming sarili sa iyong Kalinis-linisang Puso upang kami ay maging tapat mong mga anak. Ihingi mo kami ng tunay na pagsisi sa aming mga kasalanan at katapatan sa aming mga ipinangako nang kami ay binyagan.

Iniaalay namin sa iyo ang aming puso't kaluluwa upang lagi naming sundin ang kalooban ng aming Ama sa langit. Iniaalay namin sa iyo ang aming buhay upang lalo naming mahalin ang Diyos at mabuhay kami hindi para sa aming sarili kundi para kay Kristong iyong Anak. At upang siya’y aming makita at paglingkuran sa aming kapwa. Sa abang pag-aalay na ito, pinakamamahal na Ina ng Laging Saklolo, ipinangangako namin na ang aming buhay ay itutulad namin sa iyo ikaw na pinakaganap na Kristiyano upang matapos naming mailaan sa iyoang aming sarili, sa buhay at kamatayan ay makapiling nawa kaming iyong Anak magpakailanman.

Amen.

Awitin po natin ang "Birheng Mahal"
LINK: (http://www.youtube.com/watch?v=2IPN-I0SyfI&feature=share)

Birheng mahal, Birheng mahal,
Ang nasa ko'y ano?
Di nais ang kayamanan
At tuwang napaparam;

O, Birheng mahal, Birheng mahal
Ang samo ko'y ito:
Si Hesus na kalong mo sa bisig
Ligaya ng buhay ko.

Birheng mahal, Birheng mahal,
Dagat itong buhay.
Ang "yong Anak ay itanglaw
At nang di maligaw;

At, Birheng mahal, Birheng mahal,
Ang nais ko'y ito:
Sa hantungan nito paglalakbay
Si Jesus ay makamtan.

Pasasalamat

Panginoon Hesukristo, na nasa Banal na Eukaristiya,sinasamba ka namin. Ikinalugod ng Ama na ang buo Niyang pagka-Diyos ay sumasa-iyo. at sa pamamagitan mo niloob Niyang pagkasunduin sa kanya ang lahat ng bagay. Loobin Mo na kami ay lubos na magpasalamat sa lahat ng ginawa sa amin ang Ama. Loobin mong pagsisihan naming lubos ang aming mga kasalanan. Sa pamamagitan Mo, pinasasalamatan namin ang Ama sa pagbibigay niya sa amin ng buhay. Nilikha niya ang lahat ng kahanga-hangang mga bagay para sa amin. Nawa'y gamitin namin ang mga ito sa kabutihan at nawa'y pagningasin ng mga ito ang aming pagmamahal sa Kanya. Higit sa lahat, pinasasalamatan namin ang aming Ama sa pagsusugo Niya sa iyo: bilang siyang pinakadakilang tanda ng kanyang pagmamahal na nagligtas sa amin. at sa lahat ng sangkinapal sa pamamagitan ng iyong pagkamatay at muling pagkabuhay. Nagpapasalamat kami sa iyo, Panginoon, sa pagbibigay mo ng Iyong Ina upang maging Ina namin ng laging saklolo. Harinawang ang di mabilang na biyayang tinaggap namin sa tulong niya, lalo na sa pamamagitan ng pagnonobena sa kanyaay makapukaw sa aming damdamin upang maragdagan ang aming pagtitiwala sa mapagkalingang awa ng Diyos. at sa walang sawang pagdamay ng iyong Ina. Loobin mo nawa na lagi kaming sumunod sa banal na kalooban ng Diyos at mahalin siya ng walang hanggan.

ANG KARANGALAN, KALUWALHATIAN AT PASASALAMAT AY MAPASA KABANAL-BANALANG TATLONG PERSONA … AMA * ANAK AT ESPIRITU SANTO * MAGPASAWALANG- HANGGAN AMEN.

Panalangin Para Sa Mga Maysakit

Panginoong Hesukristo, pinasan mo ang aming tiisin at dinala mo ang aming mga dalamhati upang iyong ipakilala ang halaga ng pagtitiis, at ng pangangailangan ng tao ng iyong tulong. Magiliw mong dinggin ang aming mga panalangin para sa mga minamahal namin at para sa ibang mga may karamdaman. Loobin mo nawang maunawaan ng mga taong labis na nahihirapan dahil sa dinaranas nilang mga sakit at karamdaman na sila’y kabilang sa iyong mga hinirang. Tulungan mong maunawaan nila na sila ay kaisa mo sa iyong mga pagtitiis para sa ikaliligtas ng sangkatauhan.

