Ministry of Altar Servers-Our Lady of Fatima Parish

Ministry of Altar Servers-Our Lady of Fatima Parish Official page of PYM/MOAS Apad, Calauag, Quezon.

| To love and to Serve, all for the Honor and Glory of God! โ™ก

15/08/2026
15/08/2026
IKAPITONG ARAW ng nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana.O San Tarcisio! Mahigpit m...
12/08/2026

IKAPITONG ARAW ng nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana.

O San Tarcisio! Mahigpit mong hinawakan ng iyong kamay ang Banal na Sakramento sa
iyong dibdib kagaya ng pagdadala ng Mahal na Birheng Maria sa ating panginoon sa kanyang
sinapupunan. Hipuin mo kami upang sambahin si Kristo gaya ng pagsamba na iniukol mo at ni
Santa Mariang Birhen noong kayo ay naririto pa sa lupa.

Panginoon ko at Diyos ko, nawa ay magkaroon kami ng malalim na pakikipagtagpo sa Iyo
sa Kabanal-banalang Sakramento. Marapatin Mong kamtin Ka namin sa aming mga puso habang nakadaupang palad ang aming mga kamay sa panalangin. Ipahintulot Mo na maging katulad kami ng Iyong Inang Birhen at ni San Tarcisio na may pagmamahal na sumunod sa Iyo sa wakas ng kanilang buhay sa lupa.

San Tarcisio, Patron ng mga Sakristan,
Ipanalangin mo kami!

IKAANIM NA ARAW ng Nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana.O San Tarcisio! Hinihilin...
11/08/2026

IKAANIM NA ARAW ng Nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana.

O San Tarcisio! Hinihiling namin sa iyo na ipamagitan mo yaong mga nanlalamig sa
kanilang pananampalataya at doon sa mga nasa labas ng Santa Iglesia. Nawa sa pamamagitan ng iyong pamumuhay at halimbawa, ay magbagong loob ang mga nasa labas ng Simbahan at patuloy na patatagin ang pananampalataya ng mga malapit ng mawalan nito.

Pinipintuho namin, O Panginoon, na palambutin mo ang puso ng iyong mga anak na nahiwalay sa tunay na daan ng kaligtasan at nasa labas ng Iyong simbahan. Katukin Mo rin ang puso ng mga nakakalimot sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga Katoliko.

San Tarcisio, Patron ng mga Sakristan,
Ipanalangin mo kami!

IKALIMANG ARAW ng Nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana.O San Tarcisio! Sa pamamag...
11/08/2026

IKALIMANG ARAW ng Nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana.

O San Tarcisio! Sa pamamagitan ng iyong gantimpala bilang martir ng Eukaristiya,
pukawin mo ang aming kamalayan tungkol sa Sakripisyo ng Misa. Na ang bawat maliliit na butil ng tinapay at bawat patak ng alak ay ang ating Panginoong si Kristo na iyong pinag-alayan ng buhay.

Ipinapanalangin namin, O Panginoon, ang pagbabayad puri sa lahat ng mga hindi karapat-
dapat na tumatanggap ng Iyong Kasantusantusang Katawan at Dugo. Pagkalooban Mo kami, Panginoon, na nagnanais pamarisan ang kabayanihan ng mumunting si Tarcisio na ikumpisal ang aming mga kasalanan at manatiling nasa Iyong grasya bago Ka tanggapin sa Banal na Komunyon; sapagkat sa pamamagitan nito ay para Ka na rin naming ipinagtanggol hindi lamang sa mga nagnanais na Ikaw ay yurakan kundi sa mga hindi marapat naming pagtanggap sa Iyo sa Banal na Pakikinabang.

San Tarcisio, Patron ng mga Sakristan,
Ipanalangin mo kami!

IKAAPAT NA ARAW ng Nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana.O San Tarcisio! Nawa ay p...
09/08/2026

IKAAPAT NA ARAW ng Nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana.

O San Tarcisio! Nawa ay pamarisan ka namin at sariwain ang aming pakikipagkaibigan sa ating Panginoon, na matutunan na mamuhay na kasama Siya sa tuwi-tuwina, na sinusunod ang landasin na Kanyang itinuturo sa atin sa pamamagitan ng Kanyang salita at sa pagiging saksi ng Kanyang mga Santo at mga Martir na ating naging mga kapatid sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag.

Ipinagdarasal namin, O Panginoon, na sa pagiging saksi ng pagkamartir at buhay ng Iyong mga santo, marapatin mong balang araw ay tularan namin sila. Sa pamamagitan ng malalim na pagninilay sa Ebanghelyo; at sa pagkakaalam na ang Kristong ipinanganak ng mahal na Birheng Maria, nagpakasakit at namatay sa krus, at nabuhay na mag-uli ay ang Kristo rin na ating tatanggapin sa Banal na Komunyon.

