04/10/2026
๐๐๐ฃ๐ฃ๐ฌ ๐ฆ๐จ๐ก๐๐๐ฌ, ๐๐ฉ๐๐ฅ๐ฌ๐ข๐ก๐! โ๏ธ
๐๐๐๐ ๐ฆ๐จ๐ก๐๐๐ฌ |๐๐ฎ๐ถ๐๐โ๐ ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต ๐๐ฒ๐น๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป
๐๐ผ๐น๐ ๐๐ผ๐๐ฝ๐ฒ๐น: ๐ ๐ฎ๐๐๐ต๐ฒ๐ ๐ฎ๐ญ:๐ฏ๐ฏโ๐ฐ๐ฒ
๐ฆ๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ผ๐ฟ: ๐๐๐๐
Sa ating Ebanghelyo at sermon ngayong Ika-19 na Linggo pagkatapos ng Pentecostes, ipinapaalala sa atin ang kahalagahan ng pagiging tapat na katiwala ng Diyos at ng pagtugon sa Kaniyang mga ipinagkakatiwala sa atin.
Sa talinghaga ni Jesus tungkol sa isang taong nagtanim ng ubasan at ipinaupahan ito sa mga magsasaka, makikita natin kung paano tinanggihan at sinaktan ng mga katiwala ang mga isinugo ng may-ari. Sa huli, isinugo niya ang kaniyang anak, ngunit siya rin ay kanilang tinanggihan.
Ang talinghagang ito ay paalala sa atin na ang lahat ng mayroon tayoโang ating buhay, panahon, kakayahan, paglilingkod, at mga biyayaโay mga kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa atin.
Bilang mga mananampalataya at mga lingkod sa Iglesia, tinatawag tayo na maging mabuting katiwala ng mga kaloob na ito. Hindi sapat na sabihin nating tayo ay naglilingkod sa Diyos; mahalaga ring makita ito sa ating mga gawa, katapatan, at pagmamahal sa kapwa.
Ngayong Laityโs Month, nawaโy maging paalala sa bawat layko na ang paglilingkod sa Diyos ay hindi lamang ginagawa sa loob ng simbahan. Ito ay isinasabuhay din sa ating pamilya, pamayanan, trabaho, at sa bawat pagkakataong maaari tayong maging instrumento ng pagmamahal at kabutihan.
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐, ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ถ๐๐ผ ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป?
Nawaโy piliin nating maging tapat na katiwala, handang maglingkod, magmahal, at gamitin ang ating mga kaloob para sa ikabubuti ng iba at para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Isang mapagpalang Linggo sa ating lahat! โ๏ธ
๐ฃ๐๐ฟ๐ถ๐ต๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐!