ELITES-Dream Center

ELITES-Dream Center Exceptional Leaders Intensified, Transformed and Empowered by the Spirit
JRFIM Young Adults Ministry OBJECTIVES:

1.

Is created to minister to and engage the young adult of the Church through Weekly Fellowship/Gathering, Participation in Outreach Programs, Involvement in Trainings and Events that address the needs of single(UNMARRIED) and working(NON-STUDENT) men and women of today. This page is created to reach out to all the ELITES of this generation and encourage them to maximize this beautiful season of thei

r lives to make an impact to other people through God's Word and good deeds. VISION:

A community of exceptional and Spirit-filled young adult leaders who love God and love people. MISSION:

Create a community of young adults who willfully invest Time, Talents, and Treasures into God's Kingdom for His greater Glory. Cultivate a loving fellowship among young adults in the church through prayer, worship and study of God's Word.

2. Serve the LORD by reaching out to communities to share the Word and God's Blessings.

3. Create an avenue to display the Gifts and Talents of young adults through creative works and projects.

💤Hello, MONDAY!Vitamin D ka muna before u sleep ha?Text: Hebreo 11:1–2“Dahil sa pananampalataya, tayo ay nagtitiwala na ...
24/08/2026

💤Hello, MONDAY!
Vitamin D ka muna before u sleep ha?

Text: Hebreo 11:1–2
“Dahil sa pananampalataya, tayo ay nagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan at mayroon tayong katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi natin nakikita.”

Verse 2: Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong una dahil sa kanilang pananampalataya sa Kanya.

Dahil sa Pananampalataya
Minsan, dumarating tayo sa mga pagsubok na hindi natin alam kung ano ang magiging resulta. May mga problema na parang wala nang solusyon at may mga bagay na hindi natin nakikita kung paano mangyayari. Pero dito nasusubukan ng Diyos kung gaano katatag ang ating pananampalataya sa Kanya.

Hindi ibig sabihin na kapag may problema tayo ay talo na tayo. Sa halip, maaaring ginagamit ito ng Diyos para mas lalo tayong matutong magtiwala sa Kanya. Kahit hindi natin nakikita ang sagot, alam natin na kumikilos ang Diyos sa ating buhay.

Application
Saan tayo dapat magkaroon ng pananampalataya?

Sa lahat ng bagay at sa lahat ng sitwasyon. Lalo na sa mga panahon na hindi natin alam kung ano ang mangyayari, patuloy tayong dapat kumapit at magtiwala sa Diyos.

Kapag may problema, huwag agad panghinaan ng loob. Manalangin tayo at ibigay natin sa Diyos ang ating mga worries at pangamba. Hindi man natin nakikita ang sagot ngayon, maniwala tayo na may ginagawa ang Diyos para sa atin.

Ang mahalaga ay manatili tayong faithful sa Kanya at huwag sumuko.

Testimony
Praise God po dahil sa kaso ng kapatid ko, nakita talaga namin kung paano kumikilos ang Diyos sa amin.

Kahit minsan ay hindi natutuloy o nade-delay ang hearing, at hindi po kami nagbabayad para sa attorney namin, pero ang kalaban ang nagbabayad sa kanilang attorney. Pero kahit ganoon ang situation, nagbibigay pa rin ng lakas ng loob sa amin ang Lord. Siya po ang nagbibigay sa amin ng strength para harapin ang mga problema namin at Siya rin ang nagbibigay ng saya at peace sa amin.

Glory to God po!

Talagang kumilos ang Diyos sa amin. May isang pagkakataon na nag-testify ang doktor na nag-opera sa kapatid ko. Ikinuwento niya lahat ng nakita niya tungkol sa operasyon at kung ano ang nangyari. Tuwang-tuwa ang attorney namin dahil ang galing pala niyang magkuwento at malinaw niyang naipaliwanag ang mga nakita niya.

Natuwa rin po ang fiscal at sinabi niya sa amin na talagang magaling ang doktor na nag-opera sa anak namin. Sinabi niya na malinaw na naikwento ng doktor ang lahat ng nakita niya sa utak ng anak namin at kung paano nangyari ang buong situation.

