Cristo Divino Tesoro Parish - PPCRV

Cristo Divino Tesoro Parish - PPCRV Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cristo Divino Tesoro Parish - PPCRV, Religious organisation, Buenlag, Pangasinan, Calasiao.

The Cristo Divino Tesoro Parish - Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) aims to provide a Clean, Honest, Accurate, Meaningful and Peaceful elections (CHAMP).

๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜: ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒโ€œ๐™ˆ๐™–๐™ฎ ๐™ฌ๐™š ๐™—๐™š ๐™ž๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™ž๐™จ ๐™ฌ๐™ค๐™ง๐™ก๐™™ ๐™– ๐™ง๐™–๐™ฎ ๐™ค๐™› ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฉ ๐™ก๐™ž๐™œ๐™๐™ฉ ๐™ฌ๐™๐™ž๐™˜๐™ ๐™จ๐™๐™ค๐™ฃ๐™š ๐™›๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™ ๐™›๐™ง๐™ค๐™ข ๐˜ฝ๐™š๐™ฉ๐™๐™ก๐™š๐™๐™š๐™ข, ๐™—๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Ÿ๐™ค...
06/12/2025

๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜: ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™ฎ ๐™ฌ๐™š ๐™—๐™š ๐™ž๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™ž๐™จ ๐™ฌ๐™ค๐™ง๐™ก๐™™ ๐™– ๐™ง๐™–๐™ฎ ๐™ค๐™› ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฉ ๐™ก๐™ž๐™œ๐™๐™ฉ ๐™ฌ๐™๐™ž๐™˜๐™ ๐™จ๐™๐™ค๐™ฃ๐™š ๐™›๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™ ๐™›๐™ง๐™ค๐™ข ๐˜ฝ๐™š๐™ฉ๐™๐™ก๐™š๐™๐™š๐™ข, ๐™—๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Ÿ๐™ค๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ฅ๐™š๐™–๐™˜๐™š ๐™ฉ๐™ค ๐™ฉ๐™๐™š ๐™๐™š๐™–๐™ง๐™ฉ๐™จ ๐™ค๐™› ๐™–๐™ก๐™ก ๐™ข๐™š๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ฌ๐™ค๐™ข๐™š๐™ฃ.โ€ โ€“ ๐™‹๐™ค๐™ฅ๐™š ๐™๐™ง๐™–๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™จ

The second candle on the Advent wreath represents Peace. Like the first candle, it is also purple. Often called the โ€œBethlehem Candle,โ€ the second Advent candle reminds us of Mary and Josephโ€™s journey from Nazareth to Bethlehem before Mary gave birth to Jesus. Building on the meaning of the Prophecy Candle, this second candle recalls that after all of the division, destruction, and dispersion of the kingdom in the Old Testament, there might finally be peace on Earth โ€“ Jesus is coming, and so is his Kingdom of Peace. As we read in the quote from Pope Francis, this light of peace shone forth from Bethlehem for all the world.

ยฉ Hallow


20/11/2025
13/05/2025

Salamat a Balbalรจg PPCRV Lingayen-Dagupan Volunteers!

God bless you more!

12/05/2025
As of 12:26 PM Wala ng pila sa holding areas ng Buenlag, Calasiao. Ngunit inaasahan ang muling pagdagsa ng mga botante m...
12/05/2025

As of 12:26 PM Wala ng pila sa holding areas ng Buenlag, Calasiao. Ngunit inaasahan ang muling pagdagsa ng mga botante mamayang hapon.

Kuha ni Glenda Lincod, PPCRV Volunteer
Isinulat ni Bernadeth Delos Santos, PPCRV SOCCOM

๐‘บ๐’Š๐’•๐’˜๐’‚๐’”๐’š๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘บ๐’๐’๐’ˆ๐’Œ๐’๐’š, ๐‘ด๐’‚๐’„๐’‚๐’ƒ๐’Š๐’•๐’, ๐’‚๐’• ๐‘ฉ๐’–๐’†๐’๐’๐’‚๐’ˆIsinasagawa nang maayos at mapayapa ang halalan sa mga Barangay Songkoy, Buenl...
12/05/2025

๐‘บ๐’Š๐’•๐’˜๐’‚๐’”๐’š๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘บ๐’๐’๐’ˆ๐’Œ๐’๐’š, ๐‘ด๐’‚๐’„๐’‚๐’ƒ๐’Š๐’•๐’, ๐’‚๐’• ๐‘ฉ๐’–๐’†๐’๐’๐’‚๐’ˆ

Isinasagawa nang maayos at mapayapa ang halalan sa mga Barangay Songkoy, Buenlag, at Macabito ngayong araw, habang patuloy ang pagdagsa ng mga botante sa kani-kanilang presinto.

Sa kabila ng naging aberya sa ilang vote-counting machines (VCMs) sa Buenlag at Macabito, kung saan may mga balotang hindi agad tinanggap, agad itong niresolba ng mga election officers. Naiproseso rin agad ang mga balota matapos ang mabilis na pagsasaayos ng makina.

