The Roman Catholic Parish Church of Saint John the Baptist City of Calamba

The Roman Catholic Parish Church of Saint John the Baptist City of Calamba The OFFICIAL page of the Roman Catholic Parish Church of St. John the Baptist City of Calamba

TINGNAN | Noong Agosto 21, 2026, isinagawa ang Quarterly Formation ng Lectors and Commentators Ministry (LCM) ng Bikarya...
27/08/2026

TINGNAN | Noong Agosto 21, 2026, isinagawa ang Quarterly Formation ng Lectors and Commentators Ministry (LCM) ng Bikaryato ng San Juan Bautista, na dinaluhan ng mga kasapi ng LCM mula sa iba’t ibang parokya na nasasakupan ng Bikaryato.

Naging tagapagsalita sa nasabing programa si Reb. Pd. Jeshreel C. Gonzales, na nagbahagi ng kanyang kaalaman, pagninilay, at paggabay upang higit na mapalalim ang paglilingkod ng mga LCM sa kanilang mahalagang tungkulin sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

Naging higit na makabuluhan at makasaysayan ang pagtitipong ito sapagkat ang ilang parokyang kasalukuyang kabilang sa Bikaryato ng San Juan Bautista ay nakatakdang mapasailalim sa bagong tatag na Bikaryato ng San Jose Manggagawa, simula Agosto 28, 2026.

Sa pagtatapos ng isang kabanata at pagsisimula ng panibagong yugto, ang pagtitipong ito ay naging makabuluhang pagkakataon para sa pagkakaisa, patuloy na paghubog, pagbabahaginan, at pasasalamat sa mga kasapi ng LCM na buong tapat na naglilingkod sa Simbahan at sa sambayanan.

26/08/2026

Miyerkules ng Ikadalawampu't-Isang Linggo sa Karaniwang Panahon
Punong Tagapagdiwang: Reb. Pd. John Eduard San Jose
Agosto 26, 2026 | 5:30 N.H.

𝐂𝐨𝐩𝐲𝐫𝐒𝐠𝐑𝐭 πƒπ’π¬πœπ₯𝐚𝐒𝐦𝐞𝐫: All rights to the original music remain with their respective owners. No copyright infringement is intended.

23/08/2026

PAKINGGAN | Narito ang ilang mga pananalita mula sa nagdiwang ng banal na Misa sa Ikadalawamput-Isang na Linggo sa Karaniwang Panahon, Reb. Mons. Mario Rafael M. Castillo, ating Kura Paroko.

23/08/2026

Ikadalawampu't-Isang Linggo Sa Karaniwang Panahon
Punong Tagapagdiwang: Reb. Mons. Mario Rafael M. Castillo, PC, VF
Agosto 23, 2026 | 5:00 N.H.

𝐂𝐨𝐩𝐲𝐫𝐒𝐠𝐑𝐭 πƒπ’π¬πœπ₯𝐚𝐒𝐦𝐞𝐫: All rights to the original music remain with their respective owners. No copyright infringement is intended.

PAGGUNITA KAY SANTA ROSA NG LIMA, DALAGASEGUNADA PATRONA DE LAS ISLAS FILIPINASβ€œKung alam lamang ng mga tao kung gaano k...
23/08/2026

PAGGUNITA KAY SANTA ROSA NG LIMA, DALAGA
SEGUNADA PATRONA DE LAS ISLAS FILIPINAS

β€œKung alam lamang ng mga tao kung gaano kalaki ang biyayang natatamo sa pagtitiis para sa pag-ibig ng Diyos, wala silang tatangging magdusa.”

Si Santa Rosa ng Lima ang kauna-unahang santa sa Bagong Daigdig (New World - Hilaga at Timog Amerika), at isa sa pintakasi ng Pilipinas. Ang tunay niyang pangalan ay Isabel Flores de Oliva, ngunit tinawag siyang Rosa dahil sa kanyang pambihirang kagandahan at sinasabing ang kanyang mukha ay naging tila isang rosas. Siya ay anak nina Gaspar de Flores at Maria de Oliva. Si Santa Rosa de Lima ay patrona ng: Peru, Latin America, Pilipinas at mga hardinero at nagtatanim ng bulaklak

Mula pa sa kanyang pagkabata, nagpamalas na si Rosa ng kabanalan sa gita ng mga naranasang pagsubok. Sumapi siya sa Orden Tercera ng mga Dominico at nagkaroon siya ng malaking debosyon kay Santa Catherine ng Siena. Sa likod ng kanyang mga banal na gawain, si Rosa ay di nagkulang sa pag-ibig at paggalang sa kanyang mga magulang at kapatid. Namatay ang santa noong 1617.

Panalangin kay Santa Rosa de Lima

O maluwalhating Santa Rosa de Lima, ikaw na nagmahal sa Diyos nang buong puso at naglingkod nang may kababaang-loob sa mga mahihirap at nangangailangan, lumalapit kami sa iyo ngayon upang hingin ang iyong panalangin at pamamagitan.

