15/06/2026
Buong galak po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng 𝐌𝐢𝐬𝐚 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐧𝐚𝐫𝐲𝐨 bilang paghahanda sa ika-247 taong Kapistahan ng Parokya ni San Juan Bautista, ang ating minamahal na patron, na may temang: “𝘒𝘢𝘺 𝘚𝘢𝘯 𝘑𝘶𝘢𝘯, 𝘛𝘢𝘺𝘰’𝘺 𝘓𝘶𝘮𝘶𝘴𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘛𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘛𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘗𝘢𝘨𝘵𝘶𝘨𝘰𝘯.” Tulad ni San Juan Bautista, nawa’y matutunan din nating tumugon nang may kababaang-loob, katapatan, at buong pagtitiwala sa tawag ng Diyos sa ating buhay.
Sa loob ng siyam na araw ng panalangin at banal na pagdiriwang, sama-sama nating ihahandog ang ating pasasalamat, mga panalangin, at mga intensyon sa Panginoon. Inaanyayahan po namin ang bawat isa na makiisa sa Misa Nobenaryo mula Hunyo 15–23, 2026, ganap na 5:30 ng hapon.
San Juan Bautista, ipanalangin mo kami!