Sa kabuuan, nananatiling tahimik ang mga lugar at walang naitalang insidente ng karahasan o kaguluhan. Mahigpit din ang pagbabantay ng mga awtoridad upang masig**ong ligtas at maayos ang proseso ng pagboto.

Inaasahang magpapatuloy ang maayos na daloy ng halalan hanggang sa opisyal na pagtatapos ng botohan mamayang gabi.

Kuha ng larawan ni: Jobert Ticman, Parish Youth Social Communication Head
Iniulat ni: Bernadeth Delos Santos, PPCRV SocCom

๐˜พ๐™ƒ๐˜ผ๐™ˆ๐™‹ ๐™ฃ๐™– ๐™ƒ๐™–๐™ก๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ, ๐™„๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™œ๐™™๐™–๐™จ๐™–๐™ก ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™ˆ๐™ž๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐˜ฟ๐™๐™‹Bilang pakikiisa sa layunin ng PPCRV para sa isang Clean, Honest, ...
11/05/2025

๐˜พ๐™ƒ๐˜ผ๐™ˆ๐™‹ ๐™ฃ๐™– ๐™ƒ๐™–๐™ก๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ, ๐™„๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™œ๐™™๐™–๐™จ๐™–๐™ก ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™ˆ๐™ž๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐˜ฟ๐™๐™‹

Bilang pakikiisa sa layunin ng PPCRV para sa isang Clean, Honest, Accurate, Meaningful, at Peaceful (CHAMP) na halalan, pinangunahan ni Rev Fr. Estephen Mark R. Espinoza ang isang banal na misa ngayong umaga sa Cristo Divino Tesoro Parish.

Dumalo ang ilang mananampalataya upang sama-samang manalangin para sa paggabay ng Panginoon sa bawat botante, tagapagbantay, at kandidato. Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Fr. Step ang kahalagahan ng pagboto bilang isang sagradong tungkulin ng bawat mamamayang Pilipino.

โ€œOur civic duty is to bring forth good shepherds to vote for those who will lay their lives for our own not those who work for pay โ€ ani Fr. Step.

Sa pagtatapos ng misa, inialay ng buong sambayanan ang isang panalangin para sa kapayapaan, katapatan, at katumpakan ng eleksyon. Muli ring pinaalalahanan ang lahat na manatiling at makiisa sa pagtataguyod ng isang CHAMP na halalan.

Kuha ng larawan ni: Jobert Ticman, Parish Youth Social Communication Head
Isinulat ni: Bernadeth Delos Santos, PPCRV SocCom

Tulong-Gabay para sa Botante: Votersโ€™ Assistance Desk, Kaagapay sa Halalan 2025Sa layuning masig**o ang maayos, tapat, a...
11/05/2025

Tulong-Gabay para sa Botante: Votersโ€™ Assistance Desk, Kaagapay sa Halalan 2025

Sa layuning masig**o ang maayos, tapat, at mapayapang halalan, aktibong naglilingkod ngayong araw, Mayo 12, 2025, ang Votersโ€™ Assistance Desk (VAD) sa ilan sa mga voting centers sa bayan ng Calasiao.
Matatagpuan ang mga Votersโ€™ Assistance Desk (VAD) sa mga social hall ng bawat paaralan, partikular sa bandang harapan ng Buenlag Central School, Macabito Elementary School, at Songkoy Elementary School. Itinalaga ang mga ito upang tumulong sa mga botante sa paghahanap ng kanilang presinto, pagbibigay ng impormasyon ukol sa proseso ng pagboto, at pagpapanatili ng kaayusan sa pila sa mga voting precinct.
Maagang nagsimula ang operasyon ng VAD upang salubungin ang mga botanteng kabilang sa early voting hours, gaya ng mga senior citizens, persons with disabilities (PWD), at mga buntis. Sa tulong ng mga trained volunteers ng PPCRV at Parish Youth Ministry, naging organisado at mapayapa ang daloy ng mga botante sa bawat lugar.
Ayon sa mga tagapangasiwa, patuloy ang kanilang pagbabantay at pagbibigay-gabay upang matulungan ang bawat isa na makaboto nang maayos at ayon sa kanilang konsensya. Ang presensya ng VAD ay nagsisilbing konkretong hakbang patungo sa mas responsableng pagboto at mas matatag na demokrasya.

Kuha ng larawan ni: Juan Dela Cruz
Isinulat ni: Jobert Ticman, Parish Youth Social Communication Head

๐‘ป๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘ต๐‘จ๐‘ต! I 14 ๐™ฃ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ก๐™ค๐™ฉ๐™– ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™ช๐™š๐™ฃ๐™ก๐™–๐™œ, ๐˜พ๐™–๐™ก๐™–๐™จ๐™ž๐™–๐™ค, ๐™ˆ๐™ช๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ง๐™ค๐™จ๐™š๐™จ๐™ค ๐™จ๐™– ๐˜พ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™˜๐™๐™ž๐™ฃ๐™š ๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™ค๐™จ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™—๐™š๐™ง๐™ฎ๐™– Muling sinubukang ...
11/05/2025

