03/06/2020
THE NEW NORMAL | THE NEW MHCP MAYAPA
Mga Minamahal na Kaparokya,
Bilang pagsunod sa mga pagtatakda ng gobyerno, 10 katao lamang ang makapagsisimba sa ilalim ng GCQ. Sa ilalim naman ng MGCQ, maaring magsimba ang 65 lang na katao sa MHCP.
Tandaan edad 21 hanggang 59 na taong gulang lamang ang maaring lumabas ng bahay sa ilalim ng GCQ. Iwasan pong lumabas ng bahay kung kayo ay senior citizen, menor de edad, sakitin, o mahina ang pangangatawan.
Alang-alang sa mga hindi makadadalo, ipagpapatuloy ang livestreaming ng mga pagmimisa at gawaing simbahan na matutunghayan sa ating FB page ONLINE MHCP MAYAPA.
Upang makontrol ang bilang ng magsisimba, hinihiling naming kayo'y magparegister para sa pagsisimba. Upang magpalista, maaring pumunta o tumawag sa opisina ng simbahan, o kaya nama'y mag-send ng message sa ating FB page ONLINE MHCP MAYAPA. Ilagay ang araw at oras ng misang nais daluhan.
Simula June 5, 2020 (First Friday), ang mga misa araw-araw ay ika-11 ng umaga, ika-3 ng hapon at ika-6 ng gabi. Ang mga misa tuwing Linggo ay ika-7:30 ng umaga, ika-11 ng umaga, ika-4:00 ng hapon at ika-6 ng gabi.
Mangyaring maghintay ng confirmation mula sa amin kung kayo'y ganap na nailista upang makapagsimba sa araw na inyong pinili.
Parish Office Schedule
Tuesdays, Wednesdays and Thursdays
10:00am to 2:00pm
Sundays (starting MGCQ)
9:00am to 11:00am
Mobile number: 0922.817.5628 / 0966.215.7812
Maraming Salamat Kaparokya!