27/09/2026
Ang saya ng puso namin ngayong araw! First time nating hinati ang Sunday School—hiwalay na ang maliliit sa mga mas nakatatandang kids para mas maasikaso natin sila nang maayos. Mula sa pagbisita sa kanila sa bahay-bahay, sobrang nakakataba ng puso na makita silang nandito na talaga sa church!
Umabot sa 17 kids ang nakasama natin ngayon! Malaking jump na ito kumpara sa 5 to 8 kids lang nung mga nakaraang buwan. Kahit hindi pa natin naabot 'yung pangarap nating 25 to 30, dahan-dahan lang at patuloy tayong nagdarasal na lumago pa ang klase natin.
Maraming salamat sa mga mommy at daddy sa pagtiwala at pagdala ng inyong mga anak. Magkita- kita po ulit tayo upang kumanta, sumayaw at matuto ng salitang ng Diyos sa susunod na Linggo!