𝙺.𝙳𝙹𝙲𝙲 πšˆπ™Ύπš„πšƒπ™· π™Όπ™Έπ™½π™Έπš‚πšƒπšπšˆ

  • Home
  • Philippines
  • Calamba
  • 𝙺.𝙳𝙹𝙲𝙲 πšˆπ™Ύπš„πšƒπ™· π™Όπ™Έπ™½π™Έπš‚πšƒπšπšˆ

𝙺.𝙳𝙹𝙲𝙲 πšˆπ™Ύπš„πšƒπ™· π™Όπ™Έπ™½π™Έπš‚πšƒπšπšˆ This is the official page of Youth Ministry under K. Disciples of Jesus Christ Church.

1 Timoteo 4:12 ΒΉΒ² Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa...
11/01/2022

1 Timoteo 4:12
ΒΉΒ² Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.

27/02/2021

Come and join us as we worship and know the Lord deeper through His words.

Hindi ka lang basta "youth lang", pag-asa ka ng Lord sa generation na ito.

Ano pang hinihintay mo? Arat na kapatid🀍🀎

Youth Fellowship starts at 2pm, Sunday, Feb. 28, 2021
Oops, hwag ka nang ma-late, baka may naghihintay na kung anoπŸ€” please, be there before the call timeπŸ₯°
Front of B15, mainroad, brgy. Kay-Anlog.

Don't forget to wear your mask.
Health protocols will be strictly observed.

See you!πŸ₯°

08/12/2020

Ngayon ka pa ba susuko?

You might be thinking on giving up right now because you've failed or it’s too heavy and painful, but God doesn't want you to stop or give up, He wants you to continue to pursue Him.

If you’re feeling weak and weary, all you have to do is "Go back" to Him. He knows you can surpass it. He will finish what He started.

Finish this year strong.

08/12/2020
02/08/2020

4 NA TUNTUNING ESPIRITWAL

Kung paanong may batas na pisikal na sinusunod ang daigdig, gayon din naman, may mga tuntuning espirituwal na may kinalaman sa iyong kaugnayan sa Diyos.

1. INIIBIG ka ng Diyos at Siya'y may magandang PLANO sa iyong buhay.

ANG PAG-IBIG NG DIYOS
"Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sa Kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." (Juan 3:16)

ANG PLANO NG DIYOS
[Si Cristo ang nagsasalita] "Ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito." (Juan 10:10 )
Bakit ang karamihan ay hindi nakararanas ng masaganang buhay?
Sapagka't...

2. Ang tao ay MAKASALANAN at NAHIWALAY sa Diyos, kaya't hindi niya maaaring malaman at maranasan ang pag-ibig at plano ng Diyos sa kanyang buhay.

ANG TAO AY MAKASALANAN
"Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos" (Mga Taga-Roma 3:23).
Ang tao ay nilikha upang makasama ng Diyos, subali't ayaw niyang pasakop sa Diyos. Humiwalay siya ng daan, na ikinasira ng p**ikisama niya sa Diyos. Ang katigasang ito ng tao na nakikilala sa tahasang pagsuway o pagwawalang bahala ay nagpapatunay sa tinatawag ng Bibliya na kasalanan.

NAHIWALAY ANG TAO SA DIYOS
"Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (espirituwal na pagkahiwalay sa Diyos) (Mga Taga-Roma 6:23).
Isipin natin ang langit at ang lupa. Ang mga tao ay nasa lupa at kapag tumingala ka, minsan maiisip mo na abutin ang langit. Paano mo ba ito maaabot? Gagawa ang tao ng paraan upang maabot ang langit. Kaya mayroong mga space rockets, airplanes, at hot air baloons. Pero kapag ginawa ito ng tao, sumakay tayo sa mga sasakyang ito, hindi pa rin natin maabot ang langit. Walang katapusan ang langit. Walang dulo.
Inilalarawan dito na banal ang Diyos at makasalanan ang tao, at sila ay magkahiwalay. Ang langit ay ang Diyos. At ang mga sasakyang panghimpapawid ang mga paraang ginagawa ng tao para mapalapit sa Diyos. Patuloy na nagsisikap ang tao na maabot ang Diyos at ang masaganang buhay sa pamamagitan ng kaniyang sariling paraan, tulad ng mabuting pamumuhay, mabuting kaugalian, pilosopiya o relihiyon.
Kung ganoon, ano ang paraan upang matugunan ang suliranin ng tao....

