Our Lady of Light - Parish Youth Ministry

Our Lady of Light - Parish Youth Ministry "Blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven."
-Matthew 5:3 This will be the theme of World Youth Day in Rio Brazil.

Pope Benedict 16th uses this verse (Mt. 28:19) to invite all the youth to be an instrument of lively evangelization to the world.

10/05/2026

Sa bawat tahanan… may isang pusong hindi napapagod magmahal.

Isang taong laging nauunang gumising para sa pamilya…
Laging handang makinig… umalalay… at magsakripisyo kahit minsan ay nakakalimutan na ang sarili.

Si Mama, ma, nanay, nay, mother, mommy.

Mula sa Youth Ministry, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ilaw ng tahanan. Kayo po ang inspirasyon ng aming pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal.

Happy and Blessed Mother’s Day po. At nawa’y patuloy kayong gabayan at ipanalangin ng ating Mahal na Inang Maria. 🩷

Puspusan na ang paghahanda ng ating Parish Youth Ministry para sa pagdiriwang ng Mother's Day!Tara na at magsimba kasama...
09/05/2026

Puspusan na ang paghahanda ng ating Parish Youth Ministry para sa pagdiriwang ng Mother's Day!

Tara na at magsimba kasama si Mama, Nanay, at mga Mother Dear! Huwag kalimutang magpapicture sa ating mga photobooth sa pintuan ng ating simbahan at upang ma-feature ang inyong photos sa aming page!

Available po ang ating photobooth mula anticipated Mass ngayong gabi hanggang bukas ng 8PM Mass.

Kita-kits!

Maraming Salamat po, Ate Nel, Ate Maryand Ate Ria! KaDA 🤗🩵
09/05/2026

Maraming Salamat po, Ate Nel, Ate Mary
and Ate Ria! KaDA 🤗🩵



PARISH YOUTH DAY 2026! 🤎Ginanap noong Sabado, Abril 25, ang ating Parish Youth Day 2026. Pinangunahan ito ng ating mga A...
27/04/2026

PARISH YOUTH DAY 2026! 🤎
Ginanap noong Sabado, Abril 25, ang ating Parish Youth Day 2026. Pinangunahan ito ng ating mga Ate at Kuya na naging delegates sa DYD 2025. Maraming Salamat po sa ating mga mahuhusay na Ate at Kuya para sa napaka gandang flow ng ating event. Gayunpaman, sana po ay may natutunan kayo from the talks at activities, may nakilalang bagong mga kaibigan, at higit sa lahat nag enjoy. Nawa’y mas mapalago pa ang ating mga kabataan sa ating parokya.



HAPPENING NOW: Ngayon naman ay isinasagawa na ang workshop session ng ating PYD. Ang oras na ito ay para makapag reflect...
25/04/2026

HAPPENING NOW: Ngayon naman ay isinasagawa na ang workshop session ng ating PYD. Ang oras na ito ay para makapag reflect at ma-apply ang natutunan sa naisagawang talk ng ating mga Ate at Kuya.



HAPPENING NOW: Kasalukuyang nag sisimula na ang ating Parish Youth Day 2026 na may theme na PEREGRINO. Nawa’y maging mak...
25/04/2026

HAPPENING NOW: Kasalukuyang nag sisimula na ang ating Parish Youth Day 2026 na may theme na PEREGRINO. Nawa’y maging makabuluhan ang ginaganap na ating PYD ngayon and may this activity bring us closer to God and our friends.



𝗔𝗸𝗼’𝘆 𝗣𝗲𝗿𝗲𝗴𝗿𝗶𝗻𝗼, 𝗵𝗶𝗻𝗶𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗹𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗱𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮, 𝗯𝗶𝘁𝗯𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗺𝘂𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗞𝗿𝗶𝘀...
22/04/2026

𝗔𝗸𝗼’𝘆 𝗣𝗲𝗿𝗲𝗴𝗿𝗶𝗻𝗼, 𝗵𝗶𝗻𝗶𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗹𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗱𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮, 𝗯𝗶𝘁𝗯𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗺𝘂𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗞𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼. 𝗦𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗮𝗿𝗮𝘄, 𝗽𝗶𝗻𝗶𝗽𝗶𝗹𝗶 𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗸𝘀𝗶 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗶𝗴 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮, 𝘀𝗮 𝗴𝗮𝘄𝗮, 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗽𝘄𝗮. 👣

