04/07/2026
06.14.26 | 𝑬𝑳𝑬𝑽𝑨𝑻𝑬: 𝑽𝒐𝒊𝒄𝒆, 𝑷𝒂𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏, 𝑷𝒐𝒘𝒆𝒓 𝒂𝒔 𝑳𝒊𝒕𝒖𝒓𝒈𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑴𝒖𝒔𝒊𝒄 𝑴𝒊𝒏𝒊𝒔𝒕𝒆𝒓𝒔
Sa layuning higit pang pagyamanin ang kakayahan at espirituwalidad ng mga lingkod-musiko, matagumpay na isinagawa ang ELEVATE: Voice, Passion, Power as Liturgical Music Ministers noong Hunyo 14 sa Sto. Niño Cathedral sa pangunguna ni Dr. Lester Delgado. Ang makabuluhang pagsasanay ay nagbigay-diin sa wastong paggamit ng tinig, masining na interpretasyon ng mga awiting pansamba, at sa kahalagahan ng musika bilang mahalagang bahagi ng banal na liturhiya. Naging pagkakataon din ito upang mas mapalinang ang kaalaman sa musika. Sa bawat aral na natamo, inaasahang higit pang maisasabuhay ng mga liturgical music ministers ang kanilang tungkulin nang may kahusayan, pagpapakumbaba, at taos-pusong debosyon.