03/06/2025
# Ang Kwento Ng Barbero ( 442 )
# LUMAPIT SA TUBIG NA NAGBIBIGAY BUHAY
# Juan 7:37b Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom.
# Juan 7:40 Sinabi ng ilang nakarinig sa kanya, “Tunay ngang ito ang Propetang hinihintay natin!” 41 “Siya na nga ang Cristo!” sabi naman ng iba. Ngunit may nagsabi rin, “Maaari bang magmula sa Galilea ang Cristo? Di ba hindi? 42 Hindi ba sinasabi sa Kasulatan na ang Cristo ay magmumula sa lipi ni David, at ipanganganak sa Bethlehem na bayan ni David?” 43 Nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa mga tao dahil sa kanya. 44 Gusto ng iba na dakpin siya, ngunit wala namang nangahas na humuli sa kanya.
# Mateo 10:34 Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. 35 Naparito ako upang paglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, at ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. 36 At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay.
# Ang paanyaya ni Jesus ay lumapit sa Kanya ang lahat ng mga nauuhaw upang uminom ng tubig na nagbibigay -buhay.
# Ang paanyaya ni Jesus ay para sa lahat - walang pinipili.
# Ngunit hindi lahat ay tumanggap sa paanyaya.
# May tumanggi.
# Walang pinipili si Jesus,ngunit wala Rin siyang pinipilit.
# Kung tinanggap natin si Jesus, hindi na tayo maaring mabuhay tulad ng dati.
# Magiging iba ang ating pamantayan at mga pinahahalagahan.
# Panginoon, timatanggap Kita bilang Panginoon at Tagapagligtas.