Jesus Christ Church - North Caloocan Chapter

Jesus Christ Church  - North Caloocan Chapter Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Jesus Christ Church - North Caloocan Chapter, Religious organisation, Pechayan Street Brgy. 178 Camarin, Caloocan.

�Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin.
�Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya.
� Juan 14:21

09/01/2026

It's 2026 - a brand-new year, a grace the Lord renews;
A fresh new chance is set before us...
how will you begin, in Christ's own truths?

"𝘼𝙣𝙙 𝙄 𝙖𝙢 𝙘𝙚𝙧𝙩𝙖𝙞𝙣 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙂𝙤𝙙, 𝙬𝙝𝙤 𝙗𝙚𝙜𝙖𝙣 𝙩𝙝𝙚 𝙜𝙤𝙤𝙙 𝙬𝙤𝙧𝙠 𝙬𝙞𝙩𝙝𝙞𝙣 𝙮𝙤𝙪, 𝙬𝙞𝙡𝙡 𝙘𝙤𝙣𝙩𝙞𝙣𝙪𝙚 𝙝𝙞𝙨 𝙬𝙤𝙧𝙠 𝙪𝙣𝙩𝙞𝙡 𝙞𝙩 𝙞𝙨 𝙛𝙞𝙣𝙖𝙡𝙡𝙮 𝙛𝙞𝙣𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 𝙤𝙣 𝙩𝙝𝙚 𝙙𝙖𝙮 𝙬𝙝𝙚𝙣 𝘾𝙝𝙧𝙞𝙨𝙩 𝙅𝙚𝙨𝙪𝙨 𝙧𝙚𝙩𝙪𝙧𝙣𝙨".

- 𝙿𝚑𝚒𝚕𝚒𝚙𝚙𝚒𝚊𝚗𝚜 1:6

Let's make a quick wrap up of today's activities in a very short amount of time. "Let all things be done decently and in...
23/04/2025

Let's make a quick wrap up of today's activities in a very short amount of time.

"Let all things be done decently and in order".
1 Corinthians 14:40

Ang masakit na sandali sa buhay ng tao ay ang pamamaalamNgunit hindi ito ang katapusanKundi pasimula ng aming panibagong...
22/03/2025

Ang masakit na sandali sa buhay ng tao ay ang pamamaalam
Ngunit hindi ito ang katapusan
Kundi pasimula ng aming panibagong takbuhin
At pasimula ng inyong pagtanggap sa ibang panauhin

Tayo ay muling magkikita
Kung pahintulutan ng ating manlilikha
Ngunit sigurado ako sa isang propesiya
Ang plano ng Diyos ay magaganap sa inyong pamilya.

Salamat sa panibagong hiwaga
Na aking natuklasan at tunay na namangha
Kaya naman iniiwan ko ang ibayong pagpapala
Sa pangalan ni Kristo na hatid ay Pag-ibig at Biyaya.



Mga Kawikaan 29:2 RTPV05[2] Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinun...
01/03/2025

Mga Kawikaan 29:2 RTPV05
[2] Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.

Salamat Atty. King Echiverri sa tent na personal niyang dinala at ini- assemble upang magamit sa maraming gawain sa templo.
Pagpalain ang bawat gawa ng iyong kamay.
Habang ang laman ng iyong puso ay busilak sa paglilingkod sa tao, sasamahan ka ng ating Panginoong Diyos!

Sa Diyos ang pinakamataas na papuri!

FILIPOS 4:17 ABTAG01[17] Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumarami para sa inyo.Sala...
06/02/2025

FILIPOS 4:17 ABTAG01
[17] Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumarami para sa inyo.

Salamat sa mga nagdadala ng mga biyaya. Pinatunayan ninyo ang sinabi ni Pablo sa mga taga Filipos, na kami ay hindi naghahanap ng anumang kaloob kundi ang mga bunga na dumarami sa inyo dahil sa pagtuturo at pangangaral ng inyong lingkod sa pamamagitan ni Kristo na ating Panginoon.

Upang maganap ang nais ng ating Panginoong Diyos sa bawat isa, ang magkaroon ng isang buhay na ganap at kasiya-siya.

Hallelujah!
Glory to the highest God!

