La Inmaculada Concepción - Calauan Laguna

La Inmaculada Concepción - Calauan Laguna Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from La Inmaculada Concepción - Calauan Laguna, Religious organisation, balayhangin, Calauan.

05/12/2025

PAANYAYA: Narito po ang talaan ng mga Gawain para sa Unang Sabado ng buwan, araw ng pagdedebosyon sa Mahal na Birheng Maria sa titulong Inmaculada Concepcion.

4:30 N.U - Prusisyon
6:00 N.U - Banal na Misa

Maligayang bati,sa iyong pagsilang,Ina namin at Reynamagandang Maria !Setyembre 8 - Dakilang Kapistahan ng kapanganakan ...
08/09/2025

Maligayang bati,
sa iyong pagsilang,
Ina namin at Reyna
magandang Maria !

Setyembre 8 - Dakilang Kapistahan ng kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria

Disyembre 9 - 𝗗𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀-𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗴𝗵𝗶 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗿𝗵𝗲𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮Ang kalinis-linisang paglilihi...
09/12/2024

Disyembre 9 - 𝗗𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀-𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗴𝗵𝗶 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗿𝗵𝗲𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮

Ang kalinis-linisang paglilihi sa Birhen Maria ay isa sa apat na dogma ng Simbahan patungkol sa Birhen Maria. Ito ay tumutukoy sa kawalang-bahid ng orihinal na kasalanan ng Birhen Maria noong siya'y ipinaglilihi pa lamang ni Santa Ana.

Noong ika-8 ng Disyembre, 1854, maringal na inihayag at pinagtibay ng Santo Papa Pio XI ang dogma ng Inmaculada Concepcion. Sa kanyang bula na "Ineffabilis Deus" ay binabanggit na si Maria mula sa paglilihi sa kanya ni Santa Ana ay hindi nabahiran ng orihinal na kasalanan. Ito ngayon ang ipinagdiriwang at ginugunita tuwing ika-8 ng Disyembre.

Noong ika-12 ng Setyembre, 1942, dahil sa matinding debosyon ng mga Pilipino sa Mahal na Birheng Maria, inihayag ng Santo Papa Pio XII na ang Inmaculada Concepcion ang maging Patrona ng Pilipinas.

Bago pa man maihayag na dogma noong 1854, ipinagdiriwang na ito ng mga deboto, siyam na buwan bago ang kapistahan ng kapanganakan ng Birheng Maria. Ang naunang kapistahan ng Paglilihi sa Birhen Maria o Paglilihi ni Santa Ana ay ipinagdiwang na sa Palestina noon pa mang ikapitong siglo, gaya ng paggunita rin ng kapistahan ng Paglilihi kay San Jose. Ito ay ipinalaganap sa buong daigdig ng Santo Papa Sixtus IV noong 1476.

Nagtamo ng karagdagang kahalagahan ang dogma ng Inmaculada Concepcion mula sa aparisyon sa Loudes, Pransiya noong 1858 sapagkat mismong ipinahayag ng Mahal na Birhen kay Sta. Bernadette ang katagang ito: "Ako ang Inmaculada Concepcion!"

𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻:

O Maria! Marilag na Patrona ng Pilipinas, pintakasi at ina naming kaibig-ibig, tanggapin mo po at marapating ipamagitan ang iyong Anak na si Jesus at sa Diyos Ama ang aming karaingan. Talos mo po ang aming kababaan, kaya mataimtim kaming nagsakdal sa iyo, taglay ang isang buhay na pananampalataya, matibay na pananalig at maningas na pag-asa na ipagkaloob sa biyaya ng pagbabalik-loob ng mga makasalanan at mga binyagan ang kapayapaan at pananatili sa piling mo hanggang sa kaluwalhatian. Amen.

Ave Maria Purisima, Sin pecado concebida!

Mabuhay ang Birhen !


Ika-siyam na Araw ng Novenario at ikatlong araw ng triduo sa karangalan ng Mahal na Birhen, Ang Inmaculada Concepcion.Sa...
08/12/2024

Ika-siyam na Araw ng Novenario at ikatlong araw ng triduo sa karangalan ng Mahal na Birhen, Ang Inmaculada Concepcion.

