22/02/2026
Daily Bible Vitamins
Pebrero 22, 2026
Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (A)
Unang Pagbasa- Genesis 2, 7-9; 3, 1-7
Salmo- Salmo 50, 3-4. 5-6a. 12-13. 14 at 17
Ikalawang Pagbasa - Roma 5, 12-19
o kaya Roma 5, 12. 17-19
Ebanghelyo- Mateo 4, 1-11
Daily Reflection ni: MARIBEL G. REYES
Mateo 4:5 “ ….si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. 2 Siya'y nag-ayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi kaya't siya'y nagutom. “
Pagninilay
Pansinin na dumating ang tukso noong si Jesus ay gutom at pagod. Madalas tayong tuksuhin sa oras na tayo ay "vulnerable"—kapag tayo ay malungkot, galit, o nag-iisa. Ang aral? Maging mas mapagmatyag tayo sa ating mga "low moments."
Panalangin
Panginoong Jesus, Sa oras ng aking pagod, lungkot, at pag-iisa, manatili Ka sa aking piling. Huwag Mong hayaang madaig ako ng tukso sa mga sandali ng aking kahinaan.
Turuan mo ako na gawing sandigan ang Iyong Salita upang hindi ako maligaw ng landas. Ikaw nawa ang maging lakas ko kapag ako ay nanlalambot, at gabay ko kapag ako ay nalilito at naliligaw.
Amen.
Image credits Canva.com