27/05/2026
๐ธ๐ MARAMING SALAMAT SA MGA NAPILING REYNA NA TUMUGON SA TAWAG NI MARIA ๐๐ธ
Lubos po ang aming pasasalamat sa mga dalaga at pamilyang buong pusong tumanggap sa paanyaya na maging bahagi ng ating Grand Santa Cruzan 2026. Ang inyong pagtanggap sa korona ay hindi lamang simpleng paglahok sa isang tradisyon, kundi isang banal na pag-aalay ng pananampalataya, pagmamahal, at debosyon sa ating Mahal na Inang Maria.
Sa bawat Reyna ay may kaakibat na kahalagahan, kasaysayan, at misyon na nagbibigay-buhay sa makulay nating tradisyon ng Santa Cruzan. Ang inyong paglahok ay nagsisilbing inspirasyon sa ating komunidad upang mapanatili ang pananampalataya at pagmamahal sa simbahan.
Sa kasalukuyan, mayroon pa pong ilang korona na naghihintay na maputungan at ilang papel na naghihintay na mabigyang-buhay ng mga bagong Reyna na handang maging bahagi ng banal at makasaysayang pagdiriwang na ito.
Kami po ay muling kumakatok sa inyong mabubuting puso โ lalo na sa mga nais mag-alay bilang isang pamilya, magkakaibigan, o personal na debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Ang pagiging isang Reyna sa Santa Cruzan ay hindi lamang tungkol sa kagandahan ng kasuotan, kundi tungkol sa pananampalataya, pakikiisa, at pag-aalay para sa Diyos at sa ating Mahal na Ina.
โจ Maari ka pang maging bahagi ng ating Grand Santa Cruzan 2026!
โจ May mga available slots pa po para sa ilang Tradisyunal na Reyna at Ave Maria Angels.
๐ Ave Maria Angels (1 slot)
๐ Tradisyunal na Reyna
- Reyna Justicia
- Reyna Banderada
- Reyna Mora
- Reyna De La Paz
Nawaโy sama-sama nating buhayin at ipagpatuloy ang makulay at banal na tradisyong ito para sa susunod na henerasyon.
Para sa pagpapalista at iba pang katanungan, makipag-ugnayan lamang po sa ating mga coordinators o dito sa official page ng St. Dominic Savio Chapel. ๐ธ๐