13/06/2022
Magandang Araw po!
Pormal nang inaanunsyo ng Parish Youth Ministry na ang MHC Parish Youth Ministry na page ay hindi na ituturing na official fb page ng PYM. Kaugnay nito, narito po ang bagong Parish Youth Ministry Page na pamamahalaan ng Juventus Organization. Paumanhin po sa biglaang pagbabago na ito at inaasahan po namin ang inyong patuloy na pagsuporta sa Youth Ministry ng Parokya ni Maria Mapag-ampon sa mga Kristyano.
*Ang pagkakaiba po ng dalawang page ay makikita sa cover photo at logo sa profile picture. Ang bagong page po ay mayroong dilaw na background samantalang ang luma po ay puti.
Narito po ang link na maaari ninyong gamitin upang direktang mapuntahan ang bagong page ng ating Parish Youth Ministry. Makikilike and share na rin po nito para mas madami pang makaalam ng importanteng anunsyong ito. Maraming Salamat po!
https://www.facebook.com/mhcppym.oratorianheart/