22/05/2026
Madalas akala natin na kaya nating lumakad kay God nang tayo lang. Na sapat na ang “ako at si Lord.” Pero makikita natin sa Scripture na hindi dinisenyo ng Diyos ang buhay natin para mamuhay nang mag-isa.
Kahit si Adan, bago pa man pumasok ang kasalanan sa mundo, sinabi ng Diyos: “Hindi mabuti na ang tao ay mag-isa.” Ibig sabihin, even in a perfect environment, nakita ng Diyos na kailangan natin ng relationship, connection, at companionship.
At kahit si Jesus—na kayang gumawa ng miracles, mag-heal, at gawin ang ministry nang mag-isa—pinili pa rin Niyang magkaroon ng 12 disciples. Bakit? Dahil may wisdom sa fellowship. May growth sa community. May strength kapag may mga taong kasama mong lumalakad sa pananampalataya.
Walang faith na tunay na lumalago sa isolation. Kapag palagi nating inilalayo ang sarili natin sa mga taong makakatulong sa spiritual growth natin, mas nagiging madali tayong mapagod, mawalan ng apoy, at manlamig spiritually.
Kaya naglalagay ang Diyos ng mga tao sa buhay natin—mga kapatid sa faith, leaders, friends, at mentors—not to control us, but to help us grow, heal, stand up again, at mas mapalapit sa Kanya. May mga pagkakataon na ginagamit ng Diyos ang encouragement, correction, prayers, at presence ng ibang tao para palakasin tayo sa mga panahong mahina tayo.
Hindi aksidente ang godly connections. Minsan, sila ang isa sa mga paraan ng Diyos para i-remind tayo na hindi natin kailangang lumaban mag-isa.
📖 “Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.” — Galacia 6:2
Umlc_calamba