02/08/2026
🌤 Sunday Morning Worship
Bilang Sermon, nanguna sa harapan si BRO. Philip Nasayao at sa atin ipinaalala kung gaano kahalaga ang pagiging BUHAY sa harap ng ating Panginoon, ipinapakita sa atin na maging tapat tayo, huwag gumawa ng kasalanan at sumunod hindi sa gawa ng sanglinutan bagkus ng ating Diyos. ✨
Romans 6:23
Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin. 🙏🏻
Bilang Bible Study naman, pinangunahan tayo ni BRO. Edwin De Pedro ipinaalala niya naman ang MANAMPALATAYA AT MAGINGAT na ating huwag kalimutan na madaming tukso ang sanglibutan, mga doktrina na hindi naaayon sa Bibliya ay ating iwasan at iwaksi sa ating pamumuhay. 🙌🏻
Colossians 2:16-17
Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath: Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo. 📖