29/09/2026
Setyembre 29 | ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐ค๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ ๐๐๐ง ๐๐ข๐ ๐ฎ๐๐ฅ, ๐๐๐ง ๐๐๐๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐ญ ๐๐๐ง ๐๐๐๐๐๐ฅ
Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ng tatlong Arkanghel ng Diyos, sina San Mikael, San Gabriel, at San Rafael, mga lingkod at sugo ng Panginoon na nagpapaalala sa atin ng Kanyang kapangyarihan, mensahe, at mapagkalingang presensya.
Nawaโy tularan natin ang kanilang katapatan at pagiging handang maglingkod sa Panginoon. Sa bawat araw, nawaโy maging instrumento rin tayo ng Diyos sa pagdadala ng kabutihan, pag-asa, proteksyon, at pagmamahal sa ating kapwa. Sa pagdiriwang na ito, ating alalahanin na hindi tayo nag iisa sa ating paglalakbay.
Sa pamamagitan ng mga anghel at arkanghel, patuloy tayong pinaaalalahanan ng Diyos na Siya ay gumagabay, nag-iingat, at hindi kailanman lumalayo sa Kanyang mga anak.
PANALANGIN
O Diyos, ipinagkatiwala Mo kina San Mikael, San Gabriel, at San Rafael ang mga natatanging misyon para sa Iyong bayan. Sa kanilang pamamagitan, ipagkaloob Mo sa amin ang lakas upang labanan ang kasamaan, tapang na ipahayag ang Iyong Mabuting Balita, at pusong laging handang tumulong at magpagaling sa aming kapwa. Gabayan Mo kami sa bawat landas na aming tatahakin at ingatan Mo kami sa lahat ng panganib. Nawaโy matuto kaming maglingkod sa Iyo nang may kababaang-loob, katapatan, at buong pagtitiwala. Amen.
San Miguel Arkanghel, ipagtanggol mo kami!
San Gabriel Arkanghel, Gabayan mo kami!
San Rafael Arkanghel, ingatan mo kami!
Tampok sa larawan ang mga Pinipintuhong Imahen ng mga Arkanghel sa ating Diyosesis.
San Miguel - Brgy. Banlic Calamba City
San Gabriel - San Gabriel, San Pablo City
San Rafael - Brgy. Gulod, Cabuyao City
๐ชฝ
๐