Sabi pa ng doktor, parang napalaban talaga siya sa ginawa niyang operasyon dahil nakita niya kung gaano kahirap ang kalagayan ng anak namin, pero sa kabila ng lahat, naging maganda ang kinalabasan ng operasyon.

Doon namin nakita na talagang kumikilos ang Diyos. Kahit hindi namin alam kung ano ang mangyayari, unti-unti Niyang ipinapakita sa amin na hindi Niya kami pinababayaan.

Kaya patuloy lang po kaming nananalangin at nagtitiwala sa Kanya. Hindi man namin nakikita ang sagot, alam namin na may ginagawa ang Diyos.

To God be all the glory!
Follow for more!

One week of giving our God the worship He deserves!Complete all 7 songs! Ano, tara?
24/08/2026

One week of giving our God the worship He deserves!
Complete all 7 songs! Ano, tara?

Rain and floods won’t stop us from being unashamed for God! 🙌We are so blessed tonight to receive God’s Word through Ate...
22/08/2026

Rain and floods won’t stop us from being unashamed for God! 🙌

We are so blessed tonight to receive God’s Word through Ate Alethea. We were reminded that God is always working behind the scenes, and just like Esther, He can use us wherever we are and wherever He places us.

We were also encouraged as we gathered for our prayer meeting last Wednesday, praying for our nation and asking God for His protection against the storms and typhoons.
No matter what comes our way, we will continue to stand firm, pray, and boldly live for God. Rain or shine, we will remain unashamed of the Gospel! ❤️‍🔥🙏

To God be the glory!

🌖Hello, SATURDAY!Sweet Dreams!James 1:3 AMP[3] Be assured that the testing of your faith [through experience] produces e...
22/08/2026

🌖Hello, SATURDAY!
Sweet Dreams!

James 1:3 AMP
[3] Be assured that the testing of your faith [through experience] produces endurance [leading to spiritual maturity, and inner peace].

Revelation :
A faith that is not tested cannot be trusted. The Lord reminds us that testings are necessary for without them we will not be able to track our Spiritual progress. Just as how a student undergoes such to reveal His learnings, tests also prove how much we, Christians know and trust God.
No person grows in his/her comfort zone, we must wade into deeper waters in order that we will experience much as the Lord wants to give us.

Application:
When we stop learning, we stop growing so we must always welcome trials of life as an opportunity to grow. Instead of asking "Why am I going through this?" , we must ask "What is God trying to develop in me through this?". Our prayers must not always be to escape from the trial but to have stronger backs/hearts to carry on from all that we are going through.

There is no person who achieves success without initially making mistakes but if we ever fail or miss the mark let us stand up again and again with God as our strength. The path to success is laden with sacrifices, so if there be an encouragement for us, let it be that the path we are walking/the cross(problems/hardships/persecutions) we are carrying will produce a glory/joy that is far greater than what we are experiencing.

Personal testimony:
I once was tested by the Lord in my prayer, dati I used to pray that the trial may go away but then God showed me na habang dumadaan ako doon sa trial yung trust ko pala sa Kanya ang dinidevelop Niya sa akin. From a person who wanted to escape the pain, God built me to be a person na nagtitiwala that what God ordains, He sustains. I am far from perfect but by the grace of God nakakayang tumayo at harapin ang pagsubok. Mas payapa na dahil ang presensiya Niya ay kasama na.

Follow for more!
To God be the glory!

🌙Hello, FRIDAY!Before ka matulog, tara vitamin D!Mateo 6:19–21“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa, sap...
21/08/2026

🌙Hello, FRIDAY!
Before ka matulog, tara vitamin D!

Mateo 6:19–21
“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa, sapagkat dito’y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

Revelation: Paano magsisimula upang makaipon ng kayamanan sa langit?
1. Magsimula sa pagsisisi sa ating mga kasalanan at lumapit kay Jesus.
2. Tanggapin si Jesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas.
3. Isuko natin kay Jesus ang lahat ng bahagi ng ating buhay at hayaan natin Siyang maghari sa atin.

Testimony
Magandang gabi po sa inyong lahat.
Gusto ko lang pong magbahagi tungkol sa aking natutunan tungkol sa tunay na kayamanan.

