Brgy. San Juan Chapel Calamba City

Brgy. San Juan Chapel Calamba City BISITA NI SAN JUAN EVANGELISTA AT BIRHEN IMMACULADA CONCEPCION A. Si San Juan Apostol ay matutunghayan sa mga salaysay sa lahat ng apat na Ebanghelyo. B. K.

KUWENTO NG BUHAY

Ang kasunod na ginugunita sa pangalawang araw na ito matapos ang Pasko ay isang taong tunay na malapit sa puso ni Hesus. Sa katunayan, siya ang isa sa apat na sumulat ng Mabuting Balita (kaya tinatawag siyang evangelista o manunulat ng Mabuting Balita), kasama nina San Mateo, San Marcos, at San Lucas. Ayon sa Bibliya, siya ay anak ni Zebedeo at ni Salome. Tulad ng kanyang ama, si

ya ay isang mangingisda, bago niya tinahak ang landas ng pagsunod kay Hesus. Nauna siyang naging taga-sunod ni San Juan Bautista subalit naakit siya kay Hesus. Nang maging tagasunod siya ni Hesus, nakilala siya bilang ang “pinakamamahal na alagad” (beloved disciple). Sa mahahalagang tagpo ng buhay ng Panginoon, si San Juan ay kasa-kasama nina San Pedro at Santiago Apostol, na kapatid niya, upang maging saksi sa mga himala na ginawa ng Panginoon. Sa tuwing iguguhit ang larawan ng mga apostol, laging ipinapakita na si San Juan ang pinakabata sa lahat ng mga apostol, walang balbas at sinasabing siya ang kaisa-isang binata sa grupong ito. Pagkatapos ng Muling Pagkabuhay ni Hesus, si San Juan ang nagdala ng Mabuting Balita sa Samaria, kasama ni San Pedro. Pagkatapos nito ay ipinapalagay na nakarating siya sa Antioquia at sa Efeso upang mangaral sa mga lungsod na iyon. Dinalaw din ni San Juan ang Roma at siya ay ipinatapon sa isla ng Patmos, ang lugar kung saan pinaniniwalaang isinulat niya ang Mabuting Balita (o Ebanghelyo) ayon kay San Juan at pati ang tatlong Sulat ayon kay San Juan sa Bagong Tipan (Letters/ Epistles of John). Namatay siya sa isla ng Patmos noong dulong bahagi ng 1st century, bilang kahuli-hulihan sa 12 apostol na namatay at hindi rin siya naging martir tulad ng iba, kundi inabot niya ang kanyang katandaan. Si San Juan ang tinutukoy na apostol na nakahilig o nakasandal sa puso ng Panginoon noong Huling Hapunan. Dito makikita kung gaano nga siya kalapit sa puso ng Panginoon. Maaari din na dahil sa kanyang pagiging malapit kay Hesus, kaya talagang malalim ang katotohanang isinulat niya sa mga aklat ng Bagong Tipan. Siya ang teologo (theologian) sa mga apostol dahil sa lalim ng kanyang mga pagninilay sa buhay at aral ng Panginoong Hesus at sa taas ng kanyang paliwanag sa mga misteryo ng Diyos. Kabilang si San Juan sa kaunting mga tagasunod ni Hesus na naging saksi sa kanyang paghihirap at kamatayan sa Kalbaryo. Matatandaan na nagtakbuhan at natakot ang ibang mga alagad subalit si San Juan ay naroon hanggang kamatayan ng Panginoon sa krus. May natatangi siyang personal na misyon sa ilalim ng krus. Bago mamatay ang Panginoong Hesus, sa kanya ipinagkatiwala ang pag-aaruga sa kanyang inang si Maria. Itinuring ni San Juan na sariling ina ang Mahal na Birhen at kasama niya ito sa kanyang bahay sa Efeso. Ang puntod ni San Juan at ang tahanan ng Mahal na Birhen sa kanyang pagtanda, ay dinadayo ng mga tao sa Efeso, na ngayon ay bahagi ng bansang Turkey. HAMON SA BUHAY

