25/11/2025
| Pinasasalamatan natin ang ating kapatid sa pananampalataya at anak ng Calamba Evangelical Church na si Atty. Noel M. Capulong Jr. sa mapanghamong mensahe na siyang nagbigay inspirasyon sa bawat kaanib ng ating iglesia upang muli't muli ay balikan at sariwain ang layunin ng ating pananampatayang kinagisnan, ang pananampalatayang UCCP.
Sa ika-114 taong pagkakatagtag ng ating sambahayan dito sa dako ng Calamba, tunay nga na naging saksi ang tayo sa mga dagok at hirap, gayun din sa mga katagumpayan ng ating komunidad na patuloy na isinasabuhay ang misyon ng Diyos para sa atin.
Dalangin natin na hanggang sa makamtan natin ang Bagong Langit at Lupa na kaloob ng Diyos, manatili tayong isang sambahayang matatag sa pananampalataya, makatarungan sa lahat ng bagay, at mapangyakap sa ating kapuwa sa lahat ng panahon.
Mabuhay ang UCCP! Mabuhay ang UCCP Calamba Evangelical Church!
Muli nating balikan ang Mensahe sa Salitang ibinahagi ni Atty. Noel: https://www.youtube.com/live/vR4hZ2_tqFs?si=CjiVhnOkTQ-d3A75&t=6479