Nung nakilala ko si Jesus, parang unti-unting gumaan ang buhay ko. Dati, bago ko pa nakilala si Lord, parang nabarkada ako. Madalas akong umuuwi ng hating-gabi, lalo na nung nasa work pa ako. Pero nung nakilala ko si Lord, maraming bagay ang unti-unting nagbago sa akin.

Simula nung nakakadalo na ako sa DREAM at nakasama ko sila Kuya Jed, unti-unti rin akong natutong manalangin kay Lord. Hanggang sa pati sa paghahanapbuhay ko, palagi na akong nananalangin sa Kanya. Humihingi ako ng gabay at proteksyon, at ipinagkakatiwala ko sa Kanya ang buhay ko, lalo na ang kalusugan at ang aking pamilya.

Sa pag-attend ko rin po sa ELITES, marami na akong natutunan tungkol sa Panginoon. Mas lalo kong naintindihan na ang tunay na kayamanan ay hindi lang tungkol sa pera o sa mga bagay na mayroon tayo dito sa mundo. Mas mahalaga na iniipon natin ang ating kayamanan sa langit sa pamamagitan ng pagkakaroon ng relasyon kay Jesus, pagsunod sa Kanya, at paggawa ng mabuti para sa Kanyang kaluwalhatian.

At kung minsan po, kapag feeling natin ay dry tayo o parang hindi natin nararamdaman ang pagkilos ng Diyos sa buhay natin, huwag agad tayong sumuko. Minsan, tayo rin mismo ang kailangang gumawa ng paraan para mas mapalapit sa Kanya manalangin, magbasa ng Kanyang salita, dumalo sa fellowship, at higit sa lahat, isuko natin sa Kanya ang buong buhay natin.

Kaya sa darating na September, sana po ay huwag akong kabahan sa pag-testimony. Gusto ko pong maibahagi kung paano kumilos si Lord sa buhay ko at kung paano Niya ako unti-unting binago mula nung nakilala ko Siya.

Sana po, sa pamamagitan ng aking testimony, may ma-inspire din na lumapit kay Jesus at makilala Siya.

Follow for more!
To God be the glory!

ᶻ 𝗓 𐰁 .ᐟHello, THURSDAY!Some good vibes before you sleep!“You shall not take the name of the Lord your God in vain, for ...
20/08/2026

ᶻ 𝗓 𐰁 .ᐟHello, THURSDAY!
Some good vibes before you sleep!

“You shall not take the name of the Lord your God in vain, for the Lord will not hold him guiltless who takes His name in vain.” Exodus 20:7

In our life, napapansin natin na tinatawag natin ang Panginoon, like for example, pag-mock or pag may matindi kang pagsubok in life, right?

Pero mas mali ang paraan na ’yan na tatawagin mo ang Diyos.

Kapag wala lang, hindi ka naman aya-aya sa Kanya, ’tas parang hindi maganda na role sa pagiging Christian life natin.

Kung paulit-ulit tayong tumatawag sa Kanya for mocking purposes, di ba?

As Christians, or even not Christians, alam naman natin na maling-mali ang ganyan.

Kahit na tayo naman ang madalas may pagkakamali, we blame God, di ba?

Tayo din naman ang gumawa ng maling paraan, ’tas kapag may nangyari sa atin, parang Diyos agad ang sinisisi natin.

Tapos pag umagang-umaga, pagkagising mo, hindi mo naman Siya inuuna. Pero kapag may problema ka na, saka mo Siya tatawagin.

On my testimony, maling-mali na itawag mo ang Diyos na parang wala lang.

“Diyos ko,” kahit hindi na bago sa atin ’to.

Halatang matagal na natin itong alam, na parang nasa commandments na nga ito na huwag mong tatawagin o gamitin ang pangalan ng Diyos na parang wala lang sa’yo.

Paano kung tinawag natin ang Diyos na wala lang sa atin?

Magagalit ba sa atin ang Diyos?

Or mas worse, what if ang life natin ay biglang mawala or bawian tayo ng buhay habang ginagawa natin ito?

Paano kung naging normal na lang sa atin ang pagtawag sa Diyos na walang tamang paraan?

Kaya hindi puwedeng mangyari sa atin bilang Christian na magiging normal na lang ito. Dapat isapuso natin at baguhin natin ang buhay natin.