๐‘ป๐‘ฐ๐‘ฎ๐‘ต๐‘จ๐‘ต! I 14 ๐™ฃ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ก๐™ค๐™ฉ๐™– ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™ช๐™š๐™ฃ๐™ก๐™–๐™œ, ๐˜พ๐™–๐™ก๐™–๐™จ๐™ž๐™–๐™ค, ๐™ˆ๐™ช๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ง๐™ค๐™จ๐™š๐™จ๐™ค ๐™จ๐™– ๐˜พ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™˜๐™๐™ž๐™ฃ๐™š ๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™ค๐™จ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™—๐™š๐™ง๐™ฎ๐™–

Muling sinubukang ipasok sa counting machine ang 14 na balotang pansamantalang naantala ang pagbasa matapos ang isang aberyang naganap dakong 5:50 ng umaga ngayong araw, Mayo 12. Eksaktong 5:55 AM nang muling iproseso ang mga naturang balota, limang minuto matapos matukoy at maresolba ang problema.

Ayon sa mga opisyal ng electoral board sa presinto, pansamantalang huminto ang operasyon ng vote-counting machine (VCM) dahil sa pagkakatupi ng mga balota. Agad namang kumilos ang mga technician upang maayos ito. Matapos ang mabilis na pagsusuri at pag-reset ng makina, naipasok na muli ang 14 na balota at matagumpay na na-scan.

Sa kasalukuyan, balik-normal na ang operasyon sa presinto at patuloy ang maayos na daloy ng pagboto.

Nagpapatuloy ang pagboto sa Buenlag Elementary School sa ilalim ng mahigpit na pagsunod sa mga patakaran ng Commission on Elections (COMELEC) upang masig**ong tapat at maayos ang halalan.

Kuha ng larawan ni: Bernadeth Delos Santos, PPCRV SOCCOM
Iniulat ni: Jenylyn Lopez, PPCRV Volunteer

๐˜พ๐™–๐™ก๐™–๐™จ๐™ž๐™–๐™ค ๐™‘๐™ค๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง๐™จ, ๐™ˆ๐™–๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฃ๐™ž๐™๐™–๐™ฃ๐™™๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ƒ๐™–๐™ก๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ Isinasagawa ngayong araw, Mayo 12, 2025, ang maayos at sistema...
11/05/2025

๐˜พ๐™–๐™ก๐™–๐™จ๐™ž๐™–๐™ค ๐™‘๐™ค๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง๐™จ, ๐™ˆ๐™–๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฃ๐™ž๐™๐™–๐™ฃ๐™™๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ƒ๐™–๐™ก๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ

Isinasagawa ngayong araw, Mayo 12, 2025, ang maayos at sistematikong pagbubukas ng halalan sa iba't ibang voting centers sa bayan ng Calasiao.

Simula pa kaninang madaling araw, dumating na ang mga electoral board members, support staff, at mga volunteer mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) upang ihanda ang mga lugar ng botohan.

Sa mga paaralan ng Buenlag Central School, Macabito Elementary School, at Songkoy Elementary School, nakaayos na ang mga voting precinct. Naipaskil na rin ang votersโ€™ list sa mga silid-aralan, at isinagawa ang pag-inspeksyon at pagselyo ng mga ballot box alinsunod sa mga itinakdang alituntunin ng COMELEC.

Kasabay ng pagbubukas ng mga presinto ay maayos na rin ang pagpasok ng mga botanteng kabilang sa early voting hours โ€” gaya ng mga senior citizens, persons with disabilities (PWD), at mga buntis. Mahigpit ding ipinatutupad ang kaayusan, seguridad, at gabay sa mga botante upang mapadali ang kanilang karanasang pagboto.

Patuloy ang pagbabantay at pakikiisa ng mga g**o, poll watchers, at PPCRV volunteers upang matiyak ang isang tapat, mapayapa, at makabuluhang halalan para sa buong komunidad ngayong araw.

Para sa mga susunod na kaganapan at ulat mula sa halalan, manatili lamang nakatutok sa aming page para sa impormasyon.

Kuha ng larawan ni: CDTP Media Team
Isinulat ni: Jobert Ticman, Parish Youth Social Communication Head

๐˜ฝ๐™ช๐™ข๐™ค๐™ฉ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก, ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ž๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ค๐™ฃ๐™จ๐™š๐™ฃ๐™จ๐™ฎ๐™–! ๐Ÿ—ณ๏ธNgayong May 12, ipakita ang dangal at malasakit sa bayanโ€”bumoto nang tapa...
11/05/2025

๐˜ฝ๐™ช๐™ข๐™ค๐™ฉ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก, ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ž๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ค๐™ฃ๐™จ๐™š๐™ฃ๐™จ๐™ฎ๐™–! ๐Ÿ—ณ๏ธ

Ngayong May 12, ipakita ang dangal at malasakit sa bayanโ€”bumoto nang tapat at responsable.

Ang iyong boto ay tinig ng pag-asa at pagkakaisa para sa kinabukasan ng ating bansa.

Address

Buenlag, Pangasinan
Calasiao
2418

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cristo Divino Tesoro Parish - PPCRV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Cristo Divino Tesoro Parish - PPCRV:

Share