Unti-unti mong basahin at pansinin ang kakaibang istilo ng pagsusulat ni San Juan ng mga aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya. Basahin ang Ebanghelyo niya at ang tatlong Sulat. Magdasal tayo na tayo rin ay maging lubhang malapit sa puso ng ating Panginoong Hesus. Ngayong Pasko, tularan natin si San Juan at isulat nating ang ebanghelyo ayon sa ating sariling buhay at pananampalataya. KATAGA NG BUHAY


Jn 21: 24-25
Ito ang alagad na siyang nagpapatunay tungkol sa mga bagay na ito at ang sumulat sa mga ito. At alam natin na totoo ang kanyang patunay. Marami pa ring ibang ginawa si Jesus, na kung isa-isang masusulat ang mga iyon, sa tantiya ko’y hindi magkakasya sa mundo ang isusulat na mga aklat. (from: Isang Sulyap sa mga Santo, by Fr. RMarcos)

Sa bigat ng bawat sugat at luha,lumalapit ako sa Iyo, Poong Hesus Nazareno.Ikaw na nakakaalam ng lahat ng aking dinadala...
08/01/2026

Sa bigat ng bawat sugat at luha,
lumalapit ako sa Iyo, Poong Hesus Nazareno.

Ikaw na nakakaalam ng lahat ng aking dinadala—
ang mga sakit na hindi masabi,
at mga laban na tahimik kong hinaharap.

Kaawaan Mo po kami.
Bigyan ng lakas ang nanghihina,
pag-asa ang nawawalan,
at kapayapaan ang pusong sugatan.

Sa Iyo ko iniaalay ang lahat. 🙏

Happy Feast Day Black Nazarene
08/01/2026

Happy Feast Day Black Nazarene

May 31 2025Tapusan 2025Hermano Alvin and Grace Cueto
31/05/2025

May 31 2025
Tapusan 2025
Hermano Alvin and Grace Cueto

Tapusan 2025May 31 2025Hermano Alvin and Grace Cueto
31/05/2025

Tapusan 2025
May 31 2025
Hermano Alvin and Grace Cueto

31/05/2025

✨ JUNE will be a month of MIRACLES! ✨
Claim it now! 🙏

✅ Healing
✅ Recovery
✅ Genuine Happiness
✅ Abundance
✅ Answered Prayers

The Lord is moving — don’t miss what He’s about to do in your life this month.
Comment "AMEN" to receive it! 💖🔥

31/05/2025

Pag babasbas sa Mahal na Birheng Maria
Tapusan 2025
Hermano 2025 Alvin And Grace Cueto
May 31 2025

May 31 2025Alvin and Grace Cueto and Family Thank you and God Bless your Family 😇
31/05/2025

May 31 2025
Alvin and Grace Cueto and Family
Thank you and God Bless your Family 😇

Banal na Misa Pasasalamat sa Birhen MariaPunong tagapagdiwang : Reb.Pd. Zaldy FortunoMayo 31 2025 | 9:00 N.U
31/05/2025

Banal na Misa
Pasasalamat sa Birhen Maria
Punong tagapagdiwang : Reb.Pd. Zaldy Fortuno
Mayo 31 2025 | 9:00 N.U

PAANYAYA  TAPUSAN FLORES DE MARIA 2025 ngaun ika -31 ng Mayo 2025 ay  isasagawa ng ating Parokya ang Tapusan Flores de M...
31/05/2025

PAANYAYA
TAPUSAN FLORES DE MARIA 2025

ngaun ika -31 ng Mayo 2025 ay isasagawa ng ating Parokya ang Tapusan Flores de Maria na magsisimula sa ganap na ika-4:00 ng hapon, Pagkatapos ng Prusisyon ay isasagawa ang pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.

Hermano 2025: Alvin And Grace Cueto

31/05/2025

May 31 2025
Misa 8:30 ng umaga

30/05/2025

May 29 2025
Malabanan Family
Thank you and God Bless your Family 😇

Address

Calamba

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. San Juan Chapel Calamba City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share