3. Si Jesus-Cristo ang TANGING lunas sa kasalanan ng tao. Sa pamamagitan Niya ay malalaman mo ang pag-ibig at plano ng Diyos sa iyong buhay.

NAMATAY SIYA PARA SA ATIN
"Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin" (Mga Taga-Roma 5:8).

NABUHAY SIYANG MULI
"Si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan... At Siya'y inilibing, at muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan; At Siya'y nagp**ita kay Pedro, saka sa labindalawa. Pagkatapos ay nagp**ita sa mahigit na limang daang kapatid…" (1 Corinto 15:3-6).

SIYA ANG TANGING DAAN PATUNGO SA DIYOS
"Sinabi sa kaniya ni Jesus, 'Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinuman ay di makapaparoon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko'" (Juan 14:6).
Inilalarawan dito na nilutas ng Diyos ang pagkakahiwalay natin sa Kanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak na si Jesu-Cristo upang mamatay sa krus para sa kabayaran ng ating mga kasalanan.
Pagkatapos malaman ito, anong gagawin natin?

4. Kinakailangan nating TANGGAPIN si Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas at Panginoon; saka lamang natin malalaman at mararanasan ang pagibig at plano ng Diyos sa ating buhay.

ANG PANGANGAILANGAN NG PAGTANGGAP KAY CRISTO
"Datapwat ang lahat ng sa Kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos, samakatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa Kanyang pangalan." (Juan 1:12)

ANG PAGTANGGAP KAY CRISTO AY SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA
"Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmapuri" (Efeso 2:8,9).

ANG PAGTANGGAP KAY CRISTO AY SA PAMAMAGITAN NG PAANYAYANG PERSONAL
(Si Cristo ang nagsasalita): "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya" (Pahayag 3:20).
Ang pagtanggap kay Cristo ay nangangailangan ng pagbabalik-loob sa Diyos (pagsisisi) at pagtitiwala kay Cristo na papasok sa ating buhay, magpapatawad sa ating mga kasalanan at babaguhin ang ating buhay ayon sa Kanyang kalooban. Ang malaman lamang o sumangayon na si Jesu-Cristo ay ang Anak ng Diyos at Siya'y namatay sa krus para sa ating mga kasalanan ay hindi sapat. Hindi rin sapat ang magkaroon lamang ng emosyonal na karanasan. Ang pagtanggap kay Jesu-Cristo ay sa pamamagitan ng pananampalataya, isang kapasiyahan ng kalooban.
Anong buhay ang gusto mong magkaroon ka? Buhay na pinaghaharian ng sarili o Buhay na pinaghaharian ni Cristo

SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA, MAAARI MONG TANGGAPIN SI CRISTO NGAYON DIN SA PANANALANGIN.
(Ang panalangin ay p**ikipag-usap sa Diyos) Alam ng Diyos ang katayuan ng iyong puso at hindi Niya pinapansin ang paraan ng pagsasalita kundi ang nilalaman ng iyong puso.
Sabay-sabay tayong manalangin.
Panginoong Jesus, kailangan Kita. Salamat sa pagkamatay Mo sa krus para sa aking mga kasalanan, Binubuksan ko ang aking puso at tinatanggap Kita bilang aking Tagapagligtas at Panginoon. Salamat po sa pagpapatawad Mo sa aking mga kasalanan. Ikaw po ang maghari sa trono ng aking buhay. Gawin Mo po akong isang taong namumuhay ayon sa lyong kalooban. Amen.
Ang panalangin bang ito ang nais ng iyong puso?
Kung gayon nga, idalangin ito ngayon din at si Cristo'y papasok sa iyong buhay, tulad ng Kanyang ipinangako.

