Silonay Youth Ministry: One Love, One SYM

Silonay Youth Ministry: One Love, One SYM Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Silonay Youth Ministry: One Love, One SYM, Religious organisation, Calapan.

Para sa aming napakasipag at dedikadong Kuya Arvin,Isang napakalaking karangalan at kagalakan ang makitang isuot mo iyon...
28/07/2026

Para sa aming napakasipag at dedikadong Kuya Arvin,

Isang napakalaking karangalan at kagalakan ang makitang isuot mo iyong toga at tanganan ang iyong diploma ngayong araw!

Alam namin ang mahabang lakbayin na pinagdaanan mo para makarating dito. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan at sinuong mo makuha lang ang diploma na pinapangarap mo. Sa kabila ng lahat ng pagod at sakripisyo, kailanman ay hindi ka sumuko.
Dahil dito, hindi ka lamang basta nakapagtapos ng pag-aaral; naging totoong inspirasyon at ehemplo ka sa aming lahat. Ipinakita mo sa amin na walang pangarap na masyadong mataas kapag may kasamang sipag, tiyaga, at pananampalataya.
Salamat sa iyong sakripisyo, pagmamahal, at sa oras na inilaan mo para sa kabataan kahit na napakarami mong sariling bitbitin. Ngayong araw, bunga ito ng lahat ng iyong tiyaga at pagsasakripisyo.

Mula sa buong pamilya ng SYM, lubos kaming nagmamalaki sa 'yo!
Dalangin namin ang mas marami pang tagumpay at pagpapala sa susunod na kabanata ng iyong buhay. Patuloy ka naming susuportahan at ipagmamalaki!
Muli, Congratulations at Mabuhay Ka, Kuya Arvin! ❤️✨

16/07/2026

Narito ang aming pag-ibig,
ipaparinig ang tinig.
Muling magtitipon-tipon,
Kabataan ng Makabagong Panahon.

29/05/2026

“Sa biyaya ng paggawa at pananampalataya, ipagdiwang natin ang Kapistahan ni San Isidro Labrador, Patron ng Pamayanan ng Silonay. Sama-sama tayong magpasalamat sa masaganang biyaya at sa patuloy na paglingap ng Diyos sa ating pamayanan.”

Maligayang Kapistahan!
Viva San Isidro Labrador!

𝐕𝐢𝐯𝐚  𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫!Narito po ang ating mga gawaing pansimbahan sa karangalan ni San Isidro Labrador ngayong araw ...
28/05/2026

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫!

Narito po ang ating mga gawaing pansimbahan sa karangalan ni San Isidro Labrador ngayong araw ng kapistahan.
7:30 ng umaga ● Misang Pasasalamat
● Binyag
● Pagoda
5:00 ng hapon ● Prusisyon

𝙉𝙖𝙬𝙖 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙗𝙪𝙡𝙪𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙞𝙥𝙖𝙜𝙙𝙞𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙨𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙤𝙤𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙮𝙡𝙞𝙠𝙝𝙖 𝙨𝙖 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙢𝙞𝙢𝙞𝙣𝙩𝙖𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙠𝙖𝙮 𝙎𝙖𝙣 𝙄𝙨𝙞𝙙𝙧𝙤 𝙇𝙖𝙗𝙧𝙖𝙙𝙤𝙧.

Maligayang Kapistahan, Pamayanang Silonay!

01/04/2026

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Pagninilay sa mga Daan ng Krus ngayong Huwebes Santo, ika-5 ng umaga dito sa ating Pamayanang Silonay.

Address

Calapan
5200

Telephone

+639662631032

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Silonay Youth Ministry: One Love, One SYM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share