Parokya ng Banal na Espiritu, Brgy. Tiniguiban, Calauag, Quezon

Parokya ng Banal na Espiritu, Brgy. Tiniguiban, Calauag, Quezon page of the Parish

Oktubre 13, 2022- Huwebes, Ika-28 Linggo ng Karaniwang Panahon- Paggunita sa Mahal na Birhen ng Fatima ✝️ MGA PAGBASA SA...
13/10/2022

Oktubre 13, 2022
- Huwebes, Ika-28 Linggo ng Karaniwang Panahon

- Paggunita sa Mahal na Birhen ng Fatima

✝️ MGA PAGBASA SA MISA

Unang Pagbasa:
EFESO 1:1-10

Ang Simula ng Sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Efeso

Mula kay Pablo, na naging apostol ni Kristo Hesus ayon sa Kalooban ng Diyos-- Sa mga kapatid [na nasa Efeso] at tapat na namumuhay kay Kristo Hesus:

Sumainyo nawa ang Pagpapala at Kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.

Magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Pinagkalooban tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo. At sa atin ngang pakikipag-isang ito, hinirang na Niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan Niya. Dahil sa Pag-ibig ng Diyos, tayo'y Kanyang itinalaga upang maging mga anak Niya sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Iyan ang Kanyang Layunin at Kalooban. Purihin natin Siya dahil sa Kanyang Kahanga-Hangang Pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Minamahal na Anak!

Tinubos tayo ni Kristo sa pamamagitan ng Kanyang Kamatayan at sa gayo'y pinatawad na ang ating mga kasalanan. Gayon kadakila ang Pag-ibig na ipinadama Niya sa atin! Binigyan Niya tayo ng karunungan at kabatiran upang lubos nating maunawaan ang Kanyang Lihim na Panukala na isasakatuparan sa pamamagitan ni Kristo pagdating ng takdang panahon. Ang pagdating ng panukalang ito ay pag-isahin kay Kristo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa.

Ang Salita ng Diyos.

Salmo Responsorio:
AWIT 98:1-6

Tugon:
ANG D'YOS NA RIN ANG NAGHAYAG
NG HANDOG N'YANG PAGLILIGTAS.

Umawit ng bagong awit at sa P**n ay ialay,
Pagkat yaong ginawa N'ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas Niya at taglay na kabanalan,
Walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Tugon:
ANG D'YOS NA RIN ANG NAGHAYAG
NG HANDOG N'YANG PAGLILIGTAS.

Ang tagumpay Niyang ito'y Siya na rin ang naghayag,
Sa harap ng mga bansa'y nahayag ang Pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos Niyang tinutupad.

Tugon:
ANG D'YOS NA RIN ANG NAGHAYAG
NG HANDOG N'YANG PAGLILIGTAS.

Tapat Siya sa kanila at ang Pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
Ang P**n ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Tugon:
ANG D'YOS NA RIN ANG NAGHAYAG
NG HANDOG N'YANG PAGLILIGTAS.

Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,
At ang P**n ay purihin ng tugtuging maalindog.
Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,
Magkaingay sa harapan ng P**n na ating hari.

Aleluya
JUAN 14:6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang Mahal.
Aleluya! Aleluya!

✝️ Mabuting Balita
LUCAS 11:47-54

Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, "Kawawa kayo! Ipinagtatayo ninyo ng magagarang libingan ang mga propetang pinagpapatay ng inyong mga magulang. Sa ganitong paraan, kayo na rin ang nagpapatunay na sang-ayon kayo sa mga ginawa ng inyong mga magulang; sapagkat sila ang pumatay sa mga propeta at kayo naman ang nagtatayo ng libingang puntod ng mga yaon. Dahil rito'y sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, 'Magsusugo Ako sa kanila ng mga propeta at ng mga apostol; ang iba'y papatayin nila at uusigin ang iba.' Sa gayo'y lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa pagpatay sa mga propeta buhat nang itatag ang sanlibutan, magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambanang sunugan ng mga handog at ng gusali ng Templo. Sinasabi Ko sa inyo, lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa kanilang ginawa.

"Kawawa kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat inalis ninyo ang susi ng karunungan. Ayaw na ninyong magsipasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga nagnanais pumasok."

At umalis si Hesus sa bahay na iyon. Mula noon, tinuligsa na Siya ng mga eskriba at mga Pariseo at pinagtatanong tungkol sa maraming bagay, upang masilo Siya sa Kanyang pananalita.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Hilingin natin sa Panginoon na maging makatotohanan tayo sa ating mga gawain.

TUGON:
PANGINOON, GAWIN MONG TOTOO
ANG AMING PUSO SA IYO.

1. Sa ating buhay bilang bahagi ng Bayan ng Diyos, nawa’y magampanan natin ang mga hamon ng Ebanghelyo sa ating palagiang pagsaksi. Manalangin tayo sa Panginoon.

2. Atin nawang maiwasang gawin ang mga bgay na nakikiayon o pagpapakitang-tao lamang. Manalangin tayo sa Panginoon.

3. Yaong mga pinanghihinaan ng loob dahil sa ating hindi naging magandang ugali at pakikitungo, nawa’y manumbalik sa pagsisimba sa pamamagitan ng ating pagbabalik-loob at pagbabagong-buhay. Manalangin tayo sa Panginoon.

4. Ang mga maysakit, nawa’y makita ang Mapagpagaling na Kamay ng Diyos sa dinaranas nilang mga pagsubok at paghihirap. Manalangin tayo sa Panginoon.

5. Ang mga yumao na sa buhay na ito, nawa’y tanggapin sa walang hanggang kaluwalhatian. Manalangin tayo sa Panginoon.

Pari: Ama, tulungan Mo kaming sumamba sa Iyo nang may totoong puso upang makalapit kami sa Iyo sa espiritu at katotohanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Oktubre 2, 2022IKA- 27 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON✝️ MGA PAGBASA SA MISAUnang Pagbasa: HABACUC 1: 2-3; 2:2-4Pagbasa mul...
02/10/2022

Oktubre 2, 2022
IKA- 27 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

✝️ MGA PAGBASA SA MISA

Unang Pagbasa:
HABACUC 1: 2-3; 2:2-4

Pagbasa mula sa Aklat ni Propeta Habacuc

Panginoon, hanggang kailan ako daraing sa Iyo, at di Mo diringgin? Hanggang kailan Mo babayaang mamayani ang karahasan? Bakit ang ipinakikita Mo sa akin ay pawang kasamaan at kahirapan? Sa magkabi-kabila’y nagaganap ang pagwasak at ang karahasan; laganap ang hidwaan at pagtatalo.
At ito ang tugon ng Panginoon: “Isulat mo ang pangitain; isulat mong malinaw sa mga tapyas ng bato, upang madaling mabasa at ibalita sa lahat. Sapagkat hindi pa dumarating ang takdang panahon upang maganap ang pangitain; mabilis na dumarating ang wakas hindi ito maliliban. Ngunit tiyak na magaganap, kung ito ma’y nagtatagal. Masdan mo, ang hambog ay mabibigo sa kanyang kapalaluan, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa kanyang katapatan.

Ang Salita ng Diyos.

Salmo Responsorio:
SALMO 95:1-2, 6-9

Tugon:
PANGINOO'Y INYONG DINGGIN,
HUWAG N'YO S'YANG SALUNGATIN.

Tayo ay lumapit sa ‘ting Panginoon, Siya ay awitan,
Ating papurihan ang batong kublihan nati’t kalakasan.
Tayo ay lumapit sa Kanyang harapan na may pasalamat,
Siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.

Tugon:
PANGINOO'Y INYONG DINGGIN,
HUWAG N'YO S'YANG SALUNGATIN.

Tayo ay lumapit, sa Kanya’y sumamba at magbigay-galang,
Lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang.
Siya ang ating Diyos, tayo ay kalinga Niyang mga hirang,
Mga tupa tayong inaalagaan.

Tugon:
PANGINOO'Y INYONG DINGGIN,
HUWAG N'YO S'YANG SALUNGATIN.

Ang Kanyang Salita ay ating pakinggan:
“Iyang inyong puso’y huwag patigasin,
tulad ng ginawa ng inyong magulang
nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa.
Ako ay tinukso’t doon ay sinubok ng inyong magulang,
bagamat nakita Aking ginawang sila’ng nakinabang.”

Tugon:
PANGINOO'Y INYONG DINGGIN,
HUWAG N'YO S'YANG SALUNGATIN.

