21/05/2026
đź“– Daily Devotion:
Ang Katigasan ng Puso ay Walang Puwang sa Langit
đź“– Key Verse: Roma 2 : 5-7
"5 Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ayaw mong magsisi, lalo mong pinapabigat ang parusang igagawad sa iyo sa Araw na iyon, kung kailan ihahayag ang p**t at makatarungang paghatol ng Diyos. 6 Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa."
🕊️ Reflection:
🔥 May mga tao na lumalapit sa Diyos ngunit nananatiling matigas ang puso. Naririnig nila ang salita ng Panginoon, ngunit ayaw magpasakop.
🔥 Nakikita nila ang katotohanan, ngunit pinipili pa rin ang sariling kagustuhan.
⚠️ Ang katigasan ng puso ay hindi lamang simpleng pagkakamali—ito ay kondisyon ng pusong tumatangging magbago at sumunod sa Diyos. Isang condition ng puso na hindi pa din nabago, walang pagsunod sa nais ng Diyos at nanatiling malayo sa Diyos.
⚠️ Ito ay isang nakakatakot na kalagayan ng isang tao at sa langit, silaý walang puwang.
⚠️ Ang pusong matigas ay nangangailangan ng pagsasaayos ng Diyos, dahil ang langit ay lugar ng ganap na kabanalan, pagsunod, at pag-ibig sa Diyos. Ang taong ayaw magsisi at magpakumbaba ay hindi handang mamuhay sa presensya ng Panginoon.
🔥 Ang Tunay na Kaligtasan ay May Pagbabagong Puso
đź“– Sa Ezekiel 36:26 sinabi ng Diyos:
“At bibigyan ko kayo ng bagong puso, at lalagyan ko kayo ng bagong diwa sa loob ninyo; at aking aalisin ang pusong bato…”
🔥 Kapag tunay na kumilos ang Diyos sa buhay ng tao, binabago Niya ang puso. Ang dating mapagmataas ay natutong magpakumbaba.
🔥 Ang dating suwail ay natutong sumunod. Ang biyaya ng Diyos ay hindi lamang nagpapatawad—ito rin ay nagbabago.
✝️ Hamon
Suriin natin ang ating puso ngayon. Mayroon bang sama ng loob, pride, pagtanggi sa pagsunod, o paulit-ulit na kasalanang ayaw bitawan? Habang may panahon pa, lumapit tayo sa Diyos nang may pagsisisi at pagpapakumbaba. Ang pusong malambot sa harapan ng Diyos ay pusong handang tumanggap ng Kanyang biyaya at kaharian.
🙏 Panalangin
“Panginoon, alisin Mo ang anumang katigasan sa aking puso. Turuan Mo akong magpakumbaba, sumunod, at maging sensitibo sa Iyong tinig. Bigyan Mo ako ng pusong malinis at handang magbago araw-araw. Ayokong mabuhay na malayo sa Iyo. Sa pangalan ni Jesus, Amen.”
Image CTTO: Evangeline Abar Mista