11/11/2021
ITO ANG PINAKAMAHALAGA SA BUHAY NA DAPAT MONG MALAMAN,
-Darating ang panahon, ang lahat sa buhay mo ay magwawakas. Wala ka nang pagsikat at paglubog ng araw na makikita, Lahat ng bagay na iyong pinagtatrabahuhan at pinaghihirapan ay ipapasa at mapupunta lang din sa iba. Ang kayamanan, katanyagan, at kapangyarihang meron ka, balang araw ay mawawalan lahat ng kabuluhan, Maging ang iyong galit, kabiguan, at mga problema ay magkakaroon ng wakas, gayundin naman ang pag asa, ambisyon, at mga plano mo sa buhay ay di na maisasakatuparan at mawawalan na ng saysay. Hindi mahalaga kung saang pamilya ka nagmula o kung ano ang iyong narating sa buhay. Sa bandang huli ikaw man ay matalino o mangmang, abae o lalaki, kahit pa ang kulay ng iyong balat ay mawawalan ng halaga.
"ANO BA ANG BUHAY NA MAY KABULUHAN?"
Paano ba masusukat ang halaga ng iyong araw?
Ang mahalaga ay hindi kung ano ang iyong mga binili, kundi kung ano ang iyong binuo; hindi kung ano ang nakuha mo, Kundi kung ano ang iyong ibinigay. Ang mahalaga ay hindi ang dami o lawak ng iyong natutuhan, kundi kung ano ang itinuro mo at natutuhan ng iba dahil sa'yo. Hindi mahalaga kung gaano ka kagaling, ang mahalaga ay ang iyong karakter. Hindi mahalaga kung gaano karaming mga tao ang nakilala mo, kundi gaano karami ang nakadarama ng iyong pagkawala pagdating ng panahon. Ang mahalaga ay hindi ang iyong mga alaala, kundi ang mga alaalang maiiwan mo sa mga nagmamahal sa iyo. Ngunit ito ang pinakamahalaga sa lahat.
ITO AY ANG MAKILALA AT TANGGAPIN MO ANG PANGINOONG HESUS SA IYONG BUHAY.
Ito ang hindi mo dapat mapalampas habang may buhay ka pa. Ang lahat ng makukuha at maaaring ibigay sa'yo ng mundo ay mananatili lahat sa mundo. Maging ang iyong katawan ay iiwan mo sรก mundo. Dahil hubad kang lumabas mula sa tiyan ng iyong ina, kaya hubad ka ding babalik sa Diyos pagdating ng panahon. Huwag mong pakamahalin ang mga makamundong gawain at ang mga bagay sa mundong ito. Higit kaninuman ang Diyos ang iyong pakamahalin. Pagsisihan mo ang iyong mga kasalanan at magbalik loob ka sa Diyos habang hindi pa huli ang lahat. Ang pamumuhay ng may halaga at makabuluhan ay hindi aksidente. Isa itong pagpili. Kaya piliin mo kung ano ang higit na mahalaga sa buhay. Piliin mong mabuhay na may Diyos na kinikilala at pinaglilingkuran. Dahil sa bandang huli, makamtam mo man ang lahat ng bagay sa mundong ito. Kung wala kang Kristo sa puso ay laging may kulang sa buhay mo. Tanging pag ibig lang ng Diyos ang makapag pupuno at kukumpleto sayo.
Mawawala ang sanlibutan at lahat ng mga bagay na pinagnanasaan ng mga tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.
(1 JUAN 2:17)