Ikalawang Pagbasa:
2 TIMOTEO 1:6-8, 13-14

Pagbasa mula sa Ikalawang Sulat
ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal ko, ipinaaalaala ko sa iyo na maging masigasig ka sa pagtupad sa tungkuling tinanggap mo sa Diyos nang ipatong ko ang aking mga kamay sa ulo mo. Sapagkat hindi espiritu ng kaduwagan ang ibinibigay sa atin ng Diyos kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili.

Kaya’t huwag mong ikahihiya ang pagpapatotoo tungkol sa Panginoon o ang aking pagkabilanggo dahil sa Kanya. Sa halip, makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita.

Gawin mong batayan ang mga aral na itinuro ko sa iyo yamang ang mga ito’y pawang katotohanan. Manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pakikipag-isa kay Kristo Hesus. Sa tulong ng Espiritu Santong nananahan sa atin, ingatan mo ang lahat ng ipinagkatiwala sa iyo.

Ang Salita ng Diyos.

Aleluya
1 PEDRO 1:25

Aleluya! Aleluya!
Balita sa inyo ngayo’y
Salita ng Panginoong
iiral habang panahon.
Aleluya! Aleluya!

✝️ Mabuting Balita
LUCAS 17:5-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po Ninyo ang aming pananalig sa Diyos.” Tumugon ang Panginoon, “Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, “Mabunot ka, at matanim sa dagat” at tatalima ito sa inyo.

“Ipalagay nating kayo’y may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, ‘Halika at nang makakain ka na’? Hindi.’ Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako’y kumakain. Kumain ka pagkakain ko.’ Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? Gayun din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sasabihin ninyo, ‘Kami’y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Setyembre 29, 2022- Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael✝️ MGA PAGBASA SA MISAUnang Pagbasa:D...
29/09/2022

Setyembre 29, 2022
- Kapistahan nina Arkanghel San Miguel,
San Gabriel at San Rafael

✝️ MGA PAGBASA SA MISA

Unang Pagbasa:
DANIEL 7:9-10, 13-14 o kaya PAHAYAG 12:7-12

Pagbasa mula sa Aklat ni Propeta Daniel

Habang ako’y nakatingin, may naglagay ng mga trono. Naupo sa isa sa mga ito ang isang nabubuhay magpakailanman. Kumikinang sa kaputian ang kanyang kasuotan at parang lantay na lana ang kanyang buhok. Ang trono niya’y nagniningning. Ang mga gulong nito ay apoy na nagliliyab. Waring agos ng tubig ang apoy na bumubuga mula sa trono. Ang naglilingkod sa kanya’y isang milyon bukod pa sa milyon-milyong nakaantabay. Humanda na siya sa paggagawad ng hatol at binuksan ang aklat. Patuloy ang aking pangitain. Ang nakita ko naman ay isang tila taong nakasakay sa ulap. Bumaba ito at lumapit sa nabubuhay magpakailanman. Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian. Siya ay paglilingkuran ng lahat ng tao, bansa at wika. Ang pamamahala niya ay di matatapos, at di babawiin, at hindi mawawasak ang kanyang kaharian.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya: PAHAYAG 12:7-12

Pagbasa mula sa Aklat ng Pahayag

Sumiklab ang digmaan sa langit! Naglaban si Arkanghel Miguel, kasama ang kanyang mga anghel, at ang dragon, kasama naman ang kanyang mga kampon. Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at pinalayas sila sa langit. Itinapon ang dambuhalang dragon -- ang matandang ahas na ang pangala'y Diyablo, o Satanas, na dumaya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa, pati ang kanyang mga kampon.

At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, "Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na ng Mesias ang kanyang karapatan! Pagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin. Nagtagumpay sila laban sa Diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ang kanilang pagsaksi sa katotohanan; hindi sila nanghinayang sa kanilang buhay. Kaya't magalak kayo, kalangitan, at lahat ng naninirahan diyan!"

Ang Salita ng Diyos.

Salmo Responsorio:
SALMO 138: 1-5

Tugon
P**N, KITA'Y PUPURIHIN
SA HARAP NG MGA ANGHEL.

Ako, P**n, buong pusong aawit ng pasasalamat,
Sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
Pupurihin kita roon, pupurihin ang 'yong ngalan;

Tugon
P**N, KITA'Y PUPURIHIN
SA HARAP NG MGA ANGHEL.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
Ikaw'y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
Sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Tugon
P**N, KITA'Y PUPURIHIN
SA HARAP NG MGA ANGHEL.