Hindi lang dapat kapag may problema saka natin naaalala ang Diyos.

Dapat kahit wala tayong pinagdadaanan, kahit okay ang buhay natin, tinatawag at hinahanap pa rin natin Siya.

Let us learn to respect and honor the name of the Lord.

Hindi Siya dapat ginagamit na parang ordinaryong expression lang.

Bilang Christians, dapat makita sa buhay natin na tunay nating nirerespeto ang Diyos at hindi lang natin Siya tinatawag kapag kailangan natin Siya.

Follow for more!
To God be the glory!

🌧️Hello, WEDNESDAY!Sa panahon ngayon, dapat nag vivitamins tayo!John 13:34 NIV�“ A new command I give you: Love one anot...
19/08/2026

🌧️Hello, WEDNESDAY!
Sa panahon ngayon, dapat nag vivitamins tayo!

John 13:34 NIV�“ A new command I give you: Love one another. As I have loved you, so you must love one another.”

Hindi lang sinabi ni Jesus na mahalin natin ang isa’t isa. Ipinakita rin Niya kung paano tayo dapat magmahal—“as I have loved you.”

Minsan madaling magmahal kapag mabait din sa atin ang isang tao. Madaling maging understanding kapag naiintindihan din tayo.

Pero paano kapag nasaktan tayo? Kapag na-disappoint tayo?

Kapag hindi tayo nirerespeto o pinapahalagahan?

Doon nasusubok ang tunay na meaning ng Christian love.

Ipinapaalala sa atin ni Jesus na ang pagmamahal natin ay hindi dapat nakadepende sa kung paano tayo tinatrato ng ibang tao.

Dahil minahal tayo ni Lord kahit hindi tayo perfect, tinatawag din Niya tayong matutong magmahal nang may patience, grace, forgiveness, at humility.

Matuto tayong magmahal hindi lamang sa salita kundi sa actions.

Be patient. Be kind. Learn to forgive. Choose grace even when it is difficult.

Hindi ibig sabihin na kailangan nating tiisin ang lahat o hayaan ang ibang tao na saktan tayo.

Maaari tayong mag-set ng boundaries at lumayo kung kinakailangan, pero hindi natin kailangang magdala ng hatred o bitterness sa ating puso.

Kapag may taong mahirap mahalin, tanungin natin ang sarili natin: “Paano ko mamahalin ang taong ito the way Jesus loves me?”

May mga pagkakataon na madaling magmahal, pero may mga panahon din na kailangan talaga nating humingi ng tulong kay Lord para magmahal.

May mga pagkakataong nasasaktan tayo, nadidisappoint, o namimisunderstand. Natural lang na gusto nating umiwas o magtanim ng sama ng loob.

Pero paulit-ulit tayong nire-remind ni Lord na hindi natin kailangang gumanti o hayaang kontrolin ng hurt ang puso natin.

I’m still learning. Hindi ko rin laging nagagawa nang tama.

Pero habang mas nauunawaan ko kung gaano ako kamahal ni Lord, mas natututo rin akong magbigay ng grace sa ibang tao.

Kaya sa araw-araw, prayer ko na sana makita ng ibang tao kay Jesus ang pagmamahal sa paraan ng pakikitungo ko sa kanila.

Dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang sinasabi ito ay isinasabuhay. ❤️

Let us choose to love, forgive, and extend grace!

Follow for more
To God be the glory!

☁️Hello, TUESDAY!Choose to grow with God today! The last statement will satisfy you~Lamentations 3:21–23“But this I call...
18/08/2026

☁️Hello, TUESDAY!
Choose to grow with God today!
The last statement will satisfy you~

Lamentations 3:21–23
“But this I call to mind, and therefore I have hope.”

When things don’t go the way I wanted them to, I remind myself of this: God still has a better plan for me.

Things may fall apart, but what God has said will still remain.

Kapag sinabi Niya, “Trust Me, anak. I got this,” then surrendering everything to the Lord is not a loss. It is a great gain.

There is hope in the name of Jesus.

And to hope in Him is to acknowledge that there is still something more that God has prepared for us

something greater than what we can see right now.

Remember the prodigal son.

