11/06/2026
Ating pasalamatan ang dalawang pusong ating pinagpipitagan, pinamimintuhuan, at pinagsusumikapang tularan.
Bukas, ika-12 ng Hunyo ay ipagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus. Ang mga Banal na Misa po ay sa ganap na ika-6 at ika-7 ng umaga at ika-6 ng gabi. Magkakaroon din po ng prusisyon matapos ang Banal na Misa sa gabi.
Sa darating naman pong Sabado, ika-13 ng Hunyo, ay ang Paggunita sa Kalinis-linisang Puso ni Maria. Ipagdiriwang po ang mga Banal na Misa para sa paggunitang ito sa ganap na ika-6 at ika-7 ng umaga.
Ang Banal na Misa sa Sabado ng ika-6 ng gabi ay ๐ข๐ฏ๐ต๐ช๐ค๐ช๐ฑ๐ข๐ต๐ฆ๐ฅ ๐๐ข๐ด๐ด na po para sa ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon.
Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, maawa Ka sa amin!
Kalinis-linisang Puso ni Maria, ipanalangin mo kami!