Dahilan sa pangako mong naririnig ng mga hari,
Pupurihin ka ng lahat at ikaw'y ipagbubunyi;
Ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin,
At ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.

Tugon
P**N, KITA'Y PUPURIHIN
SA HARAP NG MGA ANGHEL.

Aleluya
SALMO 102:21

Aleluya! Aleluya!
Ang Panginoo’y purihin
ng lahat n’yang mga anghel
na tapat at masunurin.
Aleluya! Aleluya!

✝️ Mabuting Balita
JUAN 1:47-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nang makita ni Jesus si Natanael, ay kanyang sinabi, "Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya'y hindi magdaraya!" Tinanong siya ni Natanael, "Paano ninyo ako nakilala?" Sumagot si Jesus, "Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos," "Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!" wika ni Natanael. Sinabi ni Jesus, "Nananampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!" At sinabi niya sa lahat, "Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!"

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Ang ating mga panalangin sa araw na ito ay inilalapit natin sa Ama sa pamamagitan ng pagkilos ng mga banal na Arkanghel, ang mga ganap na espiritu na walang tigil na naglilingkod sa Diyos at sa Kanyang bayan.

Tugon:
SA PAMAMAGITAN NG PAGLILINGKOD
NG MGA ANGHEL, PAGPALAIN MO KAMI,
O PANGINOON.

1. Ang mga Kristiyanong nagdurusa dahil sa pag-uusig, nawa’y ipagtanggol at palakasin ni San Miguel. Manalangin tayo sa Panginoon.

2. Ang mga nagpahayag ng katotohanan, nawa’y mabuhayan ng loob sa pangangalaga ni San Gabriel. Manalangin tayo sa Panginoon.

3. Ang ating mga kapatid na maysakit at nagdurusa, nawa’y aliwin ni San Rafael. Manalangin tayo sa Panginoon.

4. Tayo nawa’y magkaroon ng kababaan ng loob sa harap ng hiwaga ng paglikha na hindi natin nakikita. Manalangin tayo sa Panginoon.

5. Atin nawang laging mamalayan ang pagkilos ng ating mga anghel na tagatanod. Manalangin tayo sa Panginoon.

Pari: Diyos na Maylikha sa amin, tanggapin Mo ang aming mga panalangin at kahilingan habang nagdiriwang kami dahil sa tulong ng mga anghel sa kalangitan na natitipon sa paligid ng dambanang ito. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

29/09/2022

Alam mo ba? Kapag namatay ang isang tao, ang kanyang kaluluwa ay HINDI kailanman magiging anghel.

Ito ay dahil noon pa man, nilikha na ng Makapangyarihang Diyos ang mga Anghel. Nauna pang likhain ng Diyos ang mga anghel kaysa sa mga tao.

Sa pagkamatay ng isang tao, ang kaluluwa ay humihiwalay sa katawan. Ang kaluluwa ay dadako sa kanyang "particular judgement" (CCC 1022). Ang mga kaluluwang nasa langit ay hindi kailanman magiging Anghel.
Ang katawan at kaluluwa ay muling magsasama sa wakas ng panahon, sa muling pagbabalik ng Panginoon.

source: https://aleteia.org/.../17/do-we-become-angels-when-we-die/

28/09/2022

September 28 | Saint Lorenzo Ruiz and Companions

Lorenzo was born in Manila of a Chinese father and a Filipino mother, both Christians. Thus he learned Chinese and Tagalog from them, and Spanish from the Dominicans whom he served as altar boy and sacristan. He became a professional calligrapher, transcribing documents in beautiful penmanship. He was a full member of the Confraternity of the Holy Rosary under Dominican auspices. He married and had two sons and a daughter.

Lorenzo’s life took an abrupt turn when he was accused of murder. Nothing further is known except the statement of two Dominicans that “he was sought by the authorities on account of a homicide to which he was present or which was attributed to him.”

At that time, three Dominican priests, Antonio Gonzalez, Guillermo Courtet, and Miguel de Aozaraza, were about to sail to Japan in spite of a violent persecution there. With them was a Japanese priest, Vicente Shiwozuka de la Cruz, and a layman named Lazaro, a l***r. Lorenzo, having taken asylum with them, was allowed to accompany them. But only when they were at sea did he learn that they were going to Japan.

