05/05/2026
The Lord makes firm the steps of the one who delights in him; though he may stumble, he will not fall, for the Lord upholds him with his hand.
Psalm 37:23-24
Minsan sa buhay, hindi natin maiiwasan ang pagkakamali, pagkadapa, at pagkabigo. May mga pagkakataon na pakiramdam natin, dahil sa mga mali natin, hindi na tayo karapat-dapat sa plano ng Diyos. Pero ang totoo, mas mahalaga pa rin sa Diyos ang pagtawag Niya sa atin.
Ang calling mo ay hindi nakabase sa perfection natin, kundi sa grasya ng Diyos. Ang ating mga pagkakamali ay pagkakataon upang matuto, magpakumbaba, at mas lalong lumapit sa Kaniya.
Kung ikaw ay may guilt at nahihiyang bumalik sa Diyos, pakiramdam natin disqualified na tayo, nagkakamali tayo. Hindi tayo tinawag ng Diyos dahil perpekto ang bawat isa sa atin. Tinawag Niya tayo dahil may plano Siya at may magandang gagampanan Siya sa buhay natin.