25/05/2026
Mateo 14:22-33 MBBTAG
[22] Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo. Samantala, pinauwi naman niya ang mga tao. [23] Matapos niyang paalisin ang mga ito, mag-isa siyang umakyat sa bundok upang manalangin. Nag-iisa siyang inabutan doon ng gabi. [24] Samantala, ang bangka ay nasa laot na ngunit sinasalpok ito ng mga alon dahil pasalungat ito sa hangin. [25] Nang madaling-araw na'y sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. [26] Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo!” sigaw nila. [27] Ngunit nagsalita agad si Jesus at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, ako ito!” [28] Sinabi ni Pedro, “Panginoon, kung talagang ikaw nga iyan, papuntahin mo ako diyan sa kinaroroonan mo sa ibabaw ng tubig.” [29] Sumagot siya, “Halika.” Mula sa bangka ay lumakad si Pedro sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. [30] Ngunit nang mapansin niya na malakas ang hangin, siya'y natakot at nagsimulang lumubog. “Panginoon, sagipin ninyo ako!” sigaw niya. [31] Agad siyang hinawakan ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi niya kay Pedro. [32] Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin [33] at sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.
Ginhawa sa Labas ng Ginhawa!
Lumilitaw ang problema o takot (fear) natin kapag nadidistract tayo ng mga ingay sa paligid natin. Lalo na kung tayo ay nakakaranas ng storm in life / fear of nature.
Ano ba ang storm in life?
•illness
•opinions of others
•financial breakdown
•relationship failure
•job loss
Kapag tayo ay lumubog, ano ang ating unang reaksyon?
Kanino tayo lalapit?
Sino ang hahanapin natin?
Si Hesus!
Ano ang ginagawa ni Hesus?
> He comes to us
* Jesus encourage
us (Take a heart)
* Jesus affirms
His identity (It is
I)
* Jesus reinforces
Our faith. (Do
not be afraid)
> He affirms us ( Mateo 14:29)
> Jesus rebuke us
(Mateo 14:31)
> Jesus saves us
(Mateo 14:32)
> Jesus presence brings peace
(Mateo 14:33)
Jesus comes with soothing words..."Take heart, it is I, Do not be afraid!"
The message is clear, there is no reason to fear, because Jesus is here!
God bless us all!
Living Word Christian Church - Calamba City
>Please watch preaching of Ptr. Z. Guanzon @ our YouTube Channel
https://www.youtube.com/live/_uaXSBwRbmc?si=us2yT2TJdhYRcrCV