Patuloy ang pagbibigay ng mga relief goods sa mga tupa na naapektuhan ng bagyo.Muli, pasasalamat sa mga nagbigay. Tangga...
30/07/2024

Patuloy ang pagbibigay ng mga relief goods sa mga tupa na naapektuhan ng bagyo.
Muli, pasasalamat sa mga nagbigay. Tanggapin ninyo ang siksik, liglig at nag uumapaw na pagpapala.

Juan 6:27 MBBTAG12
[27] Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat ipinapakita ng Diyos Ama na siya ang may ganitong karapatan.”

To God be the glory!

Siksik liglig at nag uumapaw na biyaya! Muli salamat sa bagong nagdala ng mga relief goods anonymously. Hindi ka man mag...
25/07/2024

Siksik liglig at nag uumapaw na biyaya!
Muli salamat sa bagong nagdala ng mga relief goods anonymously. Hindi ka man magpakilala, ihahayag pa din namin na may isang nagbigay para sa mga nangangailangan.
Salamat Panginoon sa mga taong ipinapadala mo para magpala sa iba.
God bless you even more in Jesus mighty name!

😊❤️🙏

Pasasalamat kina Kimberly Balagapo and Arby Manaog sa mga relief goods na ipinadala para sa mga naapektuhan ng bagyong C...
25/07/2024

Pasasalamat kina Kimberly Balagapo and Arby Manaog sa mga relief goods na ipinadala para sa mga naapektuhan ng bagyong Carina.
Tanggapin ninyo ang maraming biyaya at pagpapala na parating dahil sa inyong pusong mapagbigay sa mga nangangailangan.

God is with us!
Salamat Panginoon 🙏

Purihin ang Diyos dahil humupa na ang baha 🙏❤️Maaga gumising ang lingkod ng Diyos kasama ang mga kapatiran upang magdala...
25/07/2024

Purihin ang Diyos dahil humupa na ang baha 🙏❤️

Maaga gumising ang lingkod ng Diyos kasama ang mga kapatiran upang magdala at
masiguro na may mainit na almusal ang mga tupa na naapektuhan ng bagyo.

Salamat sa mga taong bukas palad at may mabuting puso na nagpadala ng mg relief goods.👍
Dahil dyan ay ito ang basbas sa inyo sa pangalan ni Hesus!

2 Mga Taga-Corinto 9:8-9
[8] Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.
[9] Tulad ng nasusulat, “Siya'y nagbibigay nang libre sa mga dukha; ang kanyang katuwiran ay walang hanggan.”

Mga Hebreo
[16] At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

Muli, nais po naming magpasalamat sa ating Barangay  kagawad na si Francia Marzol sa personal na paghahatid ng relief go...
24/07/2024

Muli, nais po naming magpasalamat sa ating Barangay kagawad na si Francia Marzol sa personal na paghahatid ng relief goods para sa mga binaha.

Gayundin, kay Counselor May Africa sa ipinadalang mga relief goods.

Malaking tulong po ito sa mga nasalanta ng bagyo.
God bless us all!

Salamat po sa ating Brgy Secretary na si Marvel Mendoza sa agarang aksyon sa mga binaha.Na personal na nagpunta sa churc...
24/07/2024

Salamat po sa ating Brgy Secretary na si Marvel Mendoza sa agarang aksyon sa mga binaha.

Na personal na nagpunta sa church para maghatid ng pagkain.

Salamat sa Diyos dahil ang kanyang bahay sambahan ay naging relocation area ng mga binaha sa lugar.

Sa Diyos ang kapurihan!

Purihin ng Diyos sa proteksyon Niya sa panahon ng kalamidad.Ang templo ay naging kanlungan ng mga naapektuhan ng baha.An...
24/07/2024

Purihin ng Diyos sa proteksyon Niya sa panahon ng kalamidad.

Ang templo ay naging kanlungan ng mga naapektuhan ng baha.
Ang lingkod ng Diyos ay patuloy na nagbibigay ng alalay sa mga naapektuhan.

Salamat din sa mga kapatiran na hindi nag atubili na tumulong kahit sa paghahanda ng pagkain.

Ito ang nais ng Diyos, tayo ay maging daluyan ng biyaya sa iba.

Mag ingat po ang lahat!
At magpasalamat sa Dios sa pag iingat sa bwat isa at sa mga aral na itinuturo sa ating lahat sa panahon ng krisis.

Sa Diyos ang kapurihan!

Address

Pechayan Street Brgy. 178 Camarin
Caloocan
1400

Telephone

+639273482637

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus Christ Church - North Caloocan Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share