17/04/2026
"Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng isa't isa, at sa gayon ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo."
1. *Pasanin = hindi magaan*: Ang salitang ginamit dito ay “baros” — mabigat, yung tipong hindi mo na kayang buhatin mag-isa. Hindi “abala” lang, kundi yung problema na dudurog na sa’yo.
2. *Utos ito, hindi suggestion*: “Magtulungan kayo” — present imperative. Ibig sabihin, lifestyle dapat, hindi lang pag may time.
3. *Ito ang “kautusan ni Cristo”*:
Ano yun? “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili” at “Ibigin ninyo ang isa’t isa gaya ng pag-ibig Ko sa inyo.” Sa pagdadala ng pasanin ng iba, naipapakita natin ang love ni Jesus.
Paano natin ‘to isabuhay ngayon sa lugar niyo, sa pamilya, sa church:
1. *Kilalanin ang pasanin ng iba*:
Minsan di natin alam kasi di nagkukwento. Tanungin mo: “Kamusta ka na?” Yung anak mong nag-aaral or nagtratrabaho — pasanin niya yung pressure. Yung kapitbahay na laging nakasimangot — baka may pinagdadaanan. Makinig muna.
2. *Buhatin, hindi dagdagan*: Ang pagdadala ng pasanin = prayer, practical help, at presence. Magluto para sa puyat na nagtratrabaho o nagrereview. Magbantay sa pag-aalaga ng bata kung kailangan para makapagpahinga sila. Mag-ambag kung kailangan para sa kanilang needs. Wag mo sabihing “Kaya mo yan” tapos iwan mo lang.
3. *Hayaan mong buhatin din ang pasanin mo*:
Pride minsan ang ayaw magpatulong. Pero pag binuhat mo lahat mag-isa, di mo na natutupad yung verse — kasi di mo binibigyan ng chance yung iba na tumulong at sumunod kay Cristo.
Okay lang sabihin mo: “Nahihirapan na ako, pray mo ko 🙏🏻.”
🙏 "Panginoong Jesus, salamat po kasi Ikaw ang unang nagdala ng pinakamabigat naming pasanin — ang kasalanan namin sa krus.
Turuan Mo po kaming tularan Ka. Buksan Mo po ang mata ko para makita ko kung sino sa paligid ko ang nabibigatan na. Sa pamilya ko, sa kaibigan, sa church. Bigyan Mo po ako ng pusong handang makinig, kamay na handang tumulong, at oras na handang ibigay.
Lord, at kung ako naman po ang may pasanin, tanggalin Mo ang hiya ko para makahingi ng tulong. Gamitin Mo po ang katawan ni Cristo para yakapin ako. Gusto naming matupad ang kautusan Mo — mag-ibigan sa gawa, hindi lang po sa salita. Ito po ang aming dalangin tanging ngalan Mo, Jesus, Amen."
Sino sa buhay mo ngayon ang kailangan mong tulungang buhatin ang pasanin?