07/08/2025
August 08, 2025
๐ผ๐ต๐จ๐ต๐ฎ ๐ท๐จ๐ฎ๐ฉ๐จ๐บ๐จ
๐ท๐๐ข๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐ 4, 32-40
Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio
Sinabi ni Moises sa mga tao: โIsipin ninyo kung may naganap nang tulad nito, nasaksihan o nabalitaan man lamang, mula nang likhain ng Diyos ang daigdig. Maliban sa inyo, sino pa ang nakarinig sa tinig ng Diyos mula sa haliging apoy, at nanatiling buhay? Sinong diyos ang naglabas ng isang buong lahi mula sa isang bansa upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipagsubukan ng kapangyarihan, ng kababalaghan, ng digmaan, at ng makapangyarihang mga gawa, tulad ng ginawa ng Panginoon sa Egipto? Ang mga pangyayaring itoโy ipinamalas niya sa inyo upang maniwala kayo na walang ibang Diyos maliban sa kanya. Mula sa langit, nagsalita siya sa inyo upang kayoโy turuan. At dito sa lupa nagsalita siya mula sa apoy. At dahil sa pag-ibig niya sa inyong mga ninuno, hinirang niya kayo, at sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ay inilabas kayo sa Egipto. Pinuksa niya ang mga bansang mas malakas sa inyo upang maluwag kayong makapanirahan sa lupaing ibinigay niya sa inyo ngayon. Dahil dito, dapat ninyong malaman na sa langit at sa lupaโy walang ibang diyos liban sa Panginoon. Kaya nga, dapat ninyo sundin ang kanyang mga utos at tuntuning sinasabi ko sa inyo ngayon. Sa gayun, mapapanuto kayo at ang lahing susunod sa inyo; magtatagal kayo habang panahon sa lupaing ibinigay niya sa inyo.โ
Ang Salita ng Diyos.
๐บ๐จ๐ณ๐ด๐ถ๐ต๐ฎ ๐ป๐ผ๐ฎ๐ผ๐ต๐จ๐ต
๐๐๐๐๐ 76, 12-13. 14-15. 16 ๐๐ก 21
๐๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐ ๐ข๐ง๐๐ฐ๐ ๐ฆ๐จ,
๐ฆ๐๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ-๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ค๐จ.
Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa,
ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga.
Sa lahat ng ginawa mo, akoโy magbubulay-bulay,
magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan.
๐๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐ ๐ข๐ง๐๐ฐ๐ ๐ฆ๐จ,
๐ฆ๐๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ-๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ค๐จ.
Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal,
at wala nang ibang diyos na sa iyoโy ipapantay.
Ikaw ang Diyos na ang gawaโy tunay na kahanga-hanga.
Iyang kadakilaan moโy nahayag na sa nilikha;
๐๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐ ๐ข๐ง๐๐ฐ๐ ๐ฆ๐จ,
๐ฆ๐๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ-๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ค๐จ.
Dahilan sa iyong lakas, mga hirang moโy tinubos,
ang lahat ng mga angkan ni Jose at ni Jacob.
Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan mong parang kawan,
si Moises at Aaron yaong iyong naging kamay!
๐๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐ ๐ข๐ง๐๐ฐ๐ ๐ฆ๐จ,
๐ฆ๐๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ-๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ค๐จ.
๐จ๐ณ๐ฌ๐ณ๐ผ๐๐จ
๐๐๐ก๐๐ 5, 10
Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang inuusig
sa gawang puspos ng bait,
pagkat may kakamting langit.
Aleluya! Aleluya!
๐ด๐จ๐ฉ๐ผ๐ป๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ฉ๐จ๐ณ๐ฐ๐ป๐จ
๐๐๐ก๐๐ 16, 24-28
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โKung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nitoโy ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Sapagkat darating ang Anak ng Tao na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama ang kanyang mga anghel. Sa panahong yaoโy gagantihin niya ang bawat tao ayon sa kanyang ginawa. Sinasabi ko sa inyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaโt di nila nakikita ang Anak ng Tao na pumaparito bilang Hari.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.