St. Joseph the Worker Parish - Canlubang

Directions Website Contact the place of worship

St. Joseph the Worker Parish - Canlubang Official page of St. Joseph the Worker Parish Canlubang

04/10/2026

Oktubre 4. 026 | 2:00 pm
Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Para sa mga donasyon sa pagpapatayo ng ating bagong simbahan, maaari po kayong magpadala via BDO. Narito po ang account number ng pagdadalhan:
Banco de Oro
Account Name: The Roman Catholic Bishop of San Pablo, Inc. - Canlubang
Acct Number: 007718009363

Para naman sa mga katanungan, maaaring tumawag sa ating Parish Office sa numerong: (049)-503-5596. Bukas naman ang opisina mula Martes hanggang Linggo, 8:00 AM hanggang 5:00 PM (12:00 NN to 2:00 PM ay lunch break).
Maraming salamat po!




SJWP Tektōn Social Communications Commission

Inaanyayahan ang lahat na dumalo ng Misa Pasasalamat ng Bagong Tatag na Bikaryato ni St. Joseph the Worker. Ito ay gagan...
04/10/2026

Inaanyayahan ang lahat na dumalo ng Misa Pasasalamat ng Bagong Tatag na Bikaryato ni St. Joseph the Worker. Ito ay gaganapin sa ika-6 ng Oktubre, sa St. Joseph the Worker Parish Canlubang. Ito ay sisimulan ng Banal na Rosaryo sa ika-3 ng hapon(3:00PM), susundan ng Holy Hour(4:00PM), at magwawakas sa Banal na Misa(5:00PM).

Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa sa gawaing ito.

Maraming salamat po.






SJWP Tektōn Social Communications Commission

03/10/2026

TGEN Sunday with Bishop Junie
Episode 27
October 04, 2026 | Twenty-Seventh Sunday in Ordinary Time
Mateo 21 : 33 - 43
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: “Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito’y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayun din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha’y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila’y nag-usap-usap: ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin nang mapasaatin ang kanyang mamanahin. Kaya’t siya’y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.
“Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamang iyon?” Sumagot sila, “Lilipunin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.” Tinanong sila ni Hesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?
‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
at ito’y kahanga-hanga!’
Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat.
_____
Ang “TGEN” (The Good ErmitaNews) ay isang online evangelization program ng Diyosesis ng San Pablo, sa pamamagitan ng Diocesan Commission on Social Communications, na naglalayon na ipalaganap ang aral ng Mabuting Balita sa tulong ng makabagong teknolohiya. Ang bawat episode ay available everyday at 6:00 AM.


Bilang paggunita kay St. Francis of Assisi, magkakaroon po ng "Blessing of Pets" sa ating parokya.Si St. Francis of Assi...
03/10/2026

Bilang paggunita kay St. Francis of Assisi, magkakaroon po ng "Blessing of Pets" sa ating parokya.

Si St. Francis of Assisi ay kilala sa pagmamahal at pagbibigay respeto nya sa kapaligiran, kalikasan, o hayop man. Kilala din sya sa pamumuhay ng payak at kawanggawa.

Bilang pagkilala, inaanyayahan ang lahat sa mga Banal na Misa para ganapin ang "Blessing of Pets", narito ang mass schedule:
October 4, 2026 - 8:00AM | 10:00AM

Maraming salamat po.





SJWP Tektōn Social Communications Commission

03/10/2026

TGEN Daily
October 03 2026 | Saturday
with Fr. JO de Luna
Lucas 10 : 17 - 24
Noong panahong iyon, bumalik na tuwang-tuwa ang pitumpu’t dalawa. “Panginoon,” sabi nila, “kahit po ang mga demonyo ay sumusunod kapag inutusan namin, sa ngalan ninyo.” Sumagot si Hesus, “Nakita ko ang pagkahulog ni Satanas mula sa langit – parang kidlat. Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at yumurak sa kapangyarihan ng kaaway. Walang makapipinsala sa inyo. Gayunman, magalak kayo, hindi dahil sa suko sa inyo ang masasamang espiritu kundi dahil sa nakatala sa langit ang pangalan ninyo.”
Nang oras ding iyon, si Hesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang kalooba’y tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayun ang ikinalulugod mo.”
“Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.”
Humarap si Hesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba: “Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon! Sinasabi ko sa inyo maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan.”
______
Ang “TGEN” (The Good ErmitaNews) ay isang online evangelization program ng Diyosesis ng San Pablo, sa pamamagitan ng Diocesan Commission on Social Communications, na naglalayon na ipalaganap ang aral ng Mabuting Balita sa tulong ng makabagong teknolohiya. Ang bawat episode ay available everyday at 6:00 AM.


27/09/2026

Septyembre 27, 2026 | 2:00 pm
Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Para sa mga donasyon sa pagpapatayo ng ating bagong simbahan, maaari po kayong magpadala via BDO. Narito po ang account number ng pagdadalhan:
Banco de Oro
Account Name: The Roman Catholic Bishop of San Pablo, Inc. - Canlubang
Acct Number: 007718009363

Para naman sa mga katanungan, maaaring tumawag sa ating Parish Office sa numerong: (049)-503-5596. Bukas naman ang opisina mula Martes hanggang Linggo, 8:00 AM hanggang 5:00 PM (12:00 NN to 2:00 PM ay lunch break).
Maraming salamat po!




SJWP Tektōn Social Communications Commission

24/09/2026
24/09/2026

Lusong! Official Music Video
Watch the official music video (MV) of “Lusong,” the theme song of the ongoing Diocesan Synodal Pastoral Planning (DSPP), launched today during the monthly assembly of the diocesan clergy in Pagsanjan.
The MV is a collaborative production of various parish Social Communications Commissions under the supervision of the Diocesan Commission on Social Communications (DCSC).
Featured in the MV are the Laguna de Bay, San Pablo Cathedral, and Marian images associated with the DSPP, as well as a dance animation performed by the youth of San Pablo Cathedral and Chair of St. Peter Parish.
The MV aims to promote the DSPP theme song throughout the diocese and, in turn, inspire the faithful to participate more actively in the synodal pastoral planning process.
The DCSC will soon release a lyric video and dance animation video of the song for the use of the faithful.

23/09/2026

Video Highlight | Clergy Retreat 2026 - Day 3

Address

St. Joseph The Worker Parish, Canlubang
Calamba
4028

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Joseph the Worker Parish - Canlubang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Joseph the Worker Parish - Canlubang:

Shortcuts

Share