01/06/2026
πΉπ TAOS-PUSONG PASASALAMAT ππΉ
Nagpapasalamat po kami sa ating Panginoong Diyos at sa Mahal na Birheng Maria sa matagumpay na pagdaraos ng Tapusan at Pagpupugay sa Mahal na Birheng Maria ngayong huling araw ng Mayo.
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at dumalo sa Banal na Misa at Prusisyon. Ang inyong presensya at pakikibahagi ay naging patunay ng ating matatag na pananampalataya, pagmamahalan, at pagkakaisa bilang isang pamayanang Kristiyano.
Maraming salamat po sa mga pamilyang nagpamisa sa buong buwan ng Mayo, sa mga batang at kabataang masigasig na nakilahok sa Flores de Mayo, sa mga naghandog ng mga bulaklak at iba pang tulong, sa mga nagsilbing tagapaglingkod sa ating pagdiriwang, at sa lahat ng ating mga kanayon na buong pusong nakiisa sa gawaing ito.
Sa bawat panalangin, sakripisyo, oras, at suporta na inyong ibinahagi, naging mas makahulugan at matagumpay ang ating pag-aalay ng pasasalamat at debosyon sa ating Mahal na Ina.
Nawa'y patuloy tayong gabayan ng ating Panginoon at pagkalooban ng masaganang biyaya ang bawat pamilya. Hiling namin na manatiling buhay sa ating mga puso ang pagmamahal kay Maria at ang pagkakaisang ating ipinamalas sa pagdiriwang na ito.
Muli, mula sa aming puso, maraming maraming salamat po sa inyong lahat.
πΉ Ave Maria!
βͺ Viva Birheng Maria!
π Viva ang Sambayanang Kristiyano ng Brgy. Bucal!
πΈ Margarita Matanguihan Baulite Naredo (Terry N. Naredo