Amen.

Bilang Pagtatapos, Awitin po natin ang "Aba Ginoong Maria" (Hail Mary)
LINK: (http://www.youtube.com/watch?v=KPhPE7Xlh-s&feature=share)

Mabunying Reyna't Ina
12/05/2020

Mabunying Reyna't Ina

12/05/2020

Our Lady of Fatima, pray for us.

O Birhen ng FatimaKami'y dumudulogSa Mahal mong alindogAy napakukupkop.  Sa amin, ipakitaLandas ng ginhawaDarasalin nami...
12/05/2020

O Birhen ng Fatima
Kami'y dumudulog
Sa Mahal mong alindog
Ay napakukupkop.

Sa amin, ipakita
Landas ng ginhawa
Darasalin namin Ina,
Rosaryo mo t'wina.

Pangako mo ay tupdin
Hiling namin dinggin
Digmaan ay pawiin
Lahat pag-isahin.

Ina wag siphayuin
Ang aming dalangin
Kaming lahat ay ampunin
At itong bayan namin.

MGA PAGBASA- MIYERKULES, MAYO 13, 2020Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng PagkabuhayUnang Pagbasa: Mga GAWA 15:1-6Pag...
12/05/2020

MGA PAGBASA- MIYERKULES, MAYO 13, 2020
Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Unang Pagbasa: Mga GAWA 15:1-6

Pagbasa mula sa Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, may ilang taong dumating sa Antioquia mula sa Judea, at itinuro sa mga kapatid ang ganito: "Kapag hindi kayo nagpatuli ayon sa Kautusan ni Moises, hindi kayo maliligtas." Tinutulan ito nina Pablo at Bernabe at naging mainitan ang kanilang pagtatalo tungkol dito. Kaya't napagkaisahang papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ang ilan pang kapatid sa Antioquia, upang makipagkita sa mga apostol at sa matatanda tungkol sa suliraning ito.

Sinugo nga sila ng simbahan, at pagdaan nila sa Fenicia at Samaria, ibinalita nila ang pagkahikayat sa mga Hentil. Ito'y labis na ikinagalak ng mga kapatid. Pagdating sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng mga apostol, ng matatanda at ng buong simbahan, at isinalaysay nila ang lahat ng isinagawa ng Diyos sa pamamagitan nila. Ngunit tumindig ang ilang mananampalatayang kabilang sa pangkat ng mga Pariseo, at ang sabi nila, "Kailangang tuliin ang mga Hentil na sumasampalataya, at utusang tumupad sa Kautusan ni Moises."
Nagpulong ang mga apostol at ang matatanda upang pag-aralan ang suliraning ito.

Ang Salita ng Diyos.

Salmo Responsorio: AWIT 122:1-5

Tugon:
MASAYA TAYONG PAPASOK
SA TAHANAN NG POONG DIYOS.

Ako ay nagalak, sa sabing ganito:
"Sa bahay ng P**n ay pumasok tayo!"
Sama-sama kami matapos sapitin,
Ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem.

Tugon:
MASAYA TAYONG PAPASOK
SA TAHANAN NG POONG DIYOS.

Yaong Jerusalem, kay ganda ng anyo,
Maganda ang ayos nang muling matayo.
Dito umaahon ang lahat ng angkan,
Lipi ni Israel upang manambahan,

Tugon:
MASAYA TAYONG PAPASOK
SA TAHANAN NG POONG DIYOS.

Ang hangad, ang P**n ay pasalamatan,
Pagkat ito'y utos na dapat gampanan.
Doon din naroon ang mga hukuman
At trono ng haring hahatol sa tanan.

Tugon:
MASAYA TAYONG PAPASOK
SA TAHANAN NG POONG DIYOS

ALELUYA
JUAN 15:4-5

Aleluya! Aleluya!
Sa P**n ay manatili
siya’y sa atin lalagi
mamungang maluwalhati.
Aleluya! Aleluya!

