Agnus Dei VF3 Youth Ministry

Agnus Dei VF3 Youth Ministry ‘Di kami magpapatalo, ‘di kami susuko. Lalaban upang ipanalo, pag-ibig ko kay Kristo!

Muling pinagtagpo-tagpo ang bawat kabataang bumubuo sa VF3 Youth Officers at Parish Youth Officers para sa isang 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐋...
22/02/2026

Muling pinagtagpo-tagpo ang bawat kabataang bumubuo sa VF3 Youth Officers at Parish Youth Officers para sa isang 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐋𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫𝐬' 𝐅𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐧𝐝 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲. ✨💛

‎Isang simpleng kapehan at panDasal ang siyang nagsilbing kumustahan upang mas patatagin ang samahan at palalimin ang diwa ng paglilingkod. Sa bawat kwentong inihatid at ibinahagi, mas tumibay ang damdaming nagkaisa para sa iisang misyon.💛😇

‎Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot sa OLPP Youth Ministry Core Team sa isang makabuluhang pagpapadaloy ng formation para sa kanilang kapwa lingkod-kabataan. ✨





Narito ang mga kabataan ng Agnus Dei Vicariate Forane 3 Youth Ministry, nagkatipon upang mas mapalalim ang kahandaan na ...
22/02/2026

Narito ang mga kabataan ng Agnus Dei Vicariate Forane 3 Youth Ministry, nagkatipon upang mas mapalalim ang kahandaan na maglingkod para sa Diyos at sa kapwa. Sama-samang tumutugon at patuloy na lumalago sa diwa ng taimtim na pananampalataya. 🐏💛





KUWARESMA.Pagsisisi. Pagbabalik- loob. Paglalakbay. Halina't Magnilay sa mga Salitang magiging Gabay sa apatnapung araw ...
17/02/2026

KUWARESMA.

Pagsisisi. Pagbabalik- loob. Paglalakbay.

Halina't Magnilay sa mga Salitang magiging Gabay sa apatnapung araw (40) na Paglalakbay bilang paghahanda sa Pasko ng Muling Pagkabuhay!

Ang Panahon ng Kuwaresma ay isang banal na panahon ng pagsisisi, pagbabalik- loob, at paglalakbay. Sa loob ng 40 araw, tayo'y inaanyayahan na samahan si Kristo na yakapin ang panalangin, magsakripisyo, at gumawa ng kabutihan sa kapwa. Nawa'y palalimin ng paglalakbay na ito ang ating pananampalataya, pag- ibig at pakikipag- ugnayan sa Diyos. Ang bawat araw ay maging isang hakbang tungo sa pagbabago at biyaya ng paglilingkod.



"𝐔𝐆𝐀𝐓. 𝐏𝐔𝐒𝐎. 𝐌𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍."Mula sa Pagkakakilanlan, Patungo sa Pagmamahal, Hanggang sa Paglilingkod.Para sa buwan ng Family an...
17/02/2026

"𝐔𝐆𝐀𝐓. 𝐏𝐔𝐒𝐎. 𝐌𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍."
Mula sa Pagkakakilanlan, Patungo sa Pagmamahal, Hanggang sa Paglilingkod.

Para sa buwan ng Family and Life ngayong Pebrero, muling nagtipon-tipon ang mga kabataan ng Holy Spirit Parish para sa Monthly Youth Formation. Ito ay pinangunahan ni Ate Joan P. Jaballas, ang Diocesan Youth Coordinator ng Apostolic Vicariate of Calapan – Commission on Youth.

Umikot ang Youth Formation sa layuning mahikayat ang mga kabataan sa kanilang pagkakakilanlan sa sarili, mahubog ang mga kabataan upang mapagtibay ang ugnayan sa kanilang pamilya, at ang mapalalim ang pag-unawa o pagpapahalaga ng kabataan sa baaat ministry bilang tugon sa tawag ng Diyos.

Layunin ng ganitong aktibidad ng ating simbahan, na bigyan ng pagkakataon ang bawat kabataan na mas kilalanin ang Diyos. Ito ay nagsisilbing pagpapatibay ng kanilang paniniwala at pananampalataya upang buong pusong tanggapin ang Diyos.




📢 ANNOUNCEMENTInaanyayahan ang lahat ng kabataan na makiisa sa gaganaping YOUTH MONTHLY FORMATION ng parokya.WHAT: Youth...
09/02/2026

📢 ANNOUNCEMENT

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan na makiisa sa gaganaping YOUTH MONTHLY FORMATION ng parokya.

