Bible Study

Bible Study Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bible Study, Christian church, B14 L7 NHA Site 2 Dayap Calauan Laguna, Calauan.

03/07/2021

ALAGAD: (1)

Pamagat: ANO BA ANG KABAYARAN NG PAGIGING ALAGAD NG PANGINOONG JESUS-CRISTO?

SENTRONG MGA TALATA: Juan 8:31-32 Sinabi naman ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya, “Kung tinutupad ninyo ang aking aral, kayo nga'y tunay na mga alagad ko; makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”

Mga Kaugnay Na Mga Talata:

PAGTATAKWIL SA SARILI AT PAGBUBUHAT NG SARILING KRUS.
Mateo 16:24-25 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito.
●(Sa panahon ng Panginoong Jesus dito sa lupa nang siya ay narito pa, walang sinumang nagbuhat ng krus ang hindi namatay. Ang kamatayan sa krus sa panahong yaon ang pinakamasahol na pinakamahirap na kaparusahan sa isang nagkasala. Isang kahiya-hiya at nakakahindik na kaparusahang kamatayan ng isang tao. Ito ay ipinapataw sa mga taong sa tingin ng tao ay lubhang masama. Ito ang sinapit ng Panginoon bagaman siya ay hindi nagkasala. Ang krus ay sagisag ng kamatayan ng tao. Ito ay sagisag ng isang sakripisyo. Sagisag ng banal na pagaalay ng sarili sa ganap na kalooban ng Diyos. Ito ang ibig sabihin ng pagbubuhat natin ng krus araw-araw. Araw-araw kailangang mamatay tayo sa ating sarili at si Cristo ang dapat mabuhay sa atin. Dapat ilibing natin ang sarili nating mga kalooban, sariling plano, sariling ambisyon, sariling kaisipan at agenda upang ang ganap na kalooban ng Diyos ang maganap sa ating mga buhay. Hindi na tayo ang dapat mabuhay sa ating sarili kundi si Cristo na. [Mga Taga-Galacia 2:20])

ANG TUNAY NA ALAGAD AY UMIIBIG SA DIYOS NG HIGIT KAYSA KANINO MAN O SA ANUMANG BAGAY.
Lucas 14:26-27 “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. Ang ayaw magpasan ng sarili niyang krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.
●(Ang pagiging alagad ng Panginoon ay hindi pagiging isang ordinaryong kasapi ng simbahan lamang. Ito ay higit sa pagiging meyembro ng simbahan na may kaukulang sakripisyo na kinakailangan at hindi ang pagiging regular na mananamba sa simbahan. Kinakailangang mas higit ang pag-ibig niya sa Diyos kaysa sa kanyang mga mahal sa buhay, magulang, asawa, anak, kapatid, kaibigan o sinumang malapit sa ating puso. Ang Panginoon ang una at sentro ng kanyang buhay at hindi ang anumang yamang ating tinataglay. Ang tunay na alagad ay handang isuko ang nais ng Diyos na isuko pa natin sa kanya. Naparito ang Panginoon at ipinakita niya ang halimbawa na dapat gawin ng isang tunay na alagad. Naging masunurin siya sa kalooban ng Diyos hanggang sa kamatayan ayon sa kapuspusan ng Banal Na Espiritu sa kanyang buhay. Sinasabi ng salita na ang isang tagasunod ni Cristo ay marunong magtakwil ng kanyang sarili at marunong magbuhat ng kanyang sariling krus araw-araw na ibig sabihin ay mamatay tayo araw-araw sa ating sariling mga kalooban at ang ganap na kalooban ng Diyos ang masunod sa ating buhay. Ito ay pagsusuko ng buong puso, buong isip at lahat ng nasa ating buhay. Ang mga bagay na ito ang krus na dapat nating pinapasan sa araw-araw bilang pagtatakwil sa ating sarili upang masunod ang ganap na kalooban ng Diyos sa ating buhay.)