✝️ Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay: SAN JUAN 15:1-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga; at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang namumunga upang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo. Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayon din naman, hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

"Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga ng sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin. Ang hindi nananatili sa akin ay itatapon at matutuyo, gaya ng sanga. Ang gayong mga sanga ay titipunin at susunugin. Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang mga salita ko, hingin ninyo ang inyong maibigan, at ipagkakaloob sa inyo. Napararangalan ang Ama kung kayo'y namumunga nang sagana at sa gayo'y napatutunayang mga alagad ko kayo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

"In the end, my Immaculate Heart will triumph" In response to the call of the Catholic Bishops' Conference of the Philip...
12/05/2020

"In the end, my Immaculate Heart will triumph"

In response to the call of the Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), the Roman Catholic Diocese of Kalookan shall be participating in the NATIONAL SIMULTANEOUS CONSECRATION TO THE IMMACULATE HEART OF MARY on Wednesday, May 13, 2020, Feast of Our Lady of Fatima.

The Most Rev. Pablo Virgilio David DD. will lead us in the recitation of the Holy Rosary at 8:30am and will be followed by the Act of Consecration, in union with all the bishops in the Philippines. The Eucharistic Celebration will follow at 9:00am

12/05/2020
MGA PAGBASA--- MARTES, MAYO 12, 2020Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng PagkabuhayUNANG PAGBASAMga Gawa 14, 19-28Pagbasa ...
11/05/2020

MGA PAGBASA--- MARTES, MAYO 12, 2020
Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 14, 19-28

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, may mga Judiong dumating doon mula sa Antioquia at Iconio. Sinulsulan nila ang mga tao laban kay Pablo at kanilang binato siya. Pagkatapos, kinaladkad siya sa labas ng bayan, sa pag-aakalang patay na. Subalit nang paligiran siya ng mga alagad, nagtindig si Pablo at pumasok sa lungsod. Kinabukasan, nagtungo sila ni Bernabe sa Derbe.

Ipinangaral nina Pablo at Bernabe ang Mabuting Balita sa Derbe, at marami silang nahikayat na maging alagad. Pagkatapos, nagbalik sila sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia ng Pisidia. Pinatatag nila ang kalooban ng mga alagad at pinagpayuhan na manatiling tapat sa pananampalataya. “Magdaranas muna tayo ng maraming kapighatian bago makapasok sa kaharian ng Diyos,” turo nila sa kanila. Sa bawat Simbahan, humirang sila ng matatandang mamamahala, at matapos manalangin at mag-ayuno, ang mga ito’y itinagubilin nila sa Panginoon na kanilang pinananaligan.

Tinahak nila ang Pisidia, at nakarating ng Panfilia. Ipinangaral nila sa Perga ang salita ng Diyos, at pagkatapos ay bumaba sila sa Atalia. Mula roon, naglayag silang pabalik sa Antiquia. Dito sila nagsimula ng gawaing ginanap nila matapos silang itagubilin sa pagkakalinga ng Diyos.

Pagdating doon, tinipon nila ang mga kaanib ng simbahan at isinalaysay ang lahat ng Simbahan at isinalaysay ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at kung paanong binuksan niya ang daan upang makapanampalataya ang mga Hentil. At mahabang panahon silang nanatili roon, kasama ng mga alagad.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21

Tugon: Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo.

Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Tugon: Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo.

Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Tugon: Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo.

Aking pupurihin ang Diyos na Panginoon, di ko tutugutan
sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman.

Tugon: Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo.

ALELUYA
Lucas 24, 46. 26

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo’y laang magtiis
nang tagumpay ay makamit
at sumaatin ang langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 14, 27-31a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot. Sinabi ko na sa inyo, ‘Ako’y aalis, ngunit babalik ako.’ Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat dakila ang Ama kaysa sa akin. Sinasabi ko na ito sa inyo bago pa mangyari upang, kung mangyari na, kayo’y manalig sa akin. Hindi na ako pakahahaba ng pagsasalita sa inyo, sapagkat dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin, subalit dapat makilala ng sanlibutan na iniibig ko ang Ama at ang ginagawa ko’y ang iniutos niya sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

"Salve, Virgen Pura de los Desamparados Tu amparo y ayuda todos proclamamos!" 12 Mayo 2020 Ka-isa ang mga deboto ng Nues...
11/05/2020

"Salve, Virgen Pura de los Desamparados
Tu amparo y ayuda todos proclamamos!"

12 Mayo 2020 Ka-isa ang mga deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno dito sa Caloocan binabati namin kayong lahat ng isang mapagpalang pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestra Senora de los Desamparados. sa Bayan ng Sta Ana Lungsod ng Maynila.

Viva Señor Nazareno!
Viva La Gobernadora!

Address

Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestro Padre Jesus Nazareno "Batang Eleven" posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share