They landed at Okinawa. Lorenzo could have gone on to Formosa, but, he reported, “I decided to stay with the Fathers, because the Spaniards would hang me there.” In Japan they were soon found out, arrested, and taken to Nagasaki. The site of wholesale bloodshed when the atomic bomb was dropped had known tragedy before. The 50,000 Catholics who once lived there were dispersed or killed by persecution.

They were subjected to an unspeakable kind of torture: After huge quantities of water were forced down their throats, they were made to lie down. Long boards were placed on their stomachs and guards then stepped on the ends of the boards, forcing the water to spurt violently from mouth, nose and ears.

The superior, Fr. Gonzalez, died after some days. Both Fr. Shiwozuka and Lazaro broke under torture, which included the insertion of bamboo needles under their fingernails. But both were brought back to courage by their companions.

In Lorenzo’s moment of crisis, he asked the interpreter, “I would like to know if, by apostatizing, they will spare my life.” The interpreter was noncommittal, but in the ensuing hours Lorenzo felt his faith grow strong. He became bold, even audacious, with his interrogators.

The five were put to death by being hanged upside down in pits. Boards fitted with semi-circular holes were fitted around their waists and stones put on top to increase the pressure. They were tightly bound, to slow circulation and prevent a speedy death. They were allowed to hang for three days. By that time Lorenzo and Lazaro were dead. Still alive, the three priests were then beheaded.

In 1987, Pope John Paul II canonized these six and 10 others: Asians and Europeans, men and women, who spread the faith in the Philippines, Formosa, and Japan. Lorenzo Ruiz is the first canonized Filipino martyr. The Liturgical Feast of Saint Lorenzo Ruiz and Companions is September 28.

source: www.FranciscanMedia.org

Setyembre 28, 2022-Miyerkules, Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon-Paggunita kay San Lorenzo Ruiz at mga Kasama, mga mar...
28/09/2022

Setyembre 28, 2022
-Miyerkules, Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
-Paggunita kay San Lorenzo Ruiz
at mga Kasama, mga martir

✝️ MGA PAGBASA SA MISA

Unang Pagbasa:
JOB 9: 1-12, 14-16

Pagbasa mula sa Aklat ni Job

Ang sagot ni Job sa kanyang mga kaibigan:
“Iyan ay dinig ko na noon pa mang una,
ngunit sinong tao kaya ang tatalo sa Kanya?
Sino ang sa Kanya’y maaaring mangatwiran?
Sa sanlibo Niyang tanong, di masagot ang isa man.
Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan,
sino kaya ang sa Kanya ay makalalaban?
Walang sabi-sabing inuuga yaong bundok,
sa tindi ng Kanyang galit, ito’y Kanyang dinudurog.
Itong sangkalupaan ay Kanyang nayayanig.
At nauuga Niya ang saligan ng daigdig.
Napipigil sa pagsikat ang silahis nitong araw,
At Kanyang naitatago ang tala sa kalangitan.
Siya lamang ang lumikha sa sangkalangitan,
at sa bangis nitong dagat, walang ibang makasaway.
Ang “Malaking Diper” at “Orion” ay Siya lamang ang may lalang,
pati na ang Pleyades at mga kumpol na bituin sa timugan.
Makapangyarihan Niyang gawa ay hindi maunawaan,
ang milagrong gawa Niya sa dami ay di mabilang.
Siya’y nagdaraan ngunit di ko mamalas,
Siya’y hindi ko makita, bagaman ay naglalakad.
Anuman ang gawin Niya ay walang makahahadlang,
ni makapagtatanong, ‘Bakit Mo ginawa iyan?
Anong aking isasagot sa Kanyang katanungan?
Kahit ako walang sala ang tangi kong magagawa’y
sa harap ng Diyos na hukom manikluhod akong tunay.
Kahit Niya bayaang ako’y makapagsalita,
di ko rin natitiyak kung ako’y diringgin kaya.

Ang Salita ng Diyos.

Salmo Responsorio
SALMO 87: 10bk-11, 12-13, 14-15

Tugon
PANGINOON, AKOY DINGGIN
SA PAGSAMO KOT DALANGIN.

Panginoong Diyos,
tumatawag ako sa ‘Yo araw-araw,
sa pagdalangin ko ay taas ang kamay.
Makagagawa ba
Ikaw, Panginoon, ng kababalaghan,
para purihin Ka niyong mga patay?