KUNG NASAAN ANG PUSO MO IYON ANG KAYAMANAN MO.
Mateo 6:21 Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”
Mateo 19:23-24 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo: napakahirap sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng langit! Inuulit ko, mas madali pang makadaan sa butas ng karayom ang isang kamelyo, kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.”
Lucas 14:33 Gayundin naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman kung hindi niya tatalikuran ang lahat ng kanyang tinatangkilik sa buhay. (Mateo 19:21; Marcos 10:21; Lucas 12:33)
●(Ang pagiging totoong alagad ng Panginoong Jesus ay nangangahulugan na ang pag-ibig mo sa Diyos ang nangunguna ng higit sa pag-ibig mo sa iyong mga tinatangkilik sa buhay. Hindi tayo makapaglilingkod sa Diyos ng lubusan kung ang puso at isipan natin ay nasa kayamanan ng mundo. Sinasabi ng Salita ng Diyos na magimpok tayo ng kayamanan sa langit na hindi nasisira ng tanga at kalawang at hindi ng kayamanang narito sa lupa na isang araw ay mapupugnaw. Kaya nga, kung nasaan ang puso mo yaon ang kayamanan mo. Nawa ay isipin natin ang kayamanang panglangit na siyang dapat nating iniimpok sa buhay na ito dahil matatagpuan natin ito doon sa piling ng Ama pagdating na ihahayag na ng anak ang mga lihim ng puso ng mga tao. Nawa ay isa tayo sa mga nagtatangkilik ng totoong kayamanan doon sa pangakong langit. Mga kayamanang hindi kumukupas. Sa Diyos ang papuri at pasalamat sa lahat ng mga bagay na ito, amen!)
●●●●●●●
NAPAPARANGALAN ANG AKING AMA KUNG KAYO'Y MASAGANANG NAGBUBUNGA BILANG AKING MGA ALAGAD. Juan 15:8

03/07/2021

Lumapit Ka Sa Akin

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.” Mat 11:18

Kung sa tingin mo di mo kaya ang mga dinadanas mong paghihirap sa mundo. Bakit di mo subukang lumapit sa Dios. ang Dios ay mabuti tapat at laging punong puno ng pagmamahal. Iiyak mo lang sa Dios ang lahat ng ating mga bigat sa buhay Siya lang ang higit na makakatulong at makakaunawa sa ating mga nararamdamang pighati sa buhay. Huwag mawalan ng pag asa ang Dios ay pwedeng lapitan at saklolohan sa mga bigat. Magbibigay siya ng kapahingahan sa bawat hapdi at kirot na ating nararanasan. Huwag mong kakalimutan sa una pa lang dapat Siya ang saklolohan at lapitan.

12/06/2021

"Panibagong Lakas"

Scripture: Isaias 40:31
Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Observation: Kaya lang naman tayo madaling mapagod dahil sa sariling lakas tayo humuhugot ng kalakasan at hindi sa lakas na nagmumula sa Diyos, Kaya marami sa atin ang sumuko na, at yung iba ay winakasan na ang kanilang mga buhay dahil napagod na ang kanilang mga kaluluwa.

Application: Katulad ng nasusulat, Isama natin ang Diyos sa ating mga nararanasang suliranin at ipagkatiwala ito sa Kanya, dahil Sya ang magbibigay sa atin ng panibagong lakas upang magtagumpay tayo sa lakbayin ng mundong ito.

Prayer: Maraming salamat po O Diyos sa laging bagong lakas upang magpatuloy sa buhay na ito, Ako po ay lubos na nagtitiwala sa Iyo. Amen!

MAGING MASIKAP SA BUHAY NA BANAL BASAHIN: 2 Pedro 3:8-13“Ang Panginoong Jesus ay magbabalik. Tiyak ito! Kung kailan, ito...
02/05/2021

MAGING MASIKAP SA BUHAY NA BANAL
BASAHIN: 2 Pedro 3:8-13

“Ang Panginoong Jesus ay magbabalik. Tiyak ito! Kung kailan, ito ang hindi natin matutukoy. Ang hiwaga ng kanyang muling pagparito ay nanatiling hiwaga hanggat hindi ito nagaganap. Ang mahalaga, tayo, bilang mga mananampalataya Niya ay nagpapatuloy sa matiyagang paghihintay.”



