10/11/2024
Mapagpalang Araw po sa ating lahat!
Mula po sa buong pamunuan ng Virgen De Las Angustias Cursillo Family ay taos puso po kaming nagpapasalamat sa mga taong naging katuwang ng aming pamilya upang maging matagumpay ang Class #20. Magmula po sa mga good samaritans, auxiliaries, advisers, moderators, rollistas, vice rectors, ibaβt ibang cursillo team at sa aming Spiritual Director na si Rev. Fr. Erwin James Loquindo, SSDD. Kayo po ay tunay na biyaya ng Diyos!
Muli, maraming salamat po sa paglalaan ng oras, dasal, talento at aral sa Virgen De Las Angustias Class #20. Sumainyo nawa ang siksik, liglig at umaapaw na biyaya ng Diyos!
Inyong Kapatid kay Kristo,
DE COLORES! π
Bro. Acel James C. Pascual