Tugon
PANGINOON, AKOY DINGGIN
SA PAGSAMO KOT DALANGIN.

Ang Pag-ibig Mo ba
doon sa libinga’y ipinapahayag,
o sa kaharian
niyong mga patay ang ‘Yong pagtatapat?
Doon ba sa dilim
ang dakilang gawa Mo ba’y makikita,
o ang pagliligtas
sa mga lupaing wala ng pag-asa?

Tugon
PANGINOON, AKOY DINGGIN
SA PAGSAMO KOT DALANGIN.

O sa Iyo, O P**n,
ako’y nananangis at nananawagan,
sa tuwing umaga
ako’y tumatawag sa Iyong harapan.
Di Mo ako pansin,
O Panginoon ko, di Ka kumikibo,
bakit ang mukha Mo’y
ikinukubli Mo, Ika’y nagtatago?

Tugon
PANGINOON, AKOY DINGGIN
SA PAGSAMO KOT DALANGIN.

Aleluya
FILIPOS 3: 8-9

Aleluya! Aleluya!
Tana’y aking tatalikdan
upang si Kristo’y makamtan
bilang tanging pakinabang.
Aleluya! Aleluya!

✝️ Mabuting Balita
LUCAS 9: 57-62

Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang naglalakad sina Hesus at ang Kanyang mga alagad, may taong nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa Inyo kahit saan.” Sumagot si Hesus, “May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.” Sinabi ni Hesus sa isa, “Sumunod ka sa Akin.” Ngunit sumagot ang tao, “Panginoon, hayaan po muna Ninyo akong umuwi upang ipalibing ang akin ama.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa Paghahari ng Diyos.” Sinabi naman ng isa, “Susunod po ako sa Inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa Paghahari ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Iniluluhog natin sa Diyos Ama ang ating mga pangangailangan dahil tinawag tayo ng Kanyang Anak na si Hesus upang sundan Siya. Manalangin tayo nang may pananalig para sa biyaya na tanggapin ang pagtawag na ito.

Tugon:
AMA, GAWIN MO KAMING GANAP
KAY KRISTO!

1. Ang mga pinuno ng Simbahan at lahat ng nagpapahayag ng Salita ng Diyos, nawa’y masigasig na magpatuloy sa kanilang pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

2. Ang ating komunidad, nawa’y mapanibago sa araw-araw sa pamamagitan ng pananampalataya sa Salita ng Diyos na tumatawag sa atin sa mas maganda at mabuting buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

3. Yaong mga nawalan na ng pag-asa dahil sa mga kasalanan, nawa’y mapagtanto na kasama nating naglalakbay ang ating Panginoon at tinutulungan tayo sa pagpasan ng ating krus, manalangin tayo sa Panginoon.

4. Yaong mga pinahina ng karamdaman o pagkakasakit, nawa’y mabigyang lakas-loob ng kasiyahang mula sa Diyos sa pamamagitan ng kalinga at pag-aaruga ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

5. Ang mga yumao na sumunod kay Hesus sa buhay na ito, nawa’y makapasok sa Walang Hanggang Presensya ng Diyos sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Pari: Ama naming nasa langit, sa aming pagnanais na sumunod sa Yapak ng Iyong Anak, gawin Mo kaming iisa sa isip at puso, sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Setyembre 27, 2022- Martes, Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon-Paggunita kay San Vicente de Paul, Pari✝️ MGA PAGBASA SA...
27/09/2022

Setyembre 27, 2022
- Martes, Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
-Paggunita kay San Vicente de Paul, Pari

✝️ MGA PAGBASA SA MISA*

Unang Pagbasa
JOB 3: 1-3, 11-17, 20-23

Pagbasa mula sa Aklat ni Job

Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job; sinumpa niya ang araw ng kanyang pagsilang.

