22/06/2026
Muling idinaraos ang Hapaglalakbay bilang bahagi ng paghahanda sa Dakilang Kapistahan nina San Pedro at San Pablo, mga patron ng ating parokya.
Bilang bahagi ng Sts. Peter and Paul Chaplaincy ngayong hapon 5PM ating sasalubungin at malugod na tatanggapin ang pagdating ng mga imahe nina San Pedro at San Pablo sa ating munting simbahan.
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa Banal na Misa at sa mainit na pagtanggap sa ating mga patron. Sama-sama po nating ipagdiwang ang biyaya ng kanilang pagdalaw at patuloy na paggabay sa ating pamayanan.
Halina at makiisa! 🙏💛❤️