14/09/2021
⚠️ Protestant: Mary Was A Sinner ; Only Sinners Need A Savior.
🇻🇦Totoo kaya na ang ating Inang Maria ay NAGKASALA? At tanging makasalanan LAMANG ang kailangan ng TAGAPAGLIGTAS?
🔎Bakit ba ang Inang Maria ay SINLESS para sa ating mga Katoliko?
Sagut: Dahil ang MABUTING PUNO ay HINDI MAGBUBUNGA ng MASAMANG PRUTAS. (Mathew 7:18 / Luke 6:43)
LUKE 1:45-46 NAB
"When Elizabeth heard Mary's greeting, the infant leaped in her womb, and Elizabeth, filled with the holy Spirit, cried out in a loud voice and said, "Most blessed are you among women, and blessed IS THE FRUIT OF YOUR WOMB.”
Kung ikukumpara kay Jesus at kay Maria, si Jesus dito ay ang bunga (binhi) at si Inang Maria naman ay ang puno.
Therefore, si Hesus na mabuting(sinless) na bunga, ay nagmula sa mabuting(sinless) na puno na si Maria. kaya kung si Maria ay makasalanan, logically, si Hesus dito ay mapapasahan (magmamana) din nitong kasalanan mula sa kanyang nanay na si Maria.
At mas lalong pinatibay ito sa aklat ni Job na propeta ng Diyos.
JOB 14:4 – New Jerusalem Bible
“But will anyone produce the pure FROM what is impure? No one can!”
Walang makakagawa ng puro(malinis o walang bahid kasalanan) na MAGMUMULA sa isang hindi puro(marumi sa kasalanan o nabahidan ng kasalanan). Kung ikukumpara natin sa Dios, Jesus, at si Maria, ganto ang tinutukoy sa talata…
Kung si Maria ang tinutukoy ditong impure(marumi dahil nagkasala), Edi hindi na pipiliin ng Dios na si Maria para magdala ng puro (malinis sa kasalanan) na si Jesus? see?
Kaya logically tama lang na si Maria ay malinis o walang anumang bahid kasalanan dahil ang ipapanganak nya ay walang ding bahid kasalanan.
🔎Kung walang kasalanan ang Inang Maria bakit kailangan pa niya ng tagapagligtas(Luke 1:46-47)?
Sagot: Sa sinabi ni Maria “Dios kong tagapagligtas” Hindi po yan dahil sa may kasalanan sya o nagkasala sya nuon, KUNDI DAHIL nailigtas(nailayo) na sya sa pag-gawa ng mali-masama-paguway na magreresulta sa kanya ng kasalanan. Kaya ang pagliligtas sa kanya ay iba sa pamamaraan ng Dios na ginawa sa ibang tao.
Paano nangyari iyon?? ang sagot ay "May dalawang uri ng pagliligtas."
●Scenario #1: naglalakad ang bata, nahulog sya sa imburnal at narumihan, niligtas ang bata ng isang tambay at inahon.
●Scenario #2: naglalakad ang bata, nakita ng tambay at nailigtas agad bago mahulog at marumihan. Ligtas ang bata dahil hindi nangyari ang pagkahulog at pagkarumi nya.
sa Scenario #1 ganyan ang ginawang panliligtas ni Jesus sa ating lahat mula sa pagkahulog natin sa kalasanan. ito ang tinawag na "saved from sin".
sa Scenario #2 yan ang halimbawa na panliligtas ng Dios kay Maria, nailigtas sya para makaiwas (hindi makagawa) ng mali-masama-pagsuway na magreresulta ng kasalanan. ito ang tinatawag na "preserved from sin"
Basehan sa biblia ng "preserved from sin" na yan???
Kung sa "saved from sin" ay paglilgitas (mula sa kasalanan) sa ating lahat ni Cristo ay isa sa GRASYA ng Dios, mababasa sa (Acts 15:11), at (Romas 3:24) na natanggap natin nung namatay si Cristo sa krus.
pero sa kaso ni Maria, ibang grasya ang natanggap nya kesa sa ibang mga tao, DAHIL ito ay ikakalugdan sa kanya ng Dios ng lubos lubos, itong grasya na ito ay ang naipuno sa kanya.
Luke 1:28 “And the angel being come in, said unto her: HAIL, FULL OF GRACE, the Lord is with thee: blessed art thou among women.”
Logically, Paano magiging FULL OF GRACE si Inang Maria kung siya ay Makasalanan? Isip-isip din pag may time.
Kaya MALINAW PO MGA KAPATID NA ANG KATURUAN NG SIMBAHANG KATOLIKA AY KATOTOHANAN.
ANG HALIGI AT SUHAY NG KATOTOHANAN ay ang Simbahan na itinatag ni Cristo walang iba kundi ang Katoliko.