PAANO MALALAMAN NA SI CRISTO'Y NASA ATING BUHAY
Tinanggap mo ba si Cristo sa iyong buhay? Sang-ayon sa Kanyang pangako sa Pahayag 3:20, nasaan na si Cristo ngayon? Sinabi ni Cristo na papasok siya sa iyong buhay. Magsisinungaling ba Siya sa iyo?
Paano mo nalaman na sinagot ng Diyos ang iyong panalangin? (Ang katapatan ng Diyos at ng Kanyang Salita ang katunayan. Tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako.)

IPINANGANGAKO NG BIBLIYA ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN SA LAHAT NG TATANGGAP KAY CRISTO
"At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa Kaniyang Anak. Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; (gayon din) ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay. Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong malaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan" (1 Juan 5:11-13).
Pasalamatan mong lagi ang Diyos na si Cristo'y nasa iyong buhay at hindi ka Niya iiwan (Hebreo 13:5). Malalaman mo sa pamamagitan ng Kanyang pangako na si Cristo'y nananahan sa iyo at ikaw ay may buhay na walang hanggan, mula nang Siya'y papasukin mo sa iyong buhay. Hindi ka Niya dadayain.
Isang mahalagang paalala…

HUWAG UMASA SA PAKIRAMDAM
Ang pangako ng Salita ng Diyos at hindi ang ating p**iramdam ang ating batayan. Ang Kristiyano ay nabubuhay sa pananampalataya (pagtitiwala) sa Diyos at sa Kanyang Salita. Isipin natin ang isang trak at ang treyler (hinihila ng trak) at ang gasolina. Ang trak ay naglalarawan ng kaugnayan ng katotohanan (Diyos at ang Kanyang Salita), ang gasolina ang naglalarawan sa pananampalataya (ang ating pagtitiwala sa Kanya at sa Bibliya) at ang treyler ang naglalarawan sa p**iramdam o β€œfeelings” (ang bunga ng ating pagtitiwala at pagsunod) (Juan 14:21).
Ang trak ay tatakbo kahit wala ang treyler. Subalit ito'y hindi maaaring tumakbo kung treyler ang hihila. Katulad din nito, ang isang Kristiyano na hindi umaasa sa p**iramdam o emosyon, kundi ang pagtitiwala niya ay sa Diyos at sa mga pangako ng Kanyang Salita.

NGAYONG TINANGGAP MO NA SI CRISTO
Sa sandaling tinanggap mo si Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya, maraming bagay ang nangyari, kasama ang mga sumusunod:
1. Si Cristo ay pumasok sa iyong buhay (Pahayag 3:20 at Colosas 1:27).
2. Pinatawad na ang iyong mga kasalanan (Colosas1:14; 2:13).
3. Ikaw ay naging anak ng Diyos (Juan 1:12).
4. Ikaw ay nagkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 5:24).
5. Nagsimula ka nang mamuhay sang-ayon sa kalooban ng Diyos (Juan 10:10; 2 Corinto 5:17 at 1 Tesalonica 5:18).
Mayroon pa bang ibang bagay na hihigit pa kaysa pagtanggap kay Cristo? Nais mo bang pasalamatan ang Diyos ngayon din dahil sa ginawa Niya sa iyo? Sa pagpapasalamat mo sa Diyos, pinatutunayan mo ang iyong pananampalataya.

19/07/2020

Jesus Christ is
our Healer.
Drop your Amen!

06/07/2020

ANNOUNCEMENT:

Cell group leaders p**i add po dito ang inyong mga cell group members.. Please make sure na official account or currently in use account nila ang ia-add ninyo rito.. thank you

A church must grow larger and smaller at the same time. Larger through worship and smaller through small groups. Let's r...
06/07/2020

A church must grow larger and smaller at the same time. Larger through worship and smaller through small groups. Let's remind ourselves that the great small groups celebrate success, suffer with one another, and expect God to do more than they can do themselves. Godbless and keep safe everyone!

Address

Southville 6, Brgy. Kay-Anlog
Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 𝙺.𝙳𝙹𝙲𝙲 πšˆπ™Ύπš„πšƒπ™· π™Όπ™Έπ™½π™Έπš‚πšƒπšπšˆ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share