Turuan mo kaming tularan ang iyong matibay na pananampalataya, kababaang-loob, pagtitiis, at wagas na pagmamahal sa Diyos. Sa gitna ng aming mga pagsubok at suliranin, tulungan mo kaming manatiling matatag at hindi mawalan ng pag-asa.

Ipanalangin mo ang aming mga pamilya, kaibigan, at lahat ng aming minamahal. Hilingin mo sa Panginoon na pagkalooban kami ng mabuting kalusugan, kapayapaan ng puso, karunungan, at lakas upang malampasan ang bawat hamon ng buhay.

Santa Rosa de Lima, ikaw na naging halimbawa ng pag-ibig at paglilingkod sa kapwa, gabayan mo kami upang maging mabuti, mapagkalinga, at handang tumulong sa mga nangangailangan.

Sa pamamagitan ng iyong mga panalangin, nawa’y lalo kaming mapalapit sa Diyos at mamuhay ayon sa Kanyang banal na kalooban.

Santa Rosa de Lima, ipanalangin mo kami.
Amen.

23/08/2026

Ikadalawampu't-Isang Linggo Sa Karaniwang Panahon
Punong Tagapagdiwang: Reb. Mons. Mario Rafael M. Castillo, PC, VF
Agosto 23, 2026 | 10:00 N.U.

𝐂𝐨𝐩𝐲𝐫𝐒𝐠𝐑𝐭 πƒπ’π¬πœπ₯𝐚𝐒𝐦𝐞𝐫: All rights to the original music remain with their respective owners. No copyright infringement is intended.

ANG PAGKA-REYNA NG MAHAL NA BIRHENAyon sa bagong kalendaryo ng Simbahan, ngayon ay araw ng "Pagka-reyna ng Mahal na Birh...
22/08/2026

ANG PAGKA-REYNA NG MAHAL NA BIRHEN

Ayon sa bagong kalendaryo ng Simbahan, ngayon ay araw ng "Pagka-reyna ng Mahal na Birhen Maria” . Inilipat ang pagdiriwang sa Agosto 22 pagkatapos ng repormang pangkalendaryo ng Simbahan noong 1969, upang ito ay ipagdiwang walong araw matapos ang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birhen noong Agosto 15.

Noong 1942, inihandog ni Papa Pio XII ang sangkatauhan sa Kalinis-linisang Puso ni Maria, at pagkaraa' y ipinag-utos ang pagdiriwang ng pistang ito sa buong daigdig (1944).

Kinikilala natin si Maria bilang Reyna ng Langit at Lupa sapagkat siya ang Ina ni Jesucristo, ang Hari ng sansinukob. Ngunit ang kanyang pagiging Reyna ay hindi tulad ng makamundong paghahari. Siya ay Reyna dahil sa kanyang kababaang-loob, pananampalataya, pagsunod sa kalooban ng Diyos, at pagmamahal sa kanyang mga anak.

Matapos ang kanyang pag-akyat sa langit, ang Mahal na Birhen ay pinarangalan ng kanyang Anak bilang Reyna ng Langit. Bilang isang mapagmahal na Ina, patuloy siyang namamagitan at gumagabay sa mga taong lumalapit sa kanya.

Panalangin sa Mahal na Birheng Maria, Reyna ng Langit at Lupa

O Mahal na Birheng Maria, aming Ina at Reyna, lumalapit kami sa iyo nang may pusong mapagkumbaba at puno ng pagtitiwala. Ikaw na hinirang ng Diyos at itinaas bilang Reyna ng Langit at Lupa, gabayan mo kami sa aming paglalakbay sa buhay.

Turuan mo kaming tularan ang iyong pananampalataya, kababaang-loob, at lubos na pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ilapit mo kami sa iyong Anak na si Hesus, upang manatili kaming tapat sa Kanya sa lahat ng panahon.

Mahal na Birheng Maria, Reyna ng Langit at Lupa, ingatan mo kami, ang aming pamilya, at ang buong mundo.

Maria, aming Ina at Reyna, ipanalangin mo kami.
Amen.

Kapistahan ni Santa ElenaSi Santa Elena ay binigyan ng karapatan ng kanyang anak na si Emperador Constantine na gamitin ...
18/08/2026

Kapistahan ni Santa Elena

Si Santa Elena ay binigyan ng karapatan ng kanyang anak na si Emperador Constantine na gamitin ang kaban ng Imperyo upang hanapin ang mga relikya ng mga sinaunang Kristiyano.
Naglakbay siya sa Syria, Palestine, at Jerusalem. Sa kanyang paghahanap, natagpuan niya ang tunay na krus ni Jesus.
Nang magbalik siya sa Roma noong taong 327, dinala niya ang malaking bahagi ng tunay na krus ni Jesus at inilagak Ito sa kanyang pribadong kapilya sa palasyo. Sa ngayon ang kapilyang iyon ay ginawa nang Basilika ng Banal na Krus ng Jerusalem at pinangangalagaan ng mga mongheng
Cisterciano.

