12/01/2026
“Bago pa man kita hubugin sa sinapupunan, ikaw ay aking nakilala.” – Jeremias 1:5
Sa pagtatapos ng Libreng Ultrasound Program ng Knights of Columbus Pope John Paul Ii 15386, muli nating pinagtibay ang pagpapahalaga sa banal na regalo ng buhay.
Taos-pusong pasasalamat ng aming konseho sa lahat ng naging katuwang, sa South Luzon Knights na silang nangasiwa sa pagsasagawa ng ultrasound, sa Barangay Health Worker (BHW) ng Brgy. Pachoca, sa gabay ng aming kura paroko Rev. Fr. Thomas M. Priela at sa lahat ng nakiisa lalo't higit sa mga Ina at pamilyang aming napaglingkuran.
Sa bawat tibok ng pusong nasilayan, buhay ang pag-asa at pagmamahal. Tunay na pagpapakita ng malasakit sa buhay mula sa sinapupunan.
Patuloy ang knights of Columbus sa paghahatid ng mga ganito gawin para sa paglilingkod sa Kapwa at sa Diyos.
Muli po, MARAMING SALAMAT!
Viva't Jesus!