Ito ang kanyang sinabi:
“Hindi na sana ako ipinanganak at sana’y hindi ipinaglihi. Bakit di pa ako namatay sa tiyan ng aking ina, o kaya, noong ako ay isilang niya? Bakit kaya ako ay ipinaghele pa, inaruga, inalagaan, binuhay sa dibdib niya? Kung namatay ako noon, ako sana’y tahimik na, mahimbing na natutulog, wala nang iniisip pa. Katulad ng mga hari at tagapamahalang pumanaw, na nagtayo ng mga palasyo nang kanilang kapanahunan. Sana, tahimik na ako tulad ng mga pinunong nakapag-imbak ng ginto at nakatipon ng maraming pilak, o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak. Yamang sa libingan wala nang gumagawa ng kasamaan, at ang mga taong pagal ay nagpapahingalay. Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lang? At bakit pa binuhay kung daranas ng kahirapan? Kamataya’y hinahanap ngunit hindi masumpungan, hinuhukay, dinudulang, parang isang kayamanan. Sa kanila’y ubod-tamis nitong kamatayan. Bakit pa isinilang ang tao kung wala rin lamang kaginhawahan? Bagkus, hirap kabi-kabila ang nararanasan.

Ang Salita ng Diyos.

Salmo Responsorio
SALMO 87: 2-3, 4-5, 6, 7-8

Tugon:
PANGINOON, AKO'Y DINGGIN
SA PAGSAMO KO'T DALANGIN.

Panginoong Diyos,
tumatawag ako sa Iyo kung araw,
pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa Iyong harapan
ako ay dinggin Mo,
pagdalangin ko ako ay pakinggan,
sa aking pagdaing ako ay tulungan.

Tugon:
PANGINOON, AKO'Y DINGGIN
SA PAGSAMO KO'T DALANGIN.

Ang kaluluwa ko
ay nababahala’t lipos ng hilahil.
Dahilan sa hirap
wari’y malapit nang ako ay malibing,
kabilang na ako,
niyong malapit nang sa hukay ilagak,
ang aking katulad
ay ang mahina na’t ubos na ang lakas,

Tugon:
PANGINOON, AKO'Y DINGGIN
SA PAGSAMO KO'T DALANGIN.

Ang katulad ko pa
ay ang iniwanan sa gitna ng patay,
animo’y nasawi
na nananahimik sa kanyang libingan.
Tulad na rin ako
niyong mga tao na Iyong nilimot,
parang mga tao
na sa Iyong tulong ay hindi maabot.

Tugon:
PANGINOON, AKO'Y DINGGIN
SA PAGSAMO KO'T DALANGIN.

Dinala Mo ako sa may kadilimang hukay na malalim,
ang hukay na yaon
ay isang libingan na ubod ng dilim.
Ikaw ay nagalit,
at ang bigat nito’y sa akin nabunton,
ang aking katulad
ay ang tinabunan ng malaking alon.

Tugon:
PANGINOON, AKO'Y DINGGIN
SA PAGSAMO KO'T DALANGIN.

Aleluya
MARCOS 10: 45

Aleluya! Aleluya!
Anak ng Tao’y dumating
upang sarili’y ihain;
Lingkod, Manunubos natin.
Aleluya! Aleluya!

✝️ Mabuting Balita
LUCAS 9: 51-56

Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Lucas

Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Hesus sa langit, ipinasiya Niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo Niya ang ilan upang mauna sa Kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda Siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw Siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat Siya’y patungo sa Jerusalem. Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba Kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit bumaling Siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,” sabi Niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang nayon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Mapagpaumanhin ang Diyos at alam Niya ang ating mga pagdurusa. Manalangin tayo sa Kanya upang tulungan Niya tayo sa ating pagbabalik-loob at pagpapanibagong buhay.

Tugon:
AMA, UMUNLAD NAWA KAMI
SA PAGIGING KAWANGIS NG IYONG ANAK.

1. Ang Kristiyanong sumasampalataya, nawa’y pakinggan ang panawagan ng Diyos sa pananalig at pagsisisi. Manalangin tayo sa Panginoon.

2. Tayo nawa’y bigyan ng Diyos ng katapangan upang italaga natin ang ating sarili na maging malaya kay Kristo ang mga nakapiit sa kanilang pagkamakasarili. Manalangin tayo sa Panginoon.

3. Ang mga may pusong hungkag at nanlalamig, nawa’y matagpuan ang kaligayahan sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos at kapwa. Manalangin tayo sa Panginoon.

4. Ang mga maysakit sa isip at katawan, nawa’y magkaroon ng ganap na kagalingan. Manalangin tayo sa Panginoon.

5. Ang mga tapat na yumao, nawa’y masiyahan sa liwanag ng bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan. Manalangin tayo sa Panginoon.

