Ministry of Altar Servers - Sto. Niño Cathedral

Ministry of Altar Servers - Sto. Niño Cathedral OFFICIAL FACEBOOK PAGE

Managed by Ministry of Altar Servers Officers.

𝐃𝐀𝐘 3 — 𝐀𝐋𝐓𝐀𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄𝐑 𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒𝐅𝐄𝐒𝐓 2026Sa ikatlong araw ng paligsahan, muling pinatunayan ng mga altar servers ang kanilang...
29/05/2026

𝐃𝐀𝐘 3 — 𝐀𝐋𝐓𝐀𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄𝐑 𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒𝐅𝐄𝐒𝐓 2026

Sa ikatlong araw ng paligsahan, muling pinatunayan ng mga altar servers ang kanilang lakas sa paglalaro nang idaos ang championship games para sa mga larong volleyball at basketball.

Nagtagumpay ang kuponan mula sa St. Therese nang talunin nila ang mga manlalaro ng St. Cecilia in straight sets.

Samantalang nakabawi naman ang team ng St. Cecilia nang makamit nila ang kampeonato para sa larong basketball matapos talunin ang kuponan ng St. Therese sa score na 131-91.

Nawa'y magmitsa ang ginawang sports fest na ito para mas mag-alab ang kanilang respeto sa bawat isa bilang magkakaibigan, pananampalataya sa gitna ng kompetisyon at pagsasabuhay sa salitang "sportsmanship" sa loob at labas ng paligsahan.

𝐃𝐀𝐘 2 — 𝐀𝐋𝐓𝐀𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄𝐑 𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒𝐅𝐄𝐒𝐓 2026Mas umiinit ang laban at mas tumitibay ang samahan sa ikalawang araw ng ating Sports...
29/05/2026

𝐃𝐀𝐘 2 — 𝐀𝐋𝐓𝐀𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄𝐑 𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒𝐅𝐄𝐒𝐓 2026

Mas umiinit ang laban at mas tumitibay ang samahan sa ikalawang araw ng ating Sportsfest 2026. Sa bawat sigaw ng suporta, bawat pawis na inialay, at bawat larong nilaro nang may puso, mas lalong naipapakita ang pagkakaisa at dedikasyon ng bawat altar server.

Kasabay ng temang:
“Maglaro, Magsaya, Huwag Lang Magkakasala.”

Patuloy nating pinapahalagahan ang sportsmanship, respeto, at pananampalataya sa gitna ng kompetisyon. Tunay na ang sportsfest ay hindi lamang paligsahan ng lakas at talento, kundi pagbuo rin ng pagkakaibigan at masasayang alaala bilang isang komunidad ng mga lingkod ng simbahan.

𝐃𝐀𝐘 1 — 𝐀𝐋𝐓𝐀𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄𝐑 𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒𝐅𝐄𝐒𝐓 2026Opisyal nang nagsimula ang ating Sportsfest 2026 na may temang: “Maglaro, Magsaya, H...
27/05/2026

𝐃𝐀𝐘 1 — 𝐀𝐋𝐓𝐀𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄𝐑 𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒𝐅𝐄𝐒𝐓 2026

Opisyal nang nagsimula ang ating Sportsfest 2026 na may temang: “Maglaro, Magsaya, Huwag Lang Magkakasala.”

Isang araw na puno ng sigawan, tawanan, palakasan, at pagkakaisa ng bawat altar server mula sa iba’t ibang pamayanan. Hindi lamang ito tungkol sa panalo, kundi tungkol din sa pagpapakita ng sportsmanship, disiplina, respeto, at pananampalataya habang tayo’y nagkakaisa sa iisang layunin.

Nawa’y maging inspirasyon ang bawat laro upang mas mapalalim pa ang ating samahan bilang magkakapatid sa paglilingkod.

ALTAR SERVER SPORTSFEST 2026 Excited na ba ang lahat? Ilang araw ng saya, tawanan, pagod, laban, at bagong alaala ang na...
25/05/2026

ALTAR SERVER SPORTSFEST 2026

Excited na ba ang lahat? Ilang araw ng saya, tawanan, pagod, laban, at bagong alaala ang naghihintay sa atin! Hindi lang ito tungkol sa pagkapanalo sa laro, kundi tungkol din sa pagkakaisa, samahan, at pagpapakita ng tunay na diwa ng pagiging Altar Server.

Sa bawat takbo, pasa, tira, at sigaw ng suporta, dala natin hindi lang ang galing kundi pati respeto, disiplina, at pananampalataya.

TEMA:"Maglaro. Magsaya. Huwag Lang Magkakasala."

Kita-kits sa Sportsfest 2026! Gawin nating masaya at memorable ang bawat araw.

made by:
Spincer Jeremiah



23/05/2026
23/05/2026

LIVE || HOLY MASS - 8 AM
Taon II, Cycle A

SOLEMNITY OF THE PENTECOST ❤️

Punong Tagapagdiwang:
Rev. Fr. Andy Peter Lubi
Cathedral Rector

“By serving at the altar, you are helping others encounter Christ.” -Pope Benedict XVI
23/05/2026

“By serving at the altar, you are helping others encounter Christ.”

-Pope Benedict XVI

Linggo ng PentekostesSa araw ng Pentekostes, bumaba ang Espiritu Santo sa mga alagad ni Hesus bilang apoy at hangin, na ...
23/05/2026

Linggo ng Pentekostes

Sa araw ng Pentekostes, bumaba ang Espiritu Santo sa mga alagad ni Hesus bilang apoy at hangin, na nagbigay sa kanila ng lakas, tapang, at pananampalataya upang ipalaganap ang Mabuting Balita. Ito ang itinuturing na “kapanganakan ng Simbahan,” sapagkat dito nagsimulang mangaral nang buong tapang ang mga apostol sa iba’t ibang tao at bayan.

Nawa’y ang apoy ng Espiritu Santo ay muling magningas sa ating puso upang tayo’y maging instrumento ng pag-ibig, pagkakaisa, at paglilingkod sa Diyos at kapwa.

“Halina, Espiritu Santo, punuin Mo ang puso ng Iyong mga mananampalataya at pagningasin Mo sa kanila ang apoy ng Iyong pag-ibig.”

Made by: Spincer Jeremiah

5-24-26

23/05/2026

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘 𝐅𝐑. 𝐖𝐈𝐋𝐋𝐈𝐄

Ang sambayanan ng Sto. Niño Cathedral ay malugod na bumabati at nagpapa-abot ng mga panalangin para sa pagdiriwang ng iyong kaarawan.


Daily Quote “Not all of us can do great things. But we can do small things with great love.” Hindi pala natin kailangang...
22/05/2026

Daily Quote

“Not all of us can do great things. But we can do small things with great love.”


Hindi pala natin kailangang ng malaki o magarbo ang ginagawa para maging mahalaga.
Minsan, sa simpleng bagay lang ngiti, tulong, o presensya may naiaabot na tayong kabutihan sa iba.

Hindi agad natin nakikita ang epekto, pero ramdam ito ng taong nakatanggap.
At doon pala nagsisimula ang tunay na pagmamahal sa maliliit na bagay na ginagawa nang tapat at may puso.

Address

Calapan
5200

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639614388049

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers - Sto. Niño Cathedral posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share