San Tarcisio, Patron ng mga Sakristan,
Ipanalangin mo kami!

09/08/2026

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐›๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ ๐ญ๐จ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ƒ๐ข๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐š๐ง ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ง ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐ญ ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ, ๐…๐ซ. ๐€๐ฅ๐ž๐ฑ! ๐ŸŽ‰๐Ÿค

Thank you for your constant guidance and support in journeying with the young people of our Diocese. Your dedication and joyful service continue to inspire us to grow closer to Christ and live out our mission as young people of the Church.

May God continue to bless you with good health, strength, wisdom, and joy as you faithfully serve Him and His people. May He continue to guide you in your vocation and ministry. ๐Ÿค

โ€œ๐˜‰๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฆ๐˜น๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ธ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ด๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ข๐˜บ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ.โ€
โ€” 1 ๐™๐™ž๐™ข๐™ค๐™ฉ๐™๐™ฎ 4:12

IKATLONG ARAW ng Nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod DambanaO San Tarcisio! Pinipintuho ...
09/08/2026

IKATLONG ARAW ng Nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana

O San Tarcisio! Pinipintuho ka namin bilang iyong mga kapatid sa maluwalhating
Pananampalatayang Katoliko, umaasa kami na nawa ay maialay namin ang aming kabataan para sa Panginoon at aming masayang masambit ang mga salitang iyong winika: โ€œAng aking kabataan ang pinakamabisang sanggalang para sa Eukaristiya.โ€

Hinihiling namin sa Iyo, O Katamis-tamisang Panginoon, na ipagsanggalang Mo kami
nang may Pananampalatayang katulad ng sa bata upang makapiling Ka namin sa Iyong Makalangit na Kaharian. Ipag-adya Mo kami sa lahat ng pang-aakit ng demonyo; sa lagim ng kahalayan, karahasan at mga bisyo na makapaghihiwalay sa amin sa pagtanggap sa Iyo sa Banal na Sakripisyo ng Misa, bigyan Mo rin kami ng katatagan upang ikumpisal sa pari ang aming mga kasalanan upang Ikaw ay muli naming makatagpo.

San Tarcisio, Patron ng mga Sakristan,
Ipanalangin mo kami!

IKALAWANG ARAW ng Nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana.O San Tarcisio! Hinihiling...
07/08/2026

IKALAWANG ARAW ng Nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana.

O San Tarcisio! Hinihiling namin sa iyong makapangyarihang pamamagitan ang intensyon
ng Banal na Papa Leon, ganoon din ang mga kahalili ng mga apostol, ang mga obispo, at ang lahat ng mga kaparian, mga relihiyoso at relihiyosa at sa itinalaga ng ating Panginoon bilang Kanyang kabiyak, ang Banal na Simbahang Katolika.

Hinihiling namin sa Iyo, O Panginoon, na iadya Mo ang Iyong mga hinirang sa lahat ng
masama upang patuloy Ka nilang papurihan. Ipagkaloob Mo ang biyaya ng pagsunod sa Santo Papa at sa lahat ng kanyang mga kahalili katulad ng kay Tarcisio habang dala-dala niya ang Banal na Misteryo.

San Tarcisio, Patron ng mga Sakristan,
Ipanalangin mo kami!

IKA-UNANG ARAW ng Nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana.O San Tarcisio! Itinatagub...
06/08/2026

IKA-UNANG ARAW ng Nobenaryo para sa karangalan ni San Tarcisio, Patron ng mga Lingkod Dambana.

O San Tarcisio! Itinatagubilin namin sa iyo, ang simbahan na humaharap sa matinding pagsubok at pag-uusig. Para sa iyong matamis na Simbahang Katolika, ang Ina na sa iyoโ€™y
kumalinga at sa amin ngayon ay nangangalaga, na nasa sa lahat ng panig ng daigdig ay nagbabata ng lahat ng uri ng masasamang paratang, nagdaranas ng matinding paghihirap at pag-uusig, dahil sa katapatan sa turo ni Hesukristo, ang ating Panginoon at manunubos.
Ipagkaloob Mo sa Iyong Simbahan, O Panginoon, ang grasya na Iyong ipinagkaloob sa
batang martir, na si Tarcisio na ipalaganap ang katotohanan ng Pananampalatayang Katolika nang may katapangan, katatagan at malalim na paninindigan.

San Tarcisio, Patron ng mga Sakristan, Ipanalangin mo kami!

Address

Brgy. Apad Quezon
Calauag

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers-Our Lady of Fatima Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ministry of Altar Servers-Our Lady of Fatima Parish:

Shortcuts

Share