16/12/2025
IN-PHOTOS | PYC RENEWAL AND OATH-TAKING
Bilang pagdiriwang ng National Youth Day, muling nanumpa ang mga kasapi ng Lider-Kabataan ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima, tanda ng panibagong pagtugon sa tawag ng paglilingkod, pananampalataya, at pagmamahal sa Simbahan.
Mula sa puso, lubos na pasasalamat ang iniaalay sa mga dating lider na naging haligi at huwaran ng tapat na paglilingkod; sa kanilang mga payo, sakripisyo, at patuloy na paggabay, nahubog ang mga pusong handang magpatuloy ng misyon. Para sa mga bagong namumunong kabataan, maging huwarang halimbawa nawa kayo ng mabuti at mapagkumbabang paglilingkod kalakbay ng mga kabataan ng Diyos.
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating Kura Paroko, Rdo. Pd. David O. Reyes Jr., sa kanyang walang sawang paggabay at pagtitiwala sa kabataan โ isang paalala na sa loob ng Simbahan, ang kabataan ay hindi lamang kinabukasan, kundi kasalukuyang buhay at lakas ng sambayanan ng Diyos.
Happy National Youth Day!
Our Lady of Fatima Parish | Parish Youth Commission