31/05/2024
LAGPIO-FB-0521-2024-01-26
Laguna PNP-PIO
Press Release
Tuesday, May 21, 2024
National Level Most Wanted Person na may kasong 2 Counts of R**e Arestado ng Pulis Calamba
Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang National Level Most Wanted Person sa ikinasang manhunt operation ng pulis Calamba kahapon Mayo 20, 2024.
Kinilala ni PCOL GAUVIN MEL Y UNOS, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas Noel residente ng Calamba City, Laguna.
Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba Component City Police Station (CCPS), nagkasa ang kanilang warrant personnel ng manhunt operation kahapon Mayo 20, 2024 dakong 12:10 ng tanghali sa Brgy. Real, Calamba City, Laguna na nag resulta sa pagkakaaresto ng akusado.
Ikinasa ang nasabing operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region Br.8, Calamba City, Laguna noong Agosto 22, 2018 nahaharap si alyas Noel sa kasong sa R**e (2 Counts) na walang kaukulang piyansa, Acts of Lasciviousness na may piyansang PhP108,000.00 at paglabag sa RA 7610 na may piyansa namang halagang PhP180,000.00.
Samantala, bibigyan ng PhP130,000.00 na pabuya ng pamahalaan ang taong nagbigay ng impormasyon at nagturo sa kinaroonan ng akusado.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CCPS ang arestadong akusado. Agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto nito.
Sa mensahe ni Acting Provincial Director ng Laguna PPO na si PCOL UNOS, "Binibigyang parangal ko ang kapulisan ng Laguna lalo na ang Calamba CCPS sa pagkakaaresto sa akusado na ito na nakatala bilang National level most wanted person. Patuloy ang mga operasyon ng Laguna PNP, hindi namin hahayaan na malayang makagalaw ang mga may pananagutan sa batas pangunahing layunin ng Laguna Pulis na maibigay ang hustisya sa lahat ng naging biktima ng krimen.”