Pari: Panginoong Mahabagin at Mapagmahal, pakinggan Mo ang mga hinaing ng mundong nakakulong sa pagdurusa at kasalanan. Sa pamamagitan ng Iyong anak na puspos ng kagandahang-loob, hinihingi namin sa Iyo ang biyaya upang makasunod kami sa Kanya palagi. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

25/09/2022

Setyembre 25, 2022
IKA- 26 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON
(Taon K - Lukas 16: 19-31)

SAYANG

May kasabihang, "ang pagsisisi ay palaging nasa huli." Totoo naman, wala namang nagsisisi sa una. At kapag nalagay ka sa ganitong kalagayan, ang mawiwika mo na lamang ay "sayang," kakambal nang matinding kalungkutan at paghihinagpis.

Pagsisisi, panghihinayang, ito marahil ang damdamin ng mayaman sa salaysay sa ebanghelyo na ipinahayag ni Hesus. Sa impeyerno, punong puno ng hinagpis, pagsisisi at panghihinayang ang mayaman habang nararanasan niya ang napakasaklap na kalagayan. Napunta siya sa impiyerno, hindi dahil sa siya'y mayaman, kundi dahil sa kanyang pagpapasasa at kawalang pakialam kay Lazaro at sa mga katulad niya.

May dalawang uri pala ng kasalanan, katulad ng itinuturo sa atin ng Simbahan, na maaaring magbulid sa atin sa impeyerno. Ang una ay iyong tinatawag nating "sin of commission." Ano ito? Ito ay mga gawa na hindi mo dapat ginawa subalit ginawa mo. Halimbawa, ang pagpatay. Masama ang pagpatay ng tao. Kasuklam suklam sa Diyos ang pagpatay. Nagkakasala ng mabigat sa Diyos at kapwa ang pagpatay. Ang ikalawang uri ng kasalanan ay iyong "sin of ommission." Ano naman ito? Ito ay pagsasawalang kibo, hindi pagkilos, hindi paggawa sa mga bagay o pagkakataon na nararapat na kumilos, gumawa at magmalasakit. Iyan ang kasalanan ng mayaman sa salaysay ni Hesus sa ebanghelyo. Nakalupasay si Lazaro sa labas ng kanyang bahay. Gutom na gutom ito, at may sakit. Totoo, walang namang ginawang masama ang mayaman kay Lazaro. Hindi niya ito sinaktan, ni pinagtabuyan man lang kaya. Wala nga siyang ginawang masama kay Lazaro, subalit wala rin naman siyang ginawang mabuti dito. Hindi niya ginawa ang mabuti na pakainin, painumin o paramtan man lamang si Lazaro. Ipinagkait niya ang mabuting gawa kay Lazaro.

Ang kalooban ng Diyos na nais niyang gawin natin ay umiwas tayo sa paggawa ng masama at gumawa tayo ng mabuti. Kaya't hindi ibig sabihing wala tayong ginagawang masama ay okey na. Ang hindi pag gawa ng mabuti na inaasahan sa atin, ang pagsasalawang kibo na sa mga isyu ng lipunan na inaasahan ang ating pakikisangkot, ang pagdamay sa kapwa na ating ipinagkait, ay katumbas na rin ng masamang gawa.

Sa ating panahon, napakarami paring "Lazaro" sa ating lipunan na nasa ibat-ibang mukha at kalagayan. Hinahamon tayo ng Panginoon na kumilos at abutin sila. Tulungan natin sila sa abot ng ating kakayanan. Huwag nawa nating ipagkait ang mabuting gawa na maaari nating ipagkaloob sa kanila. Huwag nating isiping tayo'y mawawalan kapag tinulungan natin sila. Ang Diyos na ang gaganti sa ating kabutihan.

Sa huli ang mga pagdamay sa kapwa, ang pagmamahal at malasakit ang mga gawang kaylan ma'y hindi natin pagsisisihan. Ang mawiwika natin ay hindi "sayang," kundi, "mabuti na lamang," "salamat sa Diyos kumilos ako," "salamat sa Diyos, tumulong, nagmahal, nagmalasakit ako."

- Fr. Pablo Songuad, Jr.

Address

Calauag

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parokya ng Banal na Espiritu, Brgy. Tiniguiban, Calauag, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parokya ng Banal na Espiritu, Brgy. Tiniguiban, Calauag, Quezon:

Share