Sa ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI

Panginoong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo. Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko ng higit sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo, at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin alang-­‐ alang sa iyong mahal na pasyon at pagkamatay sa krus dahilan sa akin. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

O Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion, kaibig-ibig na anak ng Diyos Ama, kalinis-linisang Ina ng Diyos Anak at kabanal-banalang esposa ng Diyos Espiritu Santo, inihahandog namin sa iyo ang pagsisiyam na ito bilang parangal sa mga biyayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, lalung-lalo na sa kalinis-linisang paglilihi sa iyo ni Santa Ana. Loobin mong magunita namin at isabuhay ang iyong tuwa, liwanag, hapis at luwalhati sa mga misteryo ng buhay at misyon ng Panginoong Hesukristo. Itulot mong matularan namin ang iyong kalinisan at kabanalan upang makamit ang iyong awa at kalinga sa ikararangal ng Diyos at ikabubuti ng aming kaluluwa, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

MABUTING BALITA (Lucas 2:1-12)

Pagkalipas ng dalawang araw, may kasalan sa Cana sa Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan. Kinapos ng handang alak, kaya't sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, Anak, naubusan sila ng alak. Sinabi ni Jesus, Huwag po ninyo akong pangunahan, Ginang. Hindi pa po ito ang tamang panahon. Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo. May anim na banga doon, ang bawat isa'y naglalaman ng pitumpu't lima hanggang 115 litro. Ang mga ito ay nakalaan para sa paghuhugas ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio. Sinabi ni Jesus sa mga tumutulong doon, Punuin ninyo ng tubig ang mga banga. At pinuno nga nila ang mga banga. Pagkatapos, sinabi niya, Kumuha kayo ng kaunti at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan. Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan, at tinikman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, subalit alam ng mga sumalok ng tubig. Kaya't tinawag niya ang lalaking ikinasal at sinabi, Ang masarap na alak ay unang inihahain; kapag marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit sa huli ninyo inilabas ang masarap na alak! Ang nangyaring ito sa Cana sa Galilea ang unang himalang ginawa ni Jesus. Sa pamamagitan nito'y inihayag niya ang kanyang kapangyarihan at nanalig sa kanya ang mga alagad. Pagkatapos nito, pumunta si Jesus sa Capernaum, kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga alagad. Sila'y nanatili roon nang ilang araw.

IKASIYAM NA ARAW

Amang mapagpala, pinasalamatan Ka namin dahil binigyan Mo kami ng isang mapagmahal na ina na laging handang kami ay saklolohan. Tunay na malaki ang naging bahagi ng Mahal na Birhen sa kasaysayan ng kaligtasan kung kaya’t naging instrumento siya para kami’y mailapit din sa kay Hesukristo, na iyong Anak at anak din niya. Patuloy na lumago nawa kami at lumalim pa ang pananampalataya sa Iyo at sa pagmamahal namin sa Iyong Anak sa tulong ng Mahal na Birhen. Dinggin Mo po ang mga pangangailangan ng mga mahihirap. Hinihiling namin ito sa Iyo, sa pamamagitan ni Kristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

ABA GINOONG MARIA:

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoon ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang ‘yong Anak na si Hesus.
Santa Maria Ina ng Diyos, ipinalangin mo kaming mga makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

MEMORARE:

Alalahanin mo, O lubhang mahabaging Birheng Maria, kailanman’y di narining na may dumudulog sa iyong pag-aampon, humihingi ng iyong tulong at nagmamakaawa ng iyong sakloo, na iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa iyo, O Birhen ng mga birhen, aming Ina, sa iyo ako’y lumalapit, sa iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati, Ina ng walang hanggang berbo, huwag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

O Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion, Inang kaibig-ibig, pinasasalamatan ka namin sa biyayang ipinagkaloob sa amin ng Ama sa pamamagitan mo. Ipagpatuloy mo sana ang iyong paglingap sa aming buhay nang umiral sa aming piling ang mga kaugaliang kristiyano ang pagdarasal ng sama-sama, ang pagmamahalan sa bawat isa at ang pagmamalasakit sa kapwa-tao. Sa aming pagdulog sa iyo, akayin mo kami patungo sa iyong Anak nang lumalim ang aming pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa gitna ng kadilimang dulot ng kasalanan pakundangan sa kalinis-linisang paglilihi sa iyo, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

Sa ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

Ika-walong Araw ng Novenario at ikalawang araw ng triduo sa Karangalan ng Mahal na Birhen, Ang Inmaculada Concepcion.Sa ...
07/12/2024

Ika-walong Araw ng Novenario at ikalawang araw ng triduo sa Karangalan ng Mahal na Birhen, Ang Inmaculada Concepcion.

