06/05/2026
👀 Pagmasdan. Kilatisin. Suriin. Makilahok.
Noong Abril 26, 2026, isinagawa ang DPPAM–TAPAT Bisto Proyekto Face-to-Face Training sa San Jose Parish – Agudo, na dinaluhan ng 24 volunteers mula sa iba’t ibang parokya, kabilang ang San Jose Parish – Agudo, St. Clare of Assisi Parish, San Pancracio Parish, Santo Rosario Parish, Hearts of Jesus and Mary Parish, San Lorenzo Ruiz and Companion Martyrs Parish, at Sts. Peter and John Parish.
Sa training na ito, mas pinalalim ang pag-unawa ng mga kalahok sa layunin ng Bisto Proyekto bilang isang citizen-based initiative para sa pagsubaybay at pagbeberipika ng mga proyekto ng pamahalaan.
Bahagi ng pagsasanay ang aktwal na pagtuturo kung paano gamitin ang Bisto Proyekto website, kung paano punan ang verification details, at kung paano magsagawa ng wastong community-based monitoring.
Pinangunahan ni Bro. Arnel Galgo ng TAPAT ang oryentasyon habang nagbigay ng mensahe ng suporta si Rev. Fr. Martin Guarin, Priest Director ng DPPAM.
Nagkaroon din ng sample visit sa isang DPWH construction site malapit sa parokya, kung saan natutunan ng mga kalahok kung paano obserbahan ang isang proyekto sa aktwal na setting at kung paano ito iuulat nang maayos sa platform. Naging makabuluhang karanasan ito para sa mga volunteers, dahil nakita nila kung paano maisasalin sa konkretong aksyon ang paninindigan para sa transparency, accountability, at responsableng pakikilahok ng mamamayan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa gawaing ito. Sa sama-samang pagkilos, mas napapalakas ang boses ng komunidad para sa tapat at makatarungang pamamahala.