24/09/2026
SEPTEMBER 23, 2026 | Kapistahan ni Santo Padre Pio
Buong saya at pasasalamat na nagsama-sama bilang isang pamilya ng Diyos ang mga mananampalataya ng Parokya ni San Isidro Labrador upang ipagdiwang ang Kapistahan ni Sto. Padre Pio, ang ating ikalawang patron.
Sa banal na misa, muli sa ating ipinaalala na ating ipinagkatiwala sa Panginoon ang ating mga panalangin, pamilya, at buong pamayanang parokya. Nawa’y patuloy tayong maging matatag sa pananampalataya at tapat sa paglilingkod, tulad ng ipinakita sa atin ni San Padre Pio sa kanyang buhay.
Maraming salamat sa bawat isa na nakiisa, tumulong, at nakibahagi sa ating pagdiriwang, mula sa unang araw ng misa nobenaryo hanggang sa araw ng Kapistahan ni Sto. Padre Pio. Tunay na napakaganda na ang lahat ay sama-samang nananalangin, naglilingkod, at naglalakbay sa pananampalataya.
PRAY, HOPE, AND DON’T WORRY!
Mahal naming Sto. Padre Pio, ang aming pangalawang patron, ipanalangin mo kami at lahat ng may sakit.