Hindi lamang siya nakilala dahil sa kanyang katayuan bilang ina ng emperador. Sa tradisyon ng Simbahan, siya ay isang halimbawa ng isang taong ginamit ang kanyang yaman at impluwensiya upang maglingkod sa Diyos at sa mga nangangailangan.

Pumanaw si Santa Elena noong taong 330, humigit kumulang.

Panalangin kay Santa Elena

O Mahal na Santa Elena,
tapat na lingkod ng Diyos at mapagmahal na ina, tinularan mo ang pagsunod at matibay na pananampalataya kay Hesukristo.

Tulungan mo akong manatiling matatag sa gitna ng mga pagsubok. Kapag ako ay nanghihina, bigyan mo ako ng lakas. Kapag ako ay nag-aalala, ipagkaloob mo sa akin ang kapayapaan. Kapag ako ay naliligaw ng landas, akayin mo ako patungo kay Hesus.

Santa Elena, tulad ng iyong paghahanap sa Banal na Krus, tulungan mo akong laging hanapin ang kalooban ng Diyos at yakapin ang aking mga krus nang may pananampalataya at pag-asa.

Ipanalangin mo ang aking pamilya, ang aking mga mahal sa buhay, at lahat ng aking mga kahilingan.

Nawa’y sa iyong pamamagitan, manatili akong tapat sa Diyos at mamuhay nang may pagmamahal, kababaang-loob, at pagtitiwala.

Santa Elena, ng Banal na Krus, ipanalangin mo kami.

Amen.

KAPISTAHAN NI SANTA CLARA DE MONTEFALCOβ€œAng puso na tunay na umiibig kay Kristo ay handang magtiis at manatiling tapat s...
17/08/2026

KAPISTAHAN NI SANTA CLARA DE MONTEFALCO

β€œAng puso na tunay na umiibig kay Kristo ay handang magtiis at manatiling tapat sa Kanya.”

Sa araw na ito ay ipinagdiwang ang masayang kamatayan ni Santa Clara noong 1308 sa bayan ng Montefalco sa hilagang Italya, malapit sa Trieste. Siya ay isang Italyanong madre at mistika ng Orden ni San Agustin. Siya ay kilala sa kanyang malalim na debosyon sa Pasyon ni Kristo at sa kanyang matinding pag-ibig sa Banal na Krus.

So gulang na anim na taon ay sumapi siya sa samahan ng Orden Tercera ni San Francisco ng Assisi, sa ilalim ng pamumuno ng kanyang kapatid na si Juana. Nang magdesisyon ang mga kasapi na bumuo ng komunidad at mamuhay nang sama-sama sa pananalangin at pagpapakasakit, binigyan sila ng obispo ng Spoleto ng mga altuntunin na ayon sa mga Agustino. Ang unang kumbentong itinatag noong 1290 ay pinamunuan ni Santa Clara nang mamatay ang kanyang kapatid na si Juana.

Nabuhay na uliran sa lahat ng bagay si Santa Clara-sa pagsunod sa mga tungkulin sa kumbento, sa pag-iingat ng katahimikan, sa pagpapakasakit at sa pananalangin.
Nang mamatay ang santa, natagpuang nakalarawan sa kanyang puso ang krus ng Panginoon at ang ibang mga kasangkapan na ginamit sa pagpapahirap sa Panginoong Jesucristo. Hanggang ngayon, makikita pa ang bangkay ng santa na di nabubulok at ang kanyang puso sa bayan ng Montefalco.

Namatay siya noong Agosto 17, 1308. Ipinahayag siyang banal ni Papa Leo XIII noong 1881.

Panalangin kay Santa Clara ng Montefalco

Mahal na Santa Clara ng Montefalco, tapat na lingkod ni Hesukristo at masugid na tagasunod ng Banal na Krus, idulog mo sa Diyos ang aming mga panalangin.

Tulungan mo kaming magkaroon ng matatag na pananampalataya, mapagpakumbabang puso, at pusong laging umiibig kay Hesus. Sa panahon ng aming mga pagsubok at pangamba, turuan mo kaming magtiwala sa Diyos at huwag mawalan ng pag-asa.

Santa Clara, ipanalangin mo kami at ang aming mga mahal sa buhay. Ihingi mo sa Panginoon ang aming mga pangangailangan, kalakasan sa mga pagsubok, kapayapaan ng puso, at biyayang mamuhay ayon sa Kanyang banal na kalooban.

Santa Clara ng Montefalco, ipanalangin mo kami.
Amen.

16/08/2026

Ika-Dalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon
Punong Tagapagdiwang: Reb. Mons. Mario Rafael M. Castillo
Agosto 16, 2026 | 5:00 N.H.

𝐂𝐨𝐩𝐲𝐫𝐒𝐠𝐑𝐭 πƒπ’π¬πœπ₯𝐚𝐒𝐦𝐞𝐫: All rights to the original music remain with their respective owners. No copyright infringement is intended.

Address

Jose P. Rizal Street
Calamba
4027

Telephone

+639173039402

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Roman Catholic Parish Church of Saint John the Baptist City of Calamba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to The Roman Catholic Parish Church of Saint John the Baptist City of Calamba:

Shortcuts

Share