08/10/2026
“But seek first the kingdom of God and His righteousness, and all these things will be added to you.” Matthew 6:33
Notice: SEEK FIRST. Hindi seek money first. Hindi seek people first. Hindi seek another opportunity first. Hindi seek answers first. KUNDI SEEK GOD FIRST.
Kapag may kawalan, ang unang hinahanap natin ay solusyon. Pero tinuturuan tayo ni Hesus na ang unang hanapin ay ang Diyos. Dahil minsan, bago baguhin ng Diyos ang sitwasyon mo, gusto muna Niyang ayusin ang puso mo.
Ang sagot sa kawalan ay hindi laging pera. Hindi laging tao. Hindi laging bagong opportunity. Minsan, ang kailangan mo muna ay ang presensya ng Diyos. Kapag Diyos ang una mong hinahanap, matututuhan mong magtiwala kahit wala ka pang nakikita.
Seek God first. Because when God is your priority, you can trust Him with everything you need.