26/08/2026
โ๐๐๐ ๐๐ค๐ง๐ก๐ ๐ฟ๐ค๐๐จ ๐๐ค๐ฉ ๐๐๐๐ ๐๐ฃ ๐ผ๐ง๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ก๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐ (๐ผ๐).โ โ ๐๐ค๐ฅ๐ ๐๐๐ค ๐๐๐
Ito ang mensaheng ibinahagi ng ating Santo Papa na si Pope Leo XIV sa kanyang post sa X. Ayon sa kanya;
โ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐ช๐ฃ๐๐ค ๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ก๐ก๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐๐๐ฌ๐๐จ ๐จ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ค; ๐จ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ, ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฉ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฉ๐๐ก๐๐ฃ๐ช๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ค ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ฌ๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ง๐ช๐ฃ๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ, ๐๐ฌ๐ฉ๐ค๐ง๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ ๐ค๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ฎ๐, ๐๐ฉ ๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ค๐ก๐ค๐๐๐ ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ค๐๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ช๐ฃ๐๐ช๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฌ๐๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐.โ
Sa panahon ngayon, ang buong mundo ay patuloy na nakikibagay at nakikipagsapalaran sa paggamit ng AI upang mapadali ang mga gawain sa ibaโt ibang larangan, lalo na sa edukasyon at trabaho. Marami nang estudyante ang gumagamit nito bilang gabay sa pag-aaral at paghahanap ng impormasyon. Gayunpaman, hindi natin dapat hayaan na dumating sa punto na lubos tayong umasa rito at mawala ang sariling kakayahang mag-isip, magsuri, at lumikha.
Ipinapaalala sa atin ng Santo Papa na ang teknolohiya ay dapat manatiling kasangkapan lamang ng tao. Ang tunay na katalinuhan ay hindi lamang nasusukat sa dami ng impormasyon na ating nakukuha, kundi sa paggamit nito nang may karunungan, pananagutan, at malasakit sa kapwa.
Binigyan tayo ng Diyos ng kakayahang mag-isip, mangarap, at lumikha ng mga bagay na makatutulong sa pag-unlad ng sangkatauhan. Kaya naman, maaari nating gamitin ang AI bilang katuwang upang mas mapalawak ang ating kaalaman at matuklasan ang mga bagong oportunidad. Ngunit hindi ito dapat maging kapalit ng ating sariling pag-iisip at kakayahan.
Tulad ng paalala ng ating Santo Papa, ang Artificial Intelligence ay hindi dapat maging karibal ng tao, kundi isang kasangkapan na ginagamit upang magsilbi sa kabutihang panlahat.