WHAT: Youth Monthly Formation
WHEN: February 15, 2026, pagkatapos ng Ikalawang Misa
WHERE: HSP Hall
WHO ARE INVITED:
•Youth Ministry
•Youth Choir
•Kabataan mula sa pamayanan
•Squires
•HSP Young Professionals
•HSP Youth Ministry Heads
•Newly Elected Youth Core Team
•Soccom
•KOA
•At lahat ng mga kabataang nagnanais pang dumalo.

Layunin ng pagtitipong ito na palakasin ang samahan, pananampalataya, at aktibong partisipasyon ng kabataan sa mga gawain ng simbahan. Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makibahagi.

Kita-kits, mga ka-youth!
Let's grow, serve and shine together🫶




Happy 6th Diaconal Anniversary, Fr. Dave! Bilang mga kabataan, maraming salamat po sa walang sawang paggabay, pakikinig,...
27/01/2026

Happy 6th Diaconal Anniversary, Fr. Dave!

Bilang mga kabataan, maraming salamat po sa walang sawang paggabay, pakikinig, at pagmamalasakit ninyo sa amin. Salamat sa inyong pagsusumikap na maging mabuting pastol at tunay na halimbawa ng paglilingkod lalo na sa Kabataan Ng Hapag

Nawa’y patuloy kayong palakasin ng Diyos sa inyong misyon, bigyan ng mabuting kalusugan, at punuin ng kagalakan sa bawat kabataang inyong natutulungan at nahahawakan ang buhay.

Patuloy niyo po kaming kasama sa misyon.


𝙹𝚊𝚗 25 | 𝚄𝙽𝙰𝙽𝙶 𝙿𝙰𝙶𝚃𝙸𝚃𝙸𝙿𝙾𝙽 𝙽𝙶 𝙱𝙰𝙶𝙾𝙽𝙶 𝚈𝙾𝚄𝚃𝙷 𝙲𝙾𝚁𝙴 𝚃𝙴𝙰𝙼. Ngayong araw ay nagtipon-tipon ang mga bagong kasapi ng Youth Core ...
25/01/2026

𝙹𝚊𝚗 25 | 𝚄𝙽𝙰𝙽𝙶 𝙿𝙰𝙶𝚃𝙸𝚃𝙸𝙿𝙾𝙽 𝙽𝙶 𝙱𝙰𝙶𝙾𝙽𝙶 𝚈𝙾𝚄𝚃𝙷 𝙲𝙾𝚁𝙴 𝚃𝙴𝙰𝙼.

Ngayong araw ay nagtipon-tipon ang mga bagong kasapi ng Youth Core Team ng Parokya ng Banal na Espiritu para simulan ang kanilang misyon na paglingkuran at palakasin ang mga kabataan sa ating parokya!

Sama-sama silang nag-usap-usap, nagbabahagi ng mga ideya, at nagsimula nang maglatag ng mga programa na magbibigay-daan sa mga kabataan na mas makilahok sa buhay ng simbahan, matuto ng mga aral ng Diyos, at maging mga huwarang mamamayan ng ating simbahan.

Handa na silang harapin ang mga hamon at pagkakataon para palakasin ang ugnayan ng mga kabataan sa Banal na Espiritu at sa isa't isa!




Muling nagtipon ang kabataan ng hapag upang pakinggan ang tawag na nagmumula sa liwanag, isang paanyaya na humakbang pal...
25/01/2026

Muling nagtipon ang kabataan ng hapag upang pakinggan ang tawag na nagmumula sa liwanag, isang paanyaya na humakbang palabas sa nakasanayan at maglakad patungo sa panibagong direksyon. 😇🤍

‎Sa paghubog ng mga prayoridad ngayong taon, natutunan nating pumili nang may pananampalataya at pagtitiwala. Isang simula ng paglalakbay na nakaugat sa pag-asa at paglilingkod. ✨😇



🔥𝚅𝚒𝚟𝚊 𝙿𝚒𝚝 𝚂𝚎ñ𝚘𝚛!🔥 Pasasalamat sa mga kabataan mula sa Holy Spirit Parish Youth Ministry at sa mga piling mag-aaral ng Po...
19/01/2026

🔥𝚅𝚒𝚟𝚊 𝙿𝚒𝚝 𝚂𝚎ñ𝚘𝚛!🔥

Pasasalamat sa mga kabataan mula sa Holy Spirit Parish Youth Ministry at sa mga piling mag-aaral ng Porfirio G. Comia Memorial Elementary School! Sa inyong tapat na pagbabahagi ng inyong mga biyayang talento, ipinakita ninyo ang kagandahan ng paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang Sambayanan. Ang inyong sipag, dedikasyon, at pag-ibig sa Diyos ay magbigay nawa ng kagalakan at inspirasyon sa lahat ng nakasaksi. Maraming salamat sa inyong pag-aalay ng sarili — patuloy ninyong ipagmalaki at palakasin ang mga biyayang ito para sa ikabubuti ng lahat sa tulong ng batang Hesus!