Sa ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI

Panginoong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo. Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko ng higit sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo, at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin alang-­‐ alang sa iyong mahal na pasyon at pagkamatay sa krus dahilan sa akin. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

O Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion, kaibig-ibig na anak ng Diyos Ama, kalinis-linisang Ina ng Diyos Anak at kabanal-banalang esposa ng Diyos Espiritu Santo, inihahandog namin sa iyo ang pagsisiyam na ito bilang parangal sa mga biyayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, lalung-lalo na sa kalinis-linisang paglilihi sa iyo ni Santa Ana. Loobin mong magunita namin at isabuhay ang iyong tuwa, liwanag, hapis at luwalhati sa mga misteryo ng buhay at misyon ng Panginoong Hesukristo. Itulot mong matularan namin ang iyong kalinisan at kabanalan upang makamit ang iyong awa at kalinga sa ikararangal ng Diyos at ikabubuti ng aming kaluluwa, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

MABUTING BALITA (Juan 19:25-27)

Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, Ina, ituring mo siyang sariling anak! At sinabi niya sa alagad, Ituring mo siyang iyong ina! Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Jesus.
(sandaling katahimikan)

IKAWALONG ARAW

Ama mapagmahal, minarapat Mong ang mga mahihirap ay mabigyan nang kaukulang pagpapahalaga sa iyong kaharian. Kung kaya, ang ina ng Iyong Anak, si Maria, maging ang iyong mga hinirang ay niyakap ang mayaman at makahulugang buhay ng mga mahihirap. Pinasasalamatan Ka namin dahil pinagkalooban Mo kami ng isang butihing ina na nakakaunawa ng aming mga pinagdaraanang hirap at sakit. Pinasasalamatan Ka rin namin dahil ang Simbahang itinatag ng Iyong Anak ang siyang presensiya Mo sa amin lalo na para sa mahihirap. Patuloy nawang maging instrumento ng pagliligtas at pagpapabanal ang Simbahan ng Mahihirap. Hinihiling namin ito sa Iyo, sa pamamagitan ni Kristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

ABA GINOONG MARIA:

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoon ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang ‘yong Anak na si Hesus.
Santa Maria Ina ng Diyos, ipinalangin mo kaming mga makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

MEMORARE:

Alalahanin mo, O lubhang mahabaging Birheng Maria, kailanman’y di narining na may dumudulog sa iyong pag-aampon, humihingi ng iyong tulong at nagmamakaawa ng iyong sakloo, na iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa iyo, O Birhen ng mga birhen, aming Ina, sa iyo ako’y lumalapit, sa iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati, Ina ng walang hanggang berbo, huwag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

O Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion, Inang kaibig-ibig, pinasasalamatan ka namin sa biyayang ipinagkaloob sa amin ng Ama sa pamamagitan mo. Ipagpatuloy mo sana ang iyong paglingap sa aming buhay nang umiral sa aming piling ang mga kaugaliang kristiyano ang pagdarasal ng sama-sama, ang pagmamahalan sa bawat isa at ang pagmamalasakit sa kapwa-tao. Sa aming pagdulog sa iyo, akayin mo kami patungo sa iyong Anak nang lumalim ang aming pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa gitna ng kadilimang dulot ng kasalanan pakundangan sa kalinis-linisang paglilihi sa iyo, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

Sa ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

Ika-pitong Araw ng Novenario at unang araw ng triduo sa karangalan ng Mahal na Birhen,  Ang Inmaculada Concepcion.Sa nga...
05/12/2024

Ika-pitong Araw ng Novenario at unang araw ng triduo sa karangalan ng Mahal na Birhen, Ang Inmaculada Concepcion.

