25/10/2023
Mapagpalang Araw sa Lahat!
Bilang paggunita sa nalalapit na Ika-1 ng Nobyembre (All Saints Day), magkakaroon po tayo ng pa contest para sa mga bata na may edad walo (8) hanggang labing-tatlo (13) na may tema "DRESS LIKE A SAINT, ACT LIKE A SAINT"..Ang mga bata po ay magsusuot ng costume upang gayahin ang isa sa mga Santo natin bilang Katoliko (hindi po kasali si Hesus at Mahal na Birhen bilang Ina ni Hesus).Ito po ay upang ipaalam din sa lahat na ang Nobyembre ay hindi nakakatakot at para sa katatakutan lamang, higit sa lahat ito po ay Paggunita sa ating mga Mahal na Santo na nakatulong upang maipalaganap ang Mabubuting Salita at Nagawa ng Panginoon..Sa mga may katanungan po at nais makiisa o isali ang kanilang mga anak, pamangkin, apo o kamag-anak ay makipag-ugnayan lamang po sa Pamunuan ng ating Chapel (Our Lady of Lourdes) o kaya po ay magsend lamang ng message sa ating FB page.
Ito po ay pakikiisa natin sa gawain ng ating parokya, San Vicente Ferrer sa pangunguna ng ating Kura-Paroko, Fr. Alex C. Pontilla..
"Gabayan at pagpalain nawa tayong lahat ng Panginoon"..Maraming Salamat po!