Viva Pit Señor!




Pagbati ng isang maligayang kaarawan para sa aming VF Youth Coordinator, Ate Kiana!! Biyaya ka sa mga kabataan! ✨💛
18/01/2026

Pagbati ng isang maligayang kaarawan para sa aming VF Youth Coordinator, Ate Kiana!! Biyaya ka sa mga kabataan! ✨💛




Maligayang Kaarawan Ate Kiana!

Magpagpala at mabiyayang kaarawan sayo, nawa ay matupad ang lahat ng iyong mga hiling at dalangin!



✨𝔸ℕ𝔾 𝕄𝔾𝔸 𝔹𝔸𝔾𝕆ℕ𝔾 𝕃𝕀ℕ𝔾𝕂𝕆𝔻 𝕂𝔸𝔹𝔸𝕋𝔸𝔸ℕ ℕ𝔾 ℙ𝔸ℝ𝕆𝕂𝕐𝔸 ℕ𝔾 𝔹𝔸ℕ𝔸𝕃 ℕ𝔸 𝔼𝕊ℙ𝕀ℝ𝕀𝕋𝕌✨  Sa gitna ng ating  pananampalataya, may mga kabataang...
17/01/2026

✨𝔸ℕ𝔾 𝕄𝔾𝔸 𝔹𝔸𝔾𝕆ℕ𝔾 𝕃𝕀ℕ𝔾𝕂𝕆𝔻 𝕂𝔸𝔹𝔸𝕋𝔸𝔸ℕ ℕ𝔾 ℙ𝔸ℝ𝕆𝕂𝕐𝔸 ℕ𝔾 𝔹𝔸ℕ𝔸𝕃 ℕ𝔸 𝔼𝕊ℙ𝕀ℝ𝕀𝕋𝕌✨

Sa gitna ng ating pananampalataya, may mga kabataang tagapagdala ng pag-asa at pagbabago – ang mga bagong talagang lingkod kabataan ng Parokya ng Banal na Espiritu!

Hindi lamang sila handang maglaan ng kanilang oras at lakas kundi buong pusong ibinabahagi ang kanilang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa kabataan. Sinusubukan nilang ipakita na ang kabataan ay hindi lamang mga tagasunod kundi mga aktibong kasangkot sa paghubog ng kinabukasan ng ating simbahan at pamayanan. Sa kanilang pananampalataya bilang kanilang pundasyon, hinaharap nila ang mga hamon ng kasalukuyan na may lakas ng loob at pag-asa para sa kinabukasan.

Ang Banal na Espiritu ang kanilang gabay sa bawat hakbang – nagbibigay ng karunungan para maunawaan ang mga pangangailangan ng komunidad, lakas para harapin ang mga pagsubok, at pag-ibig na nag-uugnay sa lahat ng kasapi ng ating parokya. Sila ay patunay na ang kabataan ay may malaking papel sa pagpapalakas ng ating pananampalataya at pagpapabuti ng mundo sa kanilang sariling maliit na paraan.

Isang mapagpalang pagbati at taos-pusong pasasalamat sa inyong dedikasyon at pag-aalay ng inyong sarili.

"Hayaang ipamalas ng Banal na Espiritu ang kanyang lakas sa inyo! Sapagkat siya ang nanirahan sa inyo ay makakapagagawa ng mga bagay na hindi ninyo maisip at hindi ninyo magagawa mag-isa." - Roma 8:11



12/01/2026

Mapagpalang araw po!

Ngayong Linggong ito, inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa mga gawain bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Kapistahan ni Saint Arnold Janssen. Magkakaroon po tayo ng Triduum Mass magmula sa Ika- 12-14 ng Enero sa ating parokya.

Narito po ang buong schedule ng mga gawain

Address

Calapan
5200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agnus Dei VF3 Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share