There came a moment when he realized:

“Hindi na nakakatuwa ang buhay na ito. Babalik na ako sa tatay ko. Pero hindi na bilang anak…

kahit maging alila na lang ako.”

He had already accepted that he was no longer worthy.

But he didn’t know that his father had been waiting all along.

“The steadfast love of the Lord never ceases; His mercies never come to an end.”

Magbago man ang mundo.

Magbago man ang mga tao.

At gaya ng sabi sa Bible, the love of many may grow cold.

But His STEADFAST LOVE never ceases.

It doesn’t stop when we feel lost.

It doesn’t disappear when we become misdirected by the things that tempted us along the way.

And His mercy remains even in those moments when we know we deserve the consequences of our choices.

Yet somehow, God still whispers:
“Anak, pinapatawad kita.
Bumangon ka.
Huwag mo nang balikan.”

Malayo pa lang, tinanaw na ng ama ang kanyang anak.

At hindi siya naghintay na makalapit ang anak niya.

Patakbo siyang lumapit.

Niyakap niya nang mahigpit.

At imbes na pagsabihan, imbes na ipahiya, sinabi niya:
“Magdiwang tayo! Ang anak kong nawala ay nakabalik na.

Ang anak kong akala natin ay patay na ay muling nabuhay!

“They are new every morning; great is Your faithfulness.”

Every morning, God gives us another opportunity to experience His love and mercy.

Hindi man tayo naging faithful sa Kanya…

We fail.
We fall.

And sometimes, in the happiest seasons of our lives, nakakalimutan pa rin natin Siya.

But you know what?
He remains faithful.

Kaya naman, let us also strive to be faithful to Him.

Sa kwento ng prodigal son, sinuotan siya ng kanyang ama ng sandalyas at singsing.

Why?

Because his father was reminding him:
“Anak, hindi nagbago ang identity mo dahil lang naligaw ka.”

He was welcomed back into his home.

His honor was restored.

His identity was restored.

And right now, it is not an accident that you are reading this.

Faithful si Lord, kapatid.

Bumalik ka na sa Kanya.

Hindi Siya nagbago.

Tayo ang nagbabago. Tayo ang lumalayo.

Gaya ko noon.
Akala ko hindi na ako karapat-dapat sa Kanya.

I was serving the Lord, but at the same time, I was also serving my sin.

I was trapped.
I knew I needed to let go, but I couldn’t.

Until one day, I realized something:
Mas mahal ko pala Siya kaysa sa mga kasalanang ayaw kong bitawan.

Kaya muli akong lumapit.

At gaya ng prodigal son, hindi ako sinalubong ng Diyos ng condemnation.

Niyakap Niya ako.

And now, I continue to serve the Lord, not because I am perfect, but because I have experienced how faithful He is even when I was unfaithful.

Because God can take even our greatest mess and turn it into our greatest testimony.

Pride?
Lust?
Arrogance?
Whatever it is that keeps you away from God

Tapon na natin.

Nothing is worth comparing to the mercy that is new every morning in His presence.

So, kapatid…

Maybe you feel like you have gone too far.

Maybe you think you have failed too many times.

Maybe you think you are no longer worthy to come home.

But remember:
His love never ceases.
His mercy never ends.
His faithfulness is great.

And just like the father who ran toward his prodigal son,

God is still waiting for you.
Are you willing to come home?

Are you willing to receive His mercy again today, kapatid?

Thanks G! This is our 50th vitamin D so far! God is good!

Follow for more!
To God be the glory!

🔥 THROWBACK FROM LAST SATURDAY’S FELLOWSHIP!We were so blessed to receive God’s message through Ate Kat! Originally, we ...
17/08/2026

🔥 THROWBACK FROM LAST SATURDAY’S FELLOWSHIP!

We were so blessed to receive God’s message through Ate Kat!

Originally, we were created to live unashamed before God just like Adam and Eve before the fall. Wala silang tinatago, wala silang ikinahihiya, and they were completely free in God’s presence.

But then temptation came. Eve gave in to the serpent, and Adam also committed sin. And what happened next? They hid.

When God was looking for them, nagtago sila.

Instead of immediately asking for forgiveness, Adam even blamed God for giving him Eve.

And honestly, ganyan din ang ginagawa ng sin sa atin.