Ang tinatawag na mga huling araw o end times ay kadalasang naglalagay ng takot sa puso at isipan ng mga tao sa halip na ang idulot nito’y kapayapaan. Marahil, ito’y dahil na rin sa sistema ng katuruang may isasama at may maiiwan sa pagbabalik ng Panginoon. Ang dapat nating paniwalaan ay ito, “na ang Panginoong Jesu-Cristo ay muling babalik at ito ang ating itinuturing na Mapalad na Pag-asa o Blessed Hope” (mula sa Paninindigan tungkol sa Rapture Theory ni Dr. Jaime Pante). Sa ikalawang sulat ni Apostol Pedro, na ang nilalaman ay mga babala, mga paalaala at mga pangako, kinailangan niyang dalhin ang mensahe ng Mapalad na Pag-asa ng muling pagbabalik ng Panginoong Jesus na isinulat rin ni Pablo kay Tito (2:13) upang dalhin ang pag-asa sa mga mananampalataya at hindi upang sila ay mangatakot. Ano ang dapat nating maging tugon sa katotohanang muling paririto ang Panginoong Jesus?

MAGSISI AT TUMALIKOD SA KASALANAN (t. 8-9). Ang mga abala sa end times ay pilit na sinusukat at inaalam ang mga tanda sa muling pagparito ng Panginoong Jesus. Samantala, sinabi na ni Apostol Pedro sa mga mananampalataya noon, na ang araw ng tao ay hindi kasing-sukat ng araw ng Diyos. Hindi magma-match ang anumang mathematical equations at anumang pagbilang ng mga araw, sa araw ng Panginoon. Pero di man tiyak ang araw, ang pangako ng Kanyang pagbabalik ay tiyak at “nagbibigay Siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi Niya nais na may mapahamak.” Ang katotohanan ng Mapalad na Pag-asa ay nagbibigay ng pagkakataon SA LAHAT na magsisi at tumalikod sa kasalanan.

MAMUHAY NA MAY KABANALAN AT MAKADIYOS. (t. 10-11). “Tulad sa isang magnanakaw.” Sa ganitong paghahalintulad binanggit ang Araw ng Panginoon. Isang pagdating na biglaan at hindi inaasahan (suddenly, unexpected). Kaya nga, anumang signs na iniisip nating tanda ng pagbabalik ng Panginoong Jesus ay hindi sasapat. Ang maliwanag, sa araw ding iyon ay nakakakilabot na mangyayari sa kalangitan (hindi ang langit ng Diyos) at sa mga heavenly bodies. Ang misteryo ng pagkawala ng lahat ng bagay sa mundo ay hindi pa natin lubos na mauunawa pero katulad nang isinulat ni Apostol Pedro, sa wakas ng lahat ng bagay, dapat tayong mamuhay nang may kabanalan at magsikap na maging maka-Diyos.

NASAING MABUTI ANG PAGDATING NG ARAW NG PANGINOON (t. 12-13). Ang mga mananampalataya ay naghihintay sa Araw ng Diyos. Aktibong paghihintay, na sa kanilang pamumuhay ay nangangailangan ng pagsisikap. Nagpapatuloy sa buhay na banal at maka-Diyos. Hindi para pigilin ang wakas ng kalangitan at ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Sa halip, gumagawa ng mga pamamaraan upang magbigay ng mga babala, mga paalaala at mga pangako ng Diyos sa mga mananampalataya at maging sa mga taong walang kamalayan sa pagbabalik na muli ng Panginoong Jesus. Ang bagong langit at bagong lupa ay isang kalagayang pinaghaharian ng katuwiran ang lahat ng mga tao. Ito ang Araw ng Panginoon, ang dulot ay pag-asa.

Tayo ay magsikap na maging banal at maka-Diyos ang uri ng pamumuhay. Mahirap gawin, lalo na sa mapanghamong panahong ito na ating nararanasan. Gawin lang natin ang mabuti, sa pag-asang, isang araw, sa Araw ng Panginoon, Siya ay magbabalik! Ang Mapalad na Pag-asa natin!

Christian Church

Address

B14 L7 NHA Site 2 Dayap Calauan Laguna
Calauan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bible Study posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share