28/09/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐ ๐๐๐๐
๐๐๐ญ๐ก ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ ๐ซ๐๐ง๐ญ๐ฌ' ๐๐ฎ๐ง๐๐๐ฒ
Setyembre 27, 2026 | Linggo | Christ the King Mission Seminary, Quezon City
Nagkamit ng parangal at pagkilala ang St. Benedict Parish Migrants Ministry bilang isa sa mga Best Parish Migrant Ministry Implementers in Luzon mula sa Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) - Luzon Migrants' Ministry noong ika-27 ng Setyembre 2026 kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-40 National Migrants' Sunday (NMS).
Ang Merit Award na ito ay personal na tinanggap ni Bro. Rodney A. Amarillo, PAPASCO Coordinator, sa ginanap na Gawad Parokyang Lingkod OFW at 40th NMS Luzon Celebration sa Arnold Janssen Hall, Christ the King Mission Seminary, E. Rodriguez, Quezon City.
Ang SBP Migrants Ministry ay isa sa mga bagong ministry na itinatag ni Reberendo Padre Jimson H. Ruga, Kura Paroko, nang siya ay dumating sa Parokya noong 2024. Ang SBP din ang kauna-unahang parokya sa Diyosesis ng Calapan na nakapagtatag ng ministry na ito kung kaya't isang malaking biyaya ang pagkakakilala ng CBCP-ECMI Luzon sa mga programang isinasagawa ng SBP para sa mga migrante. Kaalinsabay ng pagkakatalaga ni Fr. Jim sa SBP bilang Kura Paroko noong 2024 ay itinalaga rin siya ng Lubhang Kagalang-galang Moises Magpantay Cuevas, D.D., Obispo ng Calapan, bilang Direktor ng Diocesan Commission on Migrants and Itinerant People.
Photos: Rodney A. Amarillo