As Elites, we need to recognize that sin is a toxin it slowly poisons our relationship with God, paralyzes our faith, and makes us ashamed to stand for Him.

Kaya gustong-gusto ng enemy na mahulog tayo, because he knows that when we compromise, we become afraid to testify and speak boldly about God.

BUT WE WILL NOT GIVE IN!

Our weapon is the Word of God.

The more we read His Word, the more we know His truth.

And the more we know His truth, the stronger we become against the lies and temptations of the enemy.

Because at the end of the day, mas powerful mag-share ng goodness ni Lord kapag ang buhay natin mismo ay testimony.

Hindi kailangang perfect tayo, but we should strive every day to live a life that pleases the Lord and obey what He says.

Let’s stop hiding. Let’s stop compromising.

Let’s stand unashamed for God! Know the Word.

Fight the temptation. Live the testimony. Be UNASHAMED for Jesus! 🔥

See you next Saturday!
be part of the growing family!
To God be the glory!

🌧️Hello, MONDAY!Verse to start our week! heto Vitamin D!Kawikaan 3:5-85. Kay Yahweh ka magtiwala nang buong puso at lubu...
17/08/2026

🌧️Hello, MONDAY!
Verse to start our week! heto Vitamin D!

Kawikaan 3:5-8
5. Kay Yahweh ka magtiwala nang buong puso at lubusan, at huwag kang manangan sa sarili mong karunungan.
6. Sa lahat ng iyong ginagawa, siya ay alalahanin upang ikaw ay patnubayan niya sa iyong tatahakin.
7. Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman. Igalang mo at sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.
8. Sa gayon, lalakas at magiging matatag ka, at mawawala ang iyong pighati at gagaling ang iyong mga sugat.

Sa Diyos ako dapat magtiwala, dahil Siya ang nagbibigay ng kalakasan sa aking buhay.

Kapag nagtitiwala ako sa Kanya, hindi ako matatakot sa mga bagay na aking haharapin dahil alam kong Siya ang gumagabay sa akin.

Anuman ang gawin ko, dapat lagi kong isipin at alalahanin ang Diyos, dahil Siya ang gumagabay sa atin araw-araw, saanman tayo magpunta.

Hindi tayo dapat umasa lamang sa sarili nating kaalaman o kakayahan. Sa halip, dapat tayong magtiwala sa Diyos at sundin ang Kanyang kalooban.

Lagi kong nararanasan kung paano ako ginagabayan at pinoprotektahan ni Lord.

Sa tagal ko nang pagiging guard sa JRFIM Church, isa sa mga ginagawa ko ay ang pagpapatawid ng mga sasakyan.

Sa dami ng beses na ginagawa ko ito, thank God dahil ni minsan ay hindi ako napahamak o naaksidente. 🙏

May mga pagkakataon na muntik na akong mahagip ng sasakyan, pero hindi natutuloy.

Para sa akin, hindi lang iyon simpleng pagkakataon nakikita ko roon ang kamay ng Diyos na laging nagbabantay sa akin.

Dahil pang-gabi ang duty ko, minsan naiisip ko rin ang mga masasamang loob na maaaring dumaan.

Pero hanggang ngayon, nagpapasalamat ako kay Lord dahil hindi Niya ako pinabayaan.

Naniniwala ako na binabantayan Niya ako at hinahadlangan ang anumang masamang balak laban sa akin.

Sa lahat ng ito, natutunan ko na kapag tunay kang nagtitiwala kay Lord, hindi ibig sabihin na wala nang panganib o pagsubok.

Pero ibig sabihin, kahit may panganib, may Diyos kang nagbabantay; kahit may takot, may Diyos kang masasandalan.

Kaya araw-araw, buong puso akong nagpapasalamat kay Lord.

Hindi dahil wala akong panganib, kundi dahil sa bawat panganib, napatunayan kong hindi Niya ako iniiwan.

Kapag nagtitiwala ka kay Lord, hindi ka Niya pababayaan. Siya ang iyong tagapagtanggol, gabay, at lakas sa bawat araw.

Follow for more!
To God be the glory!

Address

San Miguel Calasiao Pangasinan
Calasiao
2418

Telephone

+639772401262

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ELITES-Dream Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to ELITES-Dream Center:

Shortcuts

Share