Sa ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI

Panginoong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo. Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko ng higit sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo, at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin alang-­‐ alang sa iyong mahal na pasyon at pagkamatay sa krus dahilan sa akin. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

O Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion, kaibig-ibig na anak ng Diyos Ama, kalinis-linisang Ina ng Diyos Anak at kabanal-banalang esposa ng Diyos Espiritu Santo, inihahandog namin sa iyo ang pagsisiyam na ito bilang parangal sa mga biyayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, lalung-lalo na sa kalinis-linisang paglilihi sa iyo ni Santa Ana. Loobin mong magunita namin at isabuhay ang iyong tuwa, liwanag, hapis at luwalhati sa mga misteryo ng buhay at misyon ng Panginoong Hesukristo. Itulot mong matularan namin ang iyong kalinisan at kabanalan upang makamit ang iyong awa at kalinga sa ikararangal ng Diyos at ikabubuti ng aming kaluluwa, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

MABUTING BALITA (Lucas 2:41-52)

Taun-taon, tuwing Pista ng Paskwa, ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa Jerusalem.Nang siya'y labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa kanilang kaugalian. Sila'y umuwi na pagkatapos ng pista.Si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Maghapon na silang nakapaglakbay na inaakalang kasama nila ang bata ngunit napansin nilang wala pala siya.Siya ay hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at mga kakilala, ngunit hindi nila natagpuan si Jesus. Kaya't bumalik sila sa Jerusalem upang doon maghanap. Pagkalipas ng tatlong araw, si Jesus ay natagpuan nila sa loob ng Templo. Siya'y nakaupong kasama ng mga g**o. Nakikinig siya at nagtatanong sa kanila, at ang lahat ng nakakarinig sa kanya ay hangang-hanga sa kanyang katalinuhan. Namangha rin ang kanyang mga magulang nang siya'y makita. Sinabi ng kanyang ina, "Anak, bakit mo naman ginawa ito sa amin? Lubha ang aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo." Sumagot si Jesus, "Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat mamalagi sa bahay ng aking Ama?" Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito. Siya'y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Jesus lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao. (sandaling katahimikan)

IKAPITONG ARAW

Ama, minsan maraming bagay kaming hindi maunawaan sa aming sarili, kapwa, mundo lalo na ang tungkol sa Iyo at sa Iyong Anak. Ang buhay ay mahiwaga. Kahit na anong pilit naming unawain ang lahat ng bagay, laging umuuwi kaming talunan. Ngunit ang Mahal na Birhen ay nag-­‐iwan sa amin ng isang paraan upang harapin ang mga ganitong sitwasyon ay ang pagnilayan at pananahimik. Ulungan Mo po kaming dalhin sa Iyong presensiya ang mga bagay na din naming matanggap o maunawaaan. Hinihiling namin ito sa Iyo, sa pamamagitan ni Kristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

ABA GINOONG MARIA:

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoon ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang ‘yong Anak na si Hesus.
Santa Maria Ina ng Diyos, ipinalangin mo kaming mga makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

MEMORARE:

Alalahanin mo, O lubhang mahabaging Birheng Maria, kailanman’y di narining na may dumudulog sa iyong pag-aampon, humihingi ng iyong tulong at nagmamakaawa ng iyong sakloo, na iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa iyo, O Birhen ng mga birhen, aming Ina, sa iyo ako’y lumalapit, sa iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati, Ina ng walang hanggang berbo, huwag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

O Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion, Inang kaibig-ibig, pinasasalamatan ka namin sa biyayang ipinagkaloob sa amin ng Ama sa pamamagitan mo. Ipagpatuloy mo sana ang iyong paglingap sa aming buhay nang umiral sa aming piling ang mga kaugaliang kristiyano ang pagdarasal ng sama-sama, ang pagmamahalan sa bawat isa at ang pagmamalasakit sa kapwa-tao. Sa aming pagdulog sa iyo, akayin mo kami patungo sa iyong Anak nang lumalim ang aming pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa gitna ng kadilimang dulot ng kasalanan pakundangan sa kalinis-linisang paglilihi sa iyo, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

Sa ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

Ika-anim na Araw ng Novenario sa Karangalan ng Mahal na Birhen, Ang Inmaculada Concepcion.Sa ngalan ng +Ama, at ng +Anak...
04/12/2024

Ika-anim na Araw ng Novenario sa Karangalan ng Mahal na Birhen, Ang Inmaculada Concepcion.

Sa ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI

Panginoong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo. Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko ng higit sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo, at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin alang-­‐ alang sa iyong mahal na pasyon at pagkamatay sa krus dahilan sa akin. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

O Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion, kaibig-ibig na anak ng Diyos Ama, kalinis-linisang Ina ng Diyos Anak at kabanal-banalang esposa ng Diyos Espiritu Santo, inihahandog namin sa iyo ang pagsisiyam na ito bilang parangal sa mga biyayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, lalung-lalo na sa kalinis-linisang paglilihi sa iyo ni Santa Ana. Loobin mong magunita namin at isabuhay ang iyong tuwa, liwanag, hapis at luwalhati sa mga misteryo ng buhay at misyon ng Panginoong Hesukristo. Itulot mong matularan namin ang iyong kalinisan at kabanalan upang makamit ang iyong awa at kalinga sa ikararangal ng Diyos at ikabubuti ng aming kaluluwa, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

MABUTING BALITA (Lucas 2:22-35)

Dinala si Jesus sa Templo. Nang sumapit ang araw ng kanilang pagtupad sa seremonya ng paglilinis ayon sa Kautusan ni Moises, pumunta sila sa Jerusalem. Dinala rin nila ang sanggol upang ihandog sa Panginoon, sapagkat ganito ang nasusulat sa Kautusan ng Panginoon, "Bawat panganay na lalaki ay itatalaga sa Panginoon." Nag-alay din sila ng handog na ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon, maaaring mag-asawang batu-bato, o kaya'y dalawang inakay na kalapati. May isang tao noon sa Jerusalem na ang pangala'y Simeon, isang lalaking matuwid, may takot sa Diyos at naghihintay sa katubusan ng Israel. Nasa kanya ang Espiritu Santo. Ipinahayag ng Espiritu Santo sa kanya na hindi siya mamamatay hangga't hindi niya nakikita ang Cristo na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, si Simeon ay pumasok sa Templo. At nang dalhin doon nina Jose at Maria ang sanggol na si Jesus upang tuparin ang ayon sa hinihingi ng Kautusan, kinarga ni Simeon ang sanggol. Pagkatapos, nagpuri siya sa Diyos, "Ngayon, Panginoon, maaari na pong yumaong mapayapa ang inyong abang alipin ayon sa inyong pangako. Yamang nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas, na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng bansa. Ito po ay liwanag na tatanglaw sa mga Hentil at magbibigay-dangal sa inyong bansang Israel." Namangha ang mga magulang ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa bata. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, "Tandaan mo, ang batang ito'y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel. Siya ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit tutuligsain siya ng marami, kaya't mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil dito, magdaranas ka ng matinding kapighatiang parang isang patalim na itinarak sa iyong puso."
(sandaling katahimikan)

IKA-­‐ANIM NA NA ARAW

Ama, lingapin Mo po ang lahat ng mga dumaranas ng kapighatian at kabigatan ng kalooban bunsod ng kawalang-­‐kapangyarihan upang pawiin ang sakit at nakaambang kahirapan ng mga mahal sa buhay. Pakinggan Mo po ang panaghoy ng mga mahihirap dahil sa walang katapusang pagdating ng mga pagsubok sa kanilang buhay. Palakasin Mo po ang kanilang loob upang harapin nila ang lahat ng hapdi at sakit bilang pakikiisa na rin sa paghihirap Mo at ng Iyong Anak noong Siya’y ipako at mamatay. Tularan nawa nila si Maria.
Hinihiling namin ito sa Iyo, sa pamamagitan ni Kristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

ABA GINOONG MARIA:

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoon ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang ‘yong Anak na si Hesus.
Santa Maria Ina ng Diyos, ipinalangin mo kaming mga makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

MEMORARE:

Alalahanin mo, O lubhang mahabaging Birheng Maria, kailanman’y di narining na may dumudulog sa iyong pag-aampon, humihingi ng iyong tulong at nagmamakaawa ng iyong sakloo, na iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa iyo, O Birhen ng mga birhen, aming Ina, sa iyo ako’y lumalapit, sa iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati, Ina ng walang hanggang berbo, huwag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

O Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion, Inang kaibig-ibig, pinasasalamatan ka namin sa biyayang ipinagkaloob sa amin ng Ama sa pamamagitan mo. Ipagpatuloy mo sana ang iyong paglingap sa aming buhay nang umiral sa aming piling ang mga kaugaliang kristiyano ang pagdarasal ng sama-sama, ang pagmamahalan sa bawat isa at ang pagmamalasakit sa kapwa-tao. Sa aming pagdulog sa iyo, akayin mo kami patungo sa iyong Anak nang lumalim ang aming pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa gitna ng kadilimang dulot ng kasalanan pakundangan sa kalinis-linisang paglilihi sa iyo, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

Sa ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

Ika-limang Araw ng Novenario sa Karangalan ng Mahal na Birhen, Ang Inmaculada Concepcion.Sa ngalan ng +Ama, at ng +Anak,...
03/12/2024

Ika-limang Araw ng Novenario sa Karangalan ng Mahal na Birhen, Ang Inmaculada Concepcion.

Sa ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI

Panginoong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo. Ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko ng higit sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo, at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin alang-­‐ alang sa iyong mahal na pasyon at pagkamatay sa krus dahilan sa akin. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

O Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion, kaibig-ibig na anak ng Diyos Ama, kalinis-linisang Ina ng Diyos Anak at kabanal-banalang esposa ng Diyos Espiritu Santo, inihahandog namin sa iyo ang pagsisiyam na ito bilang parangal sa mga biyayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, lalung-lalo na sa kalinis-linisang paglilihi sa iyo ni Santa Ana. Loobin mong magunita namin at isabuhay ang iyong tuwa, liwanag, hapis at luwalhati sa mga misteryo ng buhay at misyon ng Panginoong Hesukristo. Itulot mong matularan namin ang iyong kalinisan at kabanalan upang makamit ang iyong awa at kalinga sa ikararangal ng Diyos at ikabubuti ng aming kaluluwa, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

MABUTING BALITA (Lucas 2:1-7)

Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magkaroon ng sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang sensus na ito ay ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Siria. Kaya't umuwi ang bawat isa sa sari-sariling bayan
upang magpatala.Mula sa Nazaret, isang lunsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya'y mula sa angkan ni
David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa, na noon ay kabuwanan na. Habang sila'y nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria. Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot
niya sa lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.

IKA-LIMANG ARAW

Amang pinamumulan ng lahat ng biyaya, tunay na isang misteryo ang kapanganakan ng Iyong Anak. Hindi namin maunawaan nang lubusan. Sa Iyong basbas na yakapin ng Iyong Anak ang kahirapan, nabuksan ang isang landas o daan tungo sa kabanalan para sa aming lahat. Ito ang panibagong kahulugan ng pagiging mahirap. Tunay na ang Diyos ay nagkatawang-­‐tao at nakipamuhay na isang mahirap upang personal na maranasan ang mga pinagdadaranan ng mga mahihirap. Gayon din naman, binigyan mo rin ng isa pang kapanalig ang mga mahihirap sa katauhan ni Maria. Maranasan ka nawa namin sa gitna ng kahirapan kapiling ang mga mahihirap. Hinihiling namin ito sa Iyo, sa pamamagitan ni Kristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

ABA GINOONG MARIA:

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoon ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang ‘yong Anak na si Hesus.
Santa Maria Ina ng Diyos, ipinalangin mo kaming mga makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

MEMORARE:

Alalahanin mo, O lubhang mahabaging Birheng Maria, kailanman’y di narining na may dumudulog sa iyong pag-aampon, humihingi ng iyong tulong at nagmamakaawa ng iyong sakloo, na iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa iyo, O Birhen ng mga birhen, aming Ina, sa iyo ako’y lumalapit, sa iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati, Ina ng walang hanggang berbo, huwag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Amen.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

O Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion, Inang kaibig-ibig, pinasasalamatan ka namin sa biyayang ipinagkaloob sa amin ng Ama sa pamamagitan mo. Ipagpatuloy mo sana ang iyong paglingap sa aming buhay nang umiral sa aming piling ang mga kaugaliang kristiyano ang pagdarasal ng sama-sama, ang pagmamahalan sa bawat isa at ang pagmamalasakit sa kapwa-tao. Sa aming pagdulog sa iyo, akayin mo kami patungo sa iyong Anak nang lumalim ang aming pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa gitna ng kadilimang dulot ng kasalanan pakundangan sa kalinis-linisang paglilihi sa iyo, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

Sa ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Amen.

03/12/2024

𝙛𝙧𝙖𝙣𝙘𝙨𝙞𝙘𝙖𝙣𝙠𝙣𝙤𝙬𝙨 | 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐚𝐧𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐚𝐜𝐮𝐥𝐚𝐭𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧
𝙗𝙮 𝘽𝙞𝙚𝙣 𝙋𝙖𝙩𝙧𝙞𝙖𝙧𝙘𝙖, 𝙊𝙁𝙈

The feast of the Conception of the Blessed Virgin Mary in the womb of St. Anne was a tradition that originated from our Greek Orthodox brethren in the 7th century, which they called “The Conception by St. Anne of the Most Holy Theotokos.” Then, it was also observed later on in the Latin Churches in Europe. Subsequently, during the Middle Ages, many theologians arrived at varied theological perspectives about whether the Blessed Mother was immaculately conceived or not in the womb of her mother, St. Anne.

Meanwhile, the Franciscans became the ardent believers and fervent defenders of the immaculate conception. This affection for this Marian devotion predates back to the time of the founder of the Franciscan Order, St. Francis of Assisi himself. He decreed in the 2nd General Chapter of Pentecost in Portiuncula in the year 1219 that a Mass in honor of Blessed Virgin Mary be said every Saturday in all the friaries of the Order. That is the origin of Our Lady’s Saturday. In the year 1263, during the term of St. Bonaventure as Minister General of the Franciscan Order, he introduced the Feast of the Immaculate Conception and directed that “Tota Pulchra es Maria” be sung in all the friaries every Saturday. Eventually, in the year 1306 at the University of Paris, happened the historical event wherein Blessed John Duns Scotus, known as the Subtle Doctor, refuted all the objections of learned men of his time against the Immaculate Conception of Our Lady. Five hundred forty-eight years later (548) years later, on December 8, 1854, Pope Pius IX, a Secular Franciscan, declared the dogma of Immaculate Conception through the apostolic constitution “Ineffabilis Deus.” He also permitted that the faithful can gain plenary indulgence in all Franciscan churches every 8th day of December, and all Franciscan priests were granted a privilege of saying the Mass of Immaculate Conception every Saturday throughout the year except on certain specified days.

Hence, the group of Spanish Franciscan friars (Alcantarines) who came to the Philippines made a fourth vow to defend the mystery of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary. On July 22, 1622, at the conclusion of the Provincial Chapter of the Province of San Gregorio Magno held in Intramuros, an important Marian event happened. All the members of the Chapter, the Community San Francisco de Manila, and a great number of faithful gathered in the church of San Francisco, and, after having had a solemn procession, carrying the Immaculate Virgin Mary on a litter through the cloisters of the convent, the friars made a vow. The two hundred nine (209) Franciscan friars of the Province of San Gregorio Magno made a vow to defend and teach publicly and secretly that Our Virgin Lady was conceived without original sin, preserved from it by the merits of Our Lord Jesus Christ. That's the reason why many Franciscan-built churches in the Philippines were placed under the patronage of the Marian title of La Inmaculada or La Purisima Concepcion.

References:
Bañas, Raymundo Castillo. Brief Historical Sketches of the Philippine Catholic Churches. Manila: Commonwealth Press Inc., 1937.
Habig, OFM, Marion A. The Franciscan Book of Saints. Chicago, Illinois: Franciscan Herald Press, 1959.
Matter, F.S.G.M., Sr. M. Ancilla, and Fr. Elias Mills, F.I. “Tota Pulchra, O Maria!” Missio Immaculatae Magazine, April 14, 2021. https://missiomagazine.com/tota-pulchra-o-maria/.
Sánchez Fuertes, OFM, Cayetano. “Los Franciscanos y La Evangelización de Filipinas (1578-1970).” Archivo Ibero-Americano, January 29, 2022.

Address

Balayhangin
Calauan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when La Inmaculada Concepción - Calauan Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share