Ako si Ate / Kuya [Name] mula sa kabataan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Light, handang maglingkod, makiisa, at maging daluyan ng pag-asa at inspirasyon. 🌟

https://twb.nz/dspollpympyd2026peregrino



Isaiah 40:31 “But those who hope in the Lord will renew their strength” Ang buhay ay minsan mabigat at maraming obstacle...
13/04/2026

Isaiah 40:31
“But those who hope in the Lord will renew their strength”
Ang buhay ay minsan mabigat at maraming obstacles na kailangang pagdaanan. Just trust in the Lord and keep your faith to Him!

Hello mga Ka-Lakbay! 👋🏼
Magkakaroon tayo ulit ng Parish Youth Day! Yes tama, PYD ulit! Ito ay may theme na
PEREGRINO: THOSE WHO HOPE IN THE LORD WILL RUN AND NOT BE WEARY

Narito ang ibang details para sa ating PYD 😊
Where: Parish Formation Center (Room TBA!)
When: April 25, 2026 12:00PM-5:00PM

Namiss namin kayo! We hope to see you there and kita-kits ulit, Mga Ka-Lakbay! 🩵

Register Here:https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeC2QBaYQwcg61UusU045XknBt8m2k7ejlzq5l-qeQKvHMIOA/viewform


Youth members of the Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Light stage the Living Stations of the Cross in Barangay ...
28/03/2026

Youth members of the Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Light stage the Living Stations of the Cross in Barangay San Juan, Cainta, Rizal on Saturday.

The annual Lenten tradition, led by the parish youth ministry, brings the community together as they reenact Christ's passion while moving through selected barangays in Cainta. (Photos by Michael Varcas/The Philippine STAR)

RELATED: https://www.youtube.com/watch?v=pr-zPxQMTbY&t=1s

Narito po ang mga detalye ng mga gawain para sa darating na Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ang Panginoon.Ang Prusi...
25/03/2026

Narito po ang mga detalye ng mga gawain para sa darating na Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ang Panginoon.

Ang Prusisyon ng Palaspas po ay magmumula sa Municipal Hall sa ganap na ika-6 ng umaga. Mayroon pong pagbabasbas ng mga palaspas sa pasimula ng bawat Misa.

Ang atin din pong Parish Youth Ministry ay magtitinda ng palaspas sa halagang P50. Ang malilikom pong halaga ay ilalaan sa iba’t ibang programa at gawain para sa mga kabataan ng ating parokya.

Mga ka-dambana, sama-sama nating gunitain ang matagumpay na pagpasok ng ating Panginoong Hesukristo sa Jerusalem upang tuparin ang pangakong kaligtasan para sa sangkatauhan!

Inihahandog ng ating Parish Youth Ministry ang pagsasadula ng Daan ng Krus na gaganapin sa Marso 28, 2026, ika-7 ng umag...
24/03/2026

Inihahandog ng ating Parish Youth Ministry ang pagsasadula ng Daan ng Krus na gaganapin sa Marso 28, 2026, ika-7 ng umaga sa Brgy. San Juan. Ang pagsasadula ay dadaan sa mga sumusunod na kalsada:
🔹️ L. Santos Street
🔹️ A. Bonifacio Street
🔹️ Dela Paz Street
🔹️ Maligaya Street
🔹️ Espiritu Drive
🔹️ J. Tolentino Street
🔹️ M. Javier Street
🔹️ Dr. San Juan Street
🔹️ Hunters-ROTC Avenue
🔹️ Bisita ni San Juan sa E. Gonzaga Street

Sama-sama nating sariwain ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, na ating nasaksihan sa pag-aalay ng buhay ni Hesus para iwaksi ang kasalanan at kamatayan, at dalhin tayo sa buhay na walang hanggan!

Ad maiorem Dei gloriam!

Address

A. Bonifacio Avenue, Brgy. San Andres
Cainta
1900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Light - Parish Